Spoken Poetry #10

239 17 1
                                    

AYOKO NA

"Ayoko na" ilang beses ko na nga ba sinabi yan?
Ayoko na pero lagi parin akong nariyan.
Hindi ko alam kung bakit ko hinahayaan,
Hinahayaan ko ang sarili ko na masaktan.

Alam mo bang noon pa man sinabi ko na yang "ayoko na",
Sinabi ko na sa sarili kong tama na.
Pero anong magagawa ko eh ayaw niya?
Ayaw ng puso kong bitawan ka,
Hindi ko kasi ata kayang makitang hawak ka na ng iba.
Tinitiis kong lumaban ng mag-isa,
Wag ka lang mawala sa piling ko sinta.
Selfish man,alam kong suko ka na.
Pero hindi ko kayang mawala ka.
Hahawakan kita hanggat kaya ko pa.
Ayos lang kahit magmuka na 'kong tanga,
Hindi ko papanindigan ang salitang "ayoko na",
Dahil mas nananaig ang nararamdaman kong "mahal kita".

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon