chapter 33

9.2K 420 32
                                    

Chapter 33

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na ihatid niya ako pauwi. Gusto lang daw niyang nasigurong walang masasamang loob akong madadaanan. Isang valet ng hotel ang pinagdrive niya sa motor ko upang maiuwi ko din ito.

Sa daan pauwi ay hindi ako mapakali sa kaba. Pilit ko namang kinakalma ang sarili ngunit nangingibabaw ang kaba. Hindi kami nagkibuan, nagpapakiramdaman lang. Everytime he asked, sinasagot ko lang ng simply at lilingon sa labas. Napansin niya yatang wala ako sa mood ay hindi narin siya nagtanong pa.

Hindi pa nagtrenta minuto ay narating na namin ang kanto patungong amin.

"Ihinto mo nalang dyan!" para ko sa kanya. Nagpreno naman siya at tinabi ang sasakyan.

Mariin ang kanyang hawak sa manibela at sinuri ang paligid. Hindi subdivision itong bagong tinitirtahan namin ngunit hindi ito magulo, nakahilira ng maayus ang mga bahay at malinis. May mga malalaki ding bahay. Walang mga tambay dahil nakagate ang mga bahay dito kabilang ang sa amin. Kaya Kahit mahal ang upa dito ay kinuha ko para Kay Gavin. Sa safety niya at kalusugan.

"Wag kang mag-alala,  walang tambay dito sa amin. May mga police ding rumurunda dito gabi-gabi." Sabi ko nang mapansing hindi parin niya tinantanan ang paligid. Lumingon siya sa akin at tumitig.

"This place is better than the one you put on your bio. Pero hindi parin ako mapanatag." Nag-alala niyang saad.

Bumuntong hininga ako. Bumaba siyang sasakayan kaya sumunod narin ako bitbit ang aking bag. Again sinuyud niyang muli ang  paligid. Alas nwebi na kaya minsan na lang ang mga napapadanag pedicab.

"Sige na,  kaya ko na. Salamat sa paghatid."

Lumapit sa amin ang valet na nagmaneho ng motor ko at binigay sa akin ang susi at tumabi.

"Where's  your house?"

Nagulat ako.  Akala ko ba hanggang kanto lang? O e Bakit?  Kung hihilingin ba niyang sa bahay mismo ay papayag ka?  Naku Aly, magtino ka.

"Ah,  kasi..."

"Tatanawin lang kitang pumasok mula dito, kung kita pa. Mukhang strict si nanay o si tatay, I'll give you time. Gusto ko lang masigurong makakauwi kang safe." Paliwanag niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi niya. Gusto ko tuloy siyang hilahin papunta sa amin at ipakilala sa Pamilya ko at Kay Gavin.

Tinanaw ko ang bahay mula sa kinatatayuan namin. Kita pa nga Kahit malayo na dahil nasa gilid lamang ng kalsada. At naisip kong hindi rin naman siguro masama kung sasabihin, hindi naman siya mamimilit. Gusto ko rin na mapanatag siya pagakauwi niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Yung may bukas na gate, dyan kami nakatira." Sabi ko sabay turo.

Tumalima agad siya sa tinuro ko. Nang ibalik na niya ang tingin  sa akin ay nakangiti na ito at masaya.

"Thank you... I'll watch you from here."  Hinalikan at niyakap niya ako bago tuluyang binitawan."Good night, I will call when I'm in the hotel." Sabi niya.

Tumango ako nasiyahan narin. Ngunit nalungkot din agad dahil maghihiwalay na din. Chos!  Magkikita pa naman bukas, gaga.

Nahiya ako sa sarili. Kaloka!

Hindi niya inalis ang tingin sa akin hanggang sa makarating ako sa tapat ng aming bahay. Naroon si tatay at naghihintay pala sa akin.

" Magandang gabi, Tay." Bati ko Kay tatay.

Bago ako tuluyang pumasok ay nilingon ko siya sa kanto. Kinaway niya ang kanyang kamay bago pumasok ng sasakyan. Nagpailaw ito sabay tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko agad ito.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon