Spoken Poetry #2

678 59 6
                                    

"Panibagong Simula"

Buhay ay sinusubok tayo,
Problema ay pasan-pasan ng mga tao.
Kaya kaibigan huwag kang susuko,
Mga pasakit ay malalagpasan mo.

Mga masasakit na salitang nadirinig natin,
Huwag nating pagtuunan ng pansin.
Mga kakulangan na ramdam sa sarili huwag damdamin,
Balang araw ito'y mapupunan din.

Kung minsan naiisip na bumigay,
Isiping kailangan bigyang saysay,
Ang buhay na kanyang ibinigay.
Huwag kang hihinto siya'y laging nakagabay.

Kung mata'y pagod na sa pagluha,
Kitayin ang buhay ay hindi solusyon sa problema.
Kung napapagod na panandaliang magpahinga,
Pag nahimasmasan sabihin mong "laban pa."

Ganyan nga patuloy na ngumiti,
Kahit sa kabila nito ay pagdadalamhati.
Pananampalataya at pagpapakatatag ang kailangan ng sarili.
Tignan ang liwanag na satin ay bumabati.

Sa kabila ng pinagdaraanang problema,
Sa gabi'y puno ng sakit na nadarama,
Tignan mo ang pahiwatig ng araw na sasalubong sa'yong umaga,
Nananatili kang lumalaban at hinaharap ang panibagong simula.

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon