chapter 17

8.4K 396 29
                                    

Chapter 17

"Isang gabing katangahan at pagkakamali, Tay. Patawad po,  sana po hindi niyo na lang ipilit ang tungkol sa lalaking yun."

"Pasensya na Tay, hindi ko rin po kasi siya kilala. Isang gabi lang naman sa bar dahil nagkayayaan. Madali po akong nalasing at paggising ko nasa isang hotel na ako. Alam kong hindi ko rin masisisi kung sino man siya,Tay. Naging pabaya ako at hindi na maalala ang lahat. Hindi ko po pababayaan ang magiging Anak ko. Patawad po."

"Wala na po ako sa AMZOE, Nakakita po ako ng mas magandang trabaho at oportunidad sa ibang kompanya, nay. sekretarya na po ako simula ngayong lunes. Magsisikap po ako Nay, babawiin ko po ang tiwala niyo sa akin."

Lies.

Mas lalong dumami ang kasalanan ko sa kanila dahil sa mga tinahi kung kasinungalingan. Hindi lang iyun kundi halos lahat ay nauwi sa pagsisinungaling. Ang alam ko lang ay wag na silang saktan pa sa kapalpakan ko. Alam kong hindi pa nila ako pinapatawad ngunit sapat narin sa akin na maging civil si nanay sa akin. she's keeping a distance from me from then on. Para tuloy akong ibang tao sa kanya.

My life began as a bitter-sweet. Ganoon din sa trabaho. Kahit mabilis akong mag-adopt sa aking paligid at sa trabaho  ay sadyang may mga pahirap talagang tao.

Secretay  Eva is nice and friendly habang kabaligtaran naman si secretary Selene. Well,  sobrang reliable naman niya pagdating sa trabaho,  ang dami kong natutunan sa kanya bukod sa training na binibigay ni sec. Eva. Kahit parehong secretary sa iisang tao ay magkaiba naman ang trabaho nila. Madalas ay paper works at troubleshooter si sec. Selene habang ako naman sa mga minutes ng meetings at follow up sa mga projects o schedules. Madalas din akong utusan, at ako ang sinasama sa mga meetings kung saan-saan.

"Oh, ano?  Kumusta naman  ngayong wala na si Miss Eva?  Hard parin ba?" inis na tanong ni Reese tungkol Kay Miss Selene. Naglalunch kami sa canteen isang tanghali.

"Hayaan niyo na, okay lang naman Kahit tarayan niya. Trabaho ang pinunta ko dito noh." Sagot ko.

"Tapang talaga nito oh." komento ni Janicar. Nakikita parin naman  kami sa building Kahit hindi lage, busy din kasi sila kaya kapag nagkataon ay sinusulit namin Kahit dito lang sa canteen.

Tumawa lang ako Kahit ang totoo ay naiinis din ako sa babaeng iyun. Minsan kasi wala talaga siyang patawad sa akin Kahit alam naman niyang buntis ako. Bongga kung mag-utos. But so far nakakaya ko naman. Kahit nagkakamoodswing ako ay sa trabaho ko na lamang binubuntong at naging motivated dahil Kay baby.

Talagang mahirap ang walang partner Kanang Buntis, buti nalang sobrang alaga ako ng mga kapatid ko pagkauwing bahay. Hatid-sundo din ako ni Alex habang sa kaya ko pang umangkas ng motor.

"Aly, Nakalimutan mo bang buntis ka? Ilang beses Kanang  nag overtime." si nanay na hinintay talaga ang pagdating ko. Pasado alas dyis na ng gabi, ginabi  uli ako sa pang apat na araw.

Nagulat ako ng makita siyang nakahalukipkip sa sopang kawayan. Tahimik na ang bahay at tulog na ang mga kapatid ko at malamang si tatay din. Nagmano at humalik ako Kay nanay.

"Ayus naman ako, Nay. Salamat po sa pag-alala. Siniguro ko naman na okay si baby." Sagot ko naman na sumukip ang puso. Minsan nalang kasi akong kinakausap ni nanay.

"Oo at kailangan natin ng pera ngunit kung mapapahamak naman ang apo ko dyan sa trabaho mo ay wag nalang. Kakayanin pa naman ng tatay mong magbalat ng buto." Insist ni nanay. Gusto kong maiyak sa sinabi niya, Ibig sabihin ba nito tanggap na niya ang nangyari sa akin? Sa galak ko ay nayakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat, nay. Salamat!" naiiyak kong sabi. It's been months na hindi ko na siya nayayakap at nalambing, Sobrang miss ko na siya. Humagolgol ako, miss na miss ko talaga si nanay.

"Tama na,  Patawarin  mo rin ako kung naging matigas ako sayo. Tama ang tatay mo, minsan ka lang nagkamali, hindi ko dapat ipagpalit iyun sa mga sakripisyo mo para sa pamilya natin. Patawad Anak, kung hindi ka man nagkaroon ng oras para sa sarili mo dahil inuna mo kami. Wag kang mag-alala, aaalalayan ka namin..." Mas lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi ni nanay. Naninikip ang dibdib ko.

It's my 7th month at mamimili na ako ng gamit ni baby. Nalaman na  rin namin ang gender dahil  sa ultrasound. It's a baby boy. Sinamahan ako ni nanay at ni Aira pagkatapos  naming magsimba,isang linggo.

"Ate, color blue! Kasi nga lalaki." sita sa akin ni Aira ng kumuha ako ng color brown na pares ng mga pajamas.

"Okay lang naman ang brown. Hindi naman pang magtanda,  ang cute nga oh. Sobrang uniform naman kung blue lahat."
Sabi ko. Nakakuha na kasi kami ng crib na blue at diaper bag.

"Hay, naku.  Kapag sanggol pa mas mabuting puti lahat gamit para madaling makita ang mga langgam kung sakali, at tsaka hindi pa naman yan nakakakilala ng kulay ang bata kaya bat kayo magtatalo sa kulay." Awat ni nanay sa amin ni Aira.

Then narealized  ko ang sinabi niya. Mas mainam ang puti, at tsaka ang linis tingnan. Kaya sa huli ay sinunud namin ang gusto niya.

Lumipat din kami ng mas maayus na apartment, sa hindi squater. Mahal man ang upa ay mas malinis at maaliwalas naman. plano ko ngang mag-ipon para makabili ng bahay balang araw. May munting garahe na ginawa naming tindahan para may pagkakaabalahan naman si nanay. Si tatay naman ay hindi ko na pinagtrabaho,nakakuha kasi ng part time job itong si Alex kaya nakakasustento siya sa sariling pag-aaral. Tumatanggap nalang si tatay ng parepair na mga appliances. At least hindi na siya masyadong mapapagod. Naging kuntento naman ako sa takbo ng buhay namin.  Mula noong naging secretary ako ay tuloy-tuloy na ang biyaya ko sa buhay. Naging magaan ang buhay namin.

I gave birth to a healthy baby boy. Hindi niya ako pinahirapan sa aking labor at ang dali din niyang lumabas. Tumigil ang mundo ko sandali ng marinig ko ang iyak niya, lalong-lalo na noong mahawakan ko siya. Ang gwapo niyang bata,  maputi, matangos ang ilong at ang ganda ng mga mata.

"Ate,  ang gwapo siguro ng nakabuntis sayo dahil ang GWAPO ng anak mo!!!!" Impit na bulong ni Aira. Nailipat na ako sa private room at nasa gilid ko ang Anak at nilalaro ni Aira ang kamay nito Kahit tulog. Si nanay ay naghanda ng sopas para sa akin sa di kalayuan lang.

"Wala ka bang tiwala sa ganda ko, Aira.  Syempre sa akin nagmana yan." Inirapan ko siya. Sa tagal ng panahon ay ngayon lamang namin uli napag-usapan ang tungkol  dito.

"Bulag ka ba?  E kahit nga ari niyan ay hindi sayo kasi lalaki taz sasabihin mo mana sayo?  Saang anggulo ba?" she insist. Binatukan ko siya sa inis. Sa totoo lang ayaw ko lang pag-usapan ang tungkol Kay Blake. Kinakabahan lang kasi ako everytime na naaalala ko siya.

"Tama na nga yan! Pagpapahingahin mo nga yang ate mo. 'Tong batang to ang kulit."  Lumapit si nanay sa amin upang mapakain ako. Ngumuso naman  si Aira at dumistansiya.

Ayaw ko mang aminin ay kamukha nga niya ang tatay niya. Siguro nga dahil ito naman yung  pinaglihian ko. May nakita kasi akong picture niya sa internet at ni save ko iyun. Dinadalaw ko kapag namimiss siya. Ayaw ko man ay nangungulila talaga ako sa kanya. Siguro Nakalimutan  na niya ako, posibli ngang nagkatuluyan parin sila ni Stacy despite sa nangyari sa amin. I smiled bitterly.

I won't love you secretly anymore. I have my son,and he is my life from now on. Ibubuhos ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal. He won't  look for you for I will provide the lackness in him. Hindi ka na  kakailanganin pa niya.

I won't make another mistakes anymore. Wala na rin naman akong rason pa para dagdagan uli ang mga kasinungalingan ko dati.

Humikab si baby at nagstretch.

"Hi baby,  welcome to the world my Gavin."






















❤Lyra

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon