chapter 35

9.6K 484 52
                                    

Chapter 35

Sa pagmamadali kong makababa ng hagdan ay natisod ako at napaluhod.

Aray!!!!!

Parang nabali yata ang paa ko, buesit na sandalyas, maabutan pa yata ako nito. Pinilit kong tumayo ngunit sobrang sakit talaga na gusto kong sumigaw. Kung kanina ay sakit sa dibdib ang ininda ko ngayon naman ay walang makakapantay sa sakit sa aking paa. Nanginig yung kalamnan ko sa sakit. Talagang may nabali kaya o yung ugat ay naipit.

Umiiyak na ako sa sakit ng paa. Hindi na sa nakita kanina. Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat dahil sa sakit.

"Aly! Shit! "

Kinarga niya agad ako at dinala sa clinic ng hotel. Mabuti nalang at hindi pa nakaalis ang doctor na duty sa araw na iyun. MWF lang ang doctor dito, minsan lang din naman may pasyente e,  the rest ay isang nurse lang ang nakaduty. Madalas nadadala dito ay ang mga empliyado lang mismo ng hotel.  Kesyo nilagnat, napilayan, naipit, at kung ano-ano pang hindi naman seryusong kaso.

Napasigaw ako ng hilain ng doctor ang aking paa. Na sprained lang naman daw pero ang sakit. Parang mas masakit pa sa panganganak ko Kay Gavin. Nakakanginig sa sakit.

Si Blake ay tahimik lang. Panay pisil sa aking kamay na akala yata niya ay maiibsan ang sakit e hindi naman. Pinainom ako ng pain killer kaya humupa ang sakit. Nag instruct sa akin ang doctor at kailangan ko lang ipahinga. Mabuti pa nga at ayaw ko siyang makita. Nakaidlip ako sandali sa pagod. Nagising na lamang ako nang nasa ibang higaan na. Hindi rin naman ito ang kwarto niya kaya nakahinga ako. Mukhang sa baba lang ito na hotel. Syempre alam ko, dito ako naglilinis minsan. Sinipat ko ang aking paa, nakabandage na ito at kumikirot na naman.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bag na nasa lamp table lang naman nakapatong. Nakuha ko maman agad Kaya tiningnan ko ang oras. Alas otso na,  kailangan  ko nang umuwi. Tinawagan ko agad si Roland na magpapasundo ako sa kanya. Kailangan ko ng umalalay sa akin Kahit magtataxi nalang kami.

"Okay, copy." Sabi niya.

Sinabi ko din ito na napilayan ako. Naghanda agad ako. Sa tingin ko kaya ko naman hanggang sa lobby kaya magdadahan-dahan nalang ako. Sumagi sa isip ko si Blake,, nasaan na kaya ang damuhog iyun. Iniwan talaga ako. Syempre babalikan niya yung babae niya. Sumilab ang galit sa aking dibdib. Wala ka talagang maasahan sa lalaki, puro pagnanasa ang nasa isip. Hainan mo lang ang katawan bibigay na. Ayaw ko ng ganoon, masyado akong insecure at selosa. Baka magkakasakit pa ako sa puso.

Mabuti nalang at nalaman ko hanggat maaga pa. Masakit man sa akin dahil nga ay nahulog na ako sa kanya. Inisip na lang uli ang pagitan namin kaya hindi kami pwede. May munting luhang dumaloy sa aking pisngi. Nasasaktan na naman ako. Sino lang naman ako kumpara sa mga kalevel niyang mga babae, lalong lalo na si Stacy, I am nothing. Pait kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi. Simula ngayon iiwas na ako. Tama na ang pagpapakatanga. Ang isang Arizona ay hindi magsesiryoso sa isang hamak na katulad ko.  Siguro nagkainterest lang siya sa akin dahil ako lage ang kasama niya at may atraso pa ako dito. At least naging masaya naman ako noong mga panahong pinaramdam niya sa akin na Mahal nga niya raw ako. But who, ang bolero ng mga lalaki.

Nang tatayo na sana ako ay bumukas ang pintuan at niluwa noon si Blake na may hawak na tray ng pagkain.

"Hi, gising kana." Bati niya sa akin at mabilis na nilagay ang tray sa Mesa na naroon.

Inayus ko ang sarili ko lalo na ang mukha ko.  Halatang galing sa iyak. Suminghot ako.

Lumapit siya sa akin at dumukwang sa aking harapan.

"How are you feeling?" Sa malambing na boses. Nainis ako.

"Uuwi na ako." Straight  kong sabi na hindi tumitingin sa kanya.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon