Spoken Poetry#9

257 20 1
                                    

Pagbabalik

Ito ang aking hinihiling,
Simula ng mawala ka sa'king piling,
Para bang ang puso kong noon ay may sakit ay bigla nalang gumaling,
Ngunit biglaan din ang pagbalik nito ng makita ang 'yong pag-iling.

Labis ang sayang naramdaman,
Biglang nakalimutan ang pait ng nakaraan,
Dahil ang nasa isip lang ay kung paano ulit sisimulan,
Ang ibinaong pagmamahalan.

Nagtiwala ulit sa sinabi mong "mahal pa kita",
Kahit dati ng narinig ng aking tainga,
At ang isinunod mo noon ang katagang  "patawarin mo 'ko sinta",
Ang binigay mong sakit noon ay kinalimutan ko na,
Umaasa na sana ngayon hindi mo na sisirain ang buong puso kong pagtitiwala.

Sa iyong pagbabalik,
Bumalik tayo sa dating gimik,
Binabaliw mo nanaman ako na parang adik,
Dahil sa matamis mong mga halik.
Subalit di naglaon hindi ka nanaman umiimik.

Eto na ang puso kong kay bilis kung kumabog,
Tug-tug,tug-tug,tug-tug ito ang kanyang tunog.
Tila tambol na kinakalabog,
Pero di magtatagal ay bigla nalang sasabog.

Ayan nanaman ang pinaramdam mong sakit,
Unti-unti ng dumarami ang hinanakit.
Bakit ba kasi ang galing mong mang-akit?
Nararamdaman ko lang ang sakit at ni katiting walang galit.
Sabi ng iba madalas na sinasaktan ang mga mababait,
Ga'no ba 'ko kabait,para saktan ng paulit-ulit?

Sa iyong pagbabalik muli kong naramdaman,
Ang labis na lungkot at sakit ng nakaraan.
Uma'sa sa bandera ng pagmamahalan,
Subalit ayan ka,bandera'y ibinababa nanaman.

Nakita kitang may ibang kapiling,
Akala ko ba ako'y sa'yo at ika'y akin?
Bakit ngayon tinatrato mo nanaman ako na parang hangin?
Na tila hindi naaagilap ng iyong paningin.

Katulad noon heto ko't nagpapakatanga,
Nagmamakaawa habang nakatingin sa'yong mga mata.
Pinipilit kang wag mo na 'ko iwan dahil hindi ko kaya.

Subalit ang inaasahan kong pagtango,
At ang inaasahan kong itutugon mo na "hindi kita iiwan mahal ko",
Tila gumuho bigla ang aking mundo,
Nang makita ko ang pag-iling mo,
Kasabay ng katagang "patawarin mo 'ko".
Sana hindi mo sinabing mahal mo 'ko,
Sana hindi ka na bumalik sa buhay ko,
Buhay kong nanahimik na't bigla mo pang ginulo.

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon