chapter 34

9K 418 31
                                    

Chapter 34

Ang sabi nila kapag masaya ka hindi mo namamalayan ang oras. Kasing bilis ito ng tren kung lumipas. Para akong nasa alapaap,  damang dama ko ang pagiging babae sa mga ginagawa ni Blake. Patuloy ang panliligaw niya at araw-araw lalo lang akong nahuhulog sa kanya. I feel special everyday of my life. Yung kasungitan niya ay lumalabas kapag nagsiselos siya. Kapag may kausap lang akong lalaking empleyado sa hotel ay nasa likod ko na siya agad. Tuloy,kumalat sa buong hotel ang nangyayari sa amin. Lahat nang nasasalubong ko ay yumuyuko at ngumingiti. Ang iba naman ay umeirap at ang mga kasamahan ko dati ay ang gugulo. Para silang nakukuryente kapag pinag-uusapan Kuno ang hunk nilang boss. Jusko!

I'm still he's  secretary,  sa hotel at doon sa Mandaue foam. And after working hours, daig pa namin  ang newly Wed. Sobrang tansing niya.  Alam kong nagpipigil lamang siya sa akin,  Syempre liberated siyang tao. Maiintindihan ko ang pagnanasa niya na madalas ay nadadala naman ako. Pero hindi naman kami umabot sa hubaran. Kapag malapit na ay siya na mismo ang titigil.

" I can wait." Yun ang palage niyang sinasabi Kahit alam kong minumura na niya ako sa kanyang isip. Kaya naisip ko din na sagutin siya at sabihin ang tungkol Kay Gavin ngunit nauunahan ako palage ng takot. Hindi ko alam kung saan at kanino pero hindi talaga ako handa.

So day by day ay nagmemorya ako ng paliwanag. At nag-iisip kung sa paanong paraan ko sila ipagtatagpo. Gavin is 6months now, very bubbly and cute. Sana lang makuha ng Anak ko ang loob niya sa oras na magkita sila. And I always end up exhaling.

Ngayong araw ay nagpaalam na ako sa kanya na matatagalan o kung hindi talaga Kakayanin ay aabsent ako. Nag-iipin na si Gavin at pabalikbalik ang kanyang lagnat. Nagtatae pa siya at palaging umiiyak. He wanted my presence, ayaw ko din siyang iwan sa kanyang kondisyon. Bilang ina masakit sa akin na may dinadamdam ang aking Anak lalo pa at hindi namin alam ang kanyang gustong sabihin dahil hindi pa naman siya nakapagsasalita. Ang tanging nakakaya lang niya ay ang salitang 'Mama'. It melted my heart everytime he asked for me and wanted me to carry him. Kung sana ay sa akin nalang yung lahat na dinadamdam niya.

Kalmado naman si nanay.  Ang sabi niya ay dala lamang ito ng pag-ipin niya. Dinala ko parin si Gavin sa pediatrician, gusto kong makasiguro at malapatan ng gamot ang Anak ko para naman maibsan ang kanyang dinadamdam. At tulad nga ng sabi ni nanay ay wala namang virus na dumapo Kay Gavin.  Simpling lagnat at pagtatae lang. Paracetamol para sa kanyang lagnat at Zinc sulfate para sa kanyang tyan, tapos pedialyte para gawing tubig niya at hindi madehydrate ang resita ng doctor.

Pagdating ng hapon ay medyo umayos din behavior niya. Palage siyang natutulog at medyo mainit pa din. Tumawag si Blake nang maggabi at nangumusta. Sinabi kong ayus naman ngunit hindi parin sigurado kung makakapasok ba ako sa trabaho bukas.  Ang akala niya ay si nanay ang may sakit, hinayaan ko na lamang na ganoon ang iisipin niya.

"Take your time, I can handle things here. Magpahinga ka din,  in worried." Sabi niya.

"Ayus lang ako." Sagot ko.

"Okay,  I miss you..."

Bumuntong hininga ako.

"Kumain ka ha. Bye." sabi ko.

"I will."

The next day, wala ng lagnat si Gavin ngunit nagtatae parin, ayaw parin niyang kumain at minsan lang umiinom ng gatas. Mas gusto nito ang crackers, normal daw iyun sabi ni nanay.

It's my second day na absent,  tumawag si Blake kaninang umaga just to say I miss you.  Nakakatuwa Kahit may pag-alala sa aking puso. Naglalambing parin si Gavin, ayaw parin niyang mawala ako sa tabi niya. Gusto ko iyun, naalagaan ko siya mismo.  Masaya ako Kahit papaano, naging nanay na naman ako sa kanya ng buong araw. Nang gumabi ay dumalaw si Blake sa kanto. We spent hour para lang mag-usap sa loob ng kotse niya. May dala siyang pagkain na pinagsaluhan namin. Hindi ko iyun inasahan kaya sobrang saya ko. Humahanap talaga siya ng paraan para lang magkita kami.

Days turn into week at ganoon nga ang palaging ginagawa namin. Nagtataka na nga si nanay sa paglabas ko matapos ang hapunan sa bahay. Sa ganoon oras ay tulog narin si Gavin. Hindi ako pumasok sa trabaho hanggat hindi tuluyang gumaling ang Anak ko. On Monday ay excited ako sa pagkabalik trabaho,  Syempre na miss ko din nagtrabaho at na miss ko ang boss ko. I already advise him last night. At nasiyahan naman siya.

Yun nga lang ay nasa Manila siya at mamayang hapon pa ang flight niya pabalik dito. Ayus lang,  magkikita rin kami.

I did my duty, tinapos ko ang mga trabahong naiwan at hinanda ang dapat.  Excited akong pagsilbihan siya muli. After lunch ay sa Mandaue naman ako, ang dami palang dapat ayusin kaya halos ginabi ako at hindi namalayan ang oras. Nagmadali akong bumalik sa hotel dahil magluluto pa ako ng hapunan. I'm sure dumating na siya, kanina alas kwatro ang arrival niya at kung traffic man ay mas mabuti para makakapaghanda pa ako.

"Aly,  alam mo ba na may babaeng naghahanap Kay Boss Pogi? Kapahon pa yun, e wala nga kayu kaya hindi rin nagtagal. Hindi rin nakapag check in dahil alam mo na Sunday fully booked lagi." Salubong sa akin ni Cecil.

Nagtaka ako, wala namang nagpapabook sa akin ng appointment  Kay Blake. Sino naman yun?

"At nasa taas siya ngayon. Kadarating lang ni Boss, malamang nagkita na sila. Naku, ang ganda, Aly. Parang Hollywood star kaso pang porn hub naman ang suot. Ang flirt ng dating at tsaka ang arte." Lahat ng parte ng mukha niya ay gumalaw sa kadaldal niya with gross expression.

Bigla akong nainis, nagpanting yung tenga ko at gusto ko yatang manugod.

Iniwan ko ng walang paalam si Cecil.  Uminit yung utak ko sa sinabi niyang description  sa babae. Naiimagine  ko tuloy ang mga Malalanding babae sa nga pikikula na parating eksenadura.

Agad kong narating ang tamang palapag. Tahimik ang desk ko at walang pagbabago sa Iniwan ko kanina. Sinipat ko agad ang pintuan, nakasarado ngunit hindi ako sigurado  kung nakalock. Ang salamin naman sa gilid nito ay iniwan ko kaninang nakatakip ang kurtina.

Hindi niya binuksan?

I'm sure nasa loob sila. Sino  ang babaeng iyun? Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. hindi rin mapalagay ang loob ko.  Umiinit na ang pakiramdam ko.  Parang may mali o di kaya ay may mangyayari.

Dumeritso ako sa pinto at pinihit ang doorknob, pumitik ito. Hindi nakalock. Binuksan ko agad ito nang hindi kumatok. And to my surprise, my tears fall and so my heart.

The woman that Cecil's talking about is now kissing the man I missed so much. Nakahawak siya sa magkabilang pisngi ni Blake  at parang uhaw na uhaw. Nakatayo sila pareho sa gilid ng lamesa at nakasuporta ang Laban niyang kamay sa likod ng babae. Na halos wala ng saplot sa damit  na suot. Sana hindi nalang siya magamit.

"I know you missed  me, babe. I'm sorry for the cold nights without me." Sabi niya sa malanding boses ng nagparte ang bibig nila ng kunte.

Halos pumiyok naman ako sa nakita.

"I didn't, Sanya. Now, get out." Matigas na sabi ni Blake. Ngunit lumingon ang babae sa aking deriksyon.

"Oh, hi there!" She raised her eyebrows. Sumunod naman si Blake na lumingon.

Hindi ko kinaya ang gulat sa kanyang mga mata at ang sakit sa aking puso. Tumakbo ako sa fire exit at nagmadaling bumaba ng building habang umaagos ang aking mga luha.

"Aly!" Tawag niya sa akin. Ngunit nabingi na ako sa sakit na nararamdaman.



























❤Lyra

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon