Spoken Poetry #7

355 30 1
                                    

Hindi Lahat

Iba-iba ang ugali ng tao,
Hindi lahat kayang sabayan ang ugali mo.
May mga taong hindi naiintindihan ang gusto mo,
At may mga taong susuportahan ka sa laban mo.

Hindi lahat pwede mong sabihan ng problema mo,
Dahil hindi lahat handang makinig sayo.
Hindi lahat nandyan para patahanin ka,
Hindi lahat kapag may problema ka ay dadamayan ka nila.

Dahil hindi lahat ng tao kaya kang pahalagahan,
Hindi lahat ng taong nasa paligid mo lagi kang sasamahan,
Sasamahan sa bawat yugto mo sa iyong buhay,
Sapagkat hindi nila ito kayang bigyan ng kulay.

Pero huwag kang mag-alala,
Dahil hindi din naman lahat kayang balewalain ka.
Hindi rin naman lahat kayang iwanan ka,
At hindi din lahat kayang saktan ka.

Balang araw matatagpuan mo rin,
Ang matagal na hinihintay natin.
Yung taong kayang sumabay satin,
Yung taong pupunas sa luha natin.

Maghintay ka lang sa pagdating ng hinihintay mong takdang araw,
Maririnig mo rin ang salitang "pinahahalagahan ko si ikaw",
"Huwag kang mag-alala wala kang kaagaw",
"Kung meron man isa lang silang bangaw".


🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon