Hugot Essay #2

111 10 0
                                    

☆BRACELET☆

May sinusuot ka lagi sa kamay mo, ayaw mo kamong nahihiwalay 'to sa'yo. Mas ayos pa sa'yong walang relo basta wag lang mawala ito. Wag lang ang bracelet mo. Sa tuwing may lakad ka, hindi ka makakaalis ng bahay hanggat hindi mo suot ang bracelet mo. Minsan nga kapag nakakalimutan mo kung saan mo nalagay eh ayos lang kahit pa malate ka sa pupuntahan mo, mahanap mo lang 'to. Napakahalaga sa'yo ng bracelet mo. Hindi ka kumportable pag hindi 'to nararamdaman ng kamay mo.

                   Pero dahil nga lagi mong sinusuot, kadalasan napapatid. Kasi rumurupok o di kaya sumasabit sa ibang bagay ng di mo namamalayan. Subalit pilit mo paring binubuo, kapag napatid hindi ka bumibili ng bago. Kundi , sinisikap mo paring buhulin ang magkabilang dulo na napatid. Kaya lang, kahit na makailan buhol pa 'yan. Rurupok, mapapatid. No choice ka na kundi palitan. Kaya ayon bumili ka nalang ng bago. Hindi mo alam 'yung mga beads pwede pang magamit, pwede mo pa gawing bracelet uli, bumili ka lang ng tali. Kaya lang, tinapon mo na. Naghanap ka na ng iba.

                     Parang sa relasyon natin. Hindi ka sanay ng wala ako sa tabi mo. Hindi kamo buo ang araw mo pag wala ako. Napakahalaga 'ko kamo sa'yo. Hindi ka kumportable kung wala ako. Ayos lang kamong wala ng dumating wag lang ako mawala sa'yo. Pero di naglaon, puro tayo away-bati. Ang relasyon natin ay unti-unting rumurupok. Subalit, laban padin tayong dalawa. Pilit nating inaayos ang tali para maayos ulit tayo. Paulit-ulit kahit na nahihirapan na tayo pareho. Kaso, ang sabi ko ipahina muna natin 'to. Ayoko na kasing nahihirapan ka pa sa pagbuhol.
Pero sabi ko, "pahinga lang". Pero ano? Tinapon mo 'ko eh. Hindi naman kita masisi, nagsawa ka na siguro sa kakabuhol kaya naghanap ka na ng iba, kahit na pwede pa natin ayusin lahat. Ang relasyon natin ay 'yung beads na tinapon mo. Pwede pa sana, tinapon mo lang. Pwede ka pa bumili ng panibagong tali, pero ayon parin 'yung beads. Pwede pa tayo bumuo ng panibagong relasyon, 'yung mas matibay, kaya lang sumuko ka na.

                      Simula noon,kapag may nakikita akong bracelet naalala ko tayong dalawa. 'Yung mga pinagsamahan natin parang iyong mga beads lang na nahulog kasi patid 'yung tali. Nangalaglag, nasayang at nawala.

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon