chapter 38

10.7K 515 83
                                    

Chapter 38

We head back to his hotel. Mag-uusap daw kami. Kanina sa bahay alam kong ayaw niyang iwan si Gavin, panay ang hawak niya dito at hinahalikan Kahit tulog. Ngunit kailangan naming bumalik sa trabaho. I assure him na makakabalik siya sa bahay upang bisitahin ang Anak. Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Masama niya akong tinitigan.

Nang nakarating na kami ay inilalayan niya ako, dahil injured pa ako ng kunte. Kahit sinabi ko namang kaya ko ay nagpupumilit parin siya kaya hinayaan ko na. Pagdating sa taas ay nagulat ako nang may lalaki sa aking disk.  Tumayo ito pagkakita sa amin.

"Good morning Sir, Ma'am." Magalang niyang bati.

"Am I fired?" Nausal ko agad.

"Yeah," Sagot naman niya." he's my secretary before I found you. He is done with his vacation kaya pinabalik ko na siya."

Ngumiti naman ang lalaki at nagpakilala.

"Ian po ma'am." sabi niya.

Hinigit niya ako papasok ng opisina niya.

"Ian, I'm not gonna working today. Ikaw na bahala."

"Yes, sir."

Naguguluhan parin ako. Nang mailock niya ang pinto nito ay binalingan  ko agad siya.

"Akala ko ba nadisgrasya yun?"

Natigilan siya.

"I did?" Patanong niyang sagot. Hindi sigurado sa nagawa.

"Oo, sinabi ko kaya."

Tumaas ang dalawang kilay niya na parang iniisip ang walang kwentang bagay.

"My bad." Iyun lang ang sagot niya at giniya na ako sa private room niya. Pinaupo niya ako sa kama at tumayo sa harap ko.

"Bakit mo sinabing bibisitahin ko lang ang Anak natin?"

Naguluhan naman ako. Ayaw na ba niyang makita ito?

"Bakit?  Ayaw mo?" Medyo na apektuhan ako noon.

"I want a full custody." Seryuso niyang sabi.

Napatayo ako sa sinabi niya. Nagpanting ang tenga ko sa kanyang tugon.

"Hindi pwede!" Napataas ang boses ko.

"But he is my son." Giit niya.

"At Anak ko din siya. Ako ang mas may karapatan sa kanya." Umusbong na talaga ang galit ko.  How dare him!

"Hindi naman kita inaalisan ng karapatan sa kanya. I want you both to come with me."

Para akong masamid sa sinabi niya. Napaawang ang bibig ko.

"Hindi magandang biro yan, magseryuso ka nga!" Inis kong sabi dito.

Nangunot naman ang noo niya.

"Aly, let me remind you. Before I discovered Gavin's existence I already pursue you... Our son is just a beautiful bunos. I'm still into you and I'm not kidding." Mas  seryuso pa siya sa gusto kong mangyari. Nawalan ako ng sasabihin Kaya inalis ko ang tingin sa kanya. Nanghagilap ako ng mga salita sa utak ko ngunit wala na akong napala.

"We can stay this way, you can visit him anytime... Imposible ang sinasabi mo." Malamig kong sabi. Ewan ko ba kung saan galing ang takot ko ngayon. Bakit may bahage sa akin na hindi naniniwala  sa kanya.

"What? impossible? How?" He fired.

Napalingon ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin. Tumingala siya na parang nahihirapan at nakapamaywang.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon