Hugot Essay #1

139 9 0
                                    

☆STUFFED TOY☆

Stuffed toy, diyaan ka mahilig hindi ba? Ang dami mo na ngang collection niyan eh, pero di ka parin nagsasawa. Labis ka paring natutuwa sa tuwing nakakatanggap ka nito. Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko nalang din yatang maging stuffed toy mo.

                 'Yung bang, ako 'yung laging yakap mo. Ako 'yung laging kinakausap mo, pinagsasabihan ng mga nangyari sa buong araw mo. Ako 'yung itinatalon mo sa tuwa kapag may nangyaring maganda sa'yo. Ako, 'yung nandiyaan kapag nalulungkot ka, 'yung bang mahigpit mo 'kong niyayakap. Ako 'yung sasalo ng mga luhang tumutulo sa mata mo.

                     Sana stuffed toy mo nalang ako, para pahalagahan mo din, ingatan at hindi mo pagsasawaan. Sana stuffed toy nalang ako, para lagi ko nasasaksihan lahat ng nangyayari sa'yo, sa'kin mo inoopen 'yung mga problema mo. Hindi man ako nakakasagot, sa pagyakap mo sa'kin nababawasan 'yung sakit na nararamdaman mo. Ako 'yung katabi mo buong gabing umiiyak ka hanggang sa pagsapit ng umagang ayos ka na.

                    Kesa 'yung tao nga 'ko pero hindi naman importante sa'yo. Hindi mo makita na parang ako 'yung stuffed toy mo na nag-anyong tao. Kapag masaya ka, halos gusto ko magtatalon habang hawak ang kamay mo, kaso estranghero lang ako para sa'yo. Noong may problema ka, nakita kitang umiiyak sa ilalim ng puno. Gusto kita yakapin para mapagaan ang loob mo kaso hindi pwede kase hindi mo 'ko kilala. Gusto ko ako din 'yung sumalo sa mga luha mo, pero hindi pwede kasi nga may ibang tao ng gumagawa sa'yo non.

                      Pero naiinis ako kung bakit ba hindi mo ko makita. 'Yung taong nagbibigay sa'yo ng stuffed toy, ako 'yon. Nakita kasi kita minsan sa isang mall tinitignan ang isang stuffed toy, alam kong gustong-gusto mo 'yun. Kaso rinig kong bulong mo 'di ma-afford hayst' . Kaya tingin ka naalang muna, dahil nga may mas importante pa kamong pupuntahan 'yung pera mo. Pagkaalis mo doon, ako ang kumuha ng stuffed toy na inaasam mo. Valentines day non, sumakto. Ipinabigay ko sa kaklase mo 'yung stuffed toy pero hindi ko pinasabing sa'kin galing, wala kase akong lakas ng loob para umamin.

                        Ayos na 'ko,kuntento na ako. Kunwari nalang ako 'yung stuffed toy na binigay ko sa'yo.  Pahalagahan at mahalin mo sana 'ko kahit bilang stuffed toy lang.

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

   

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon