Spoken Poetry #13

182 16 1
                                    


MAHINA

Ang hirap maging mahina,
Ang hirap ng mababaw ang luha.
Ang hirap maging "soft person" ika nga.
'Yung sa mababaw na dahilan maaaring umiyak ka na.

'Yung bang labis mong pinipigilan,
Na huwag maiyak sa kanilang harapan.
Sapagkat ayaw mong ipakita ang katotohanan,
Katotohanan na mahina ka lang.

Minsan dahil sa pagiging mahina mo,
Maraming pumapasok sa'yong ulo.
Kaya labis kang nagugulo't nalilito.
Minsan pa nga tingin mo di patas ang mundo.

May oras na bigla ka nalang magmumuni-muni,
'Yun bang bigla ka nalang iiyak sa isang tabi.
May oras pa nga na bigla ka nalang maiinis sa'yong sarili,
Mapapatanong ka na "bakit ba kasi?."

Bakit ba kasi ganito lang ako?
Bakit ba kasi hindi ako magustuhan ng mga tao?
Bakit ba kasi napakawalang kwenta ko para sa inyo?
Bakit ba kasi ang dali lang akong itapon maski doon o dito?

Bakit walang kahit na sino,
Ang nananatili sa tabi ko?
Bakit ni isa walang nakakaintindi sa ganitong tao?
Baka ako lang siguro talaga ang may deperensya dito.

Hindi na nga kagandahan,
Hindi pa kabaitan.
Wala ng ambag sa lipunan,
Wala pang kwentang kaibigan.

Ako yung taong mahina,
Magalit ka lang ako'y gulong-gulo na.
"Ano nanaman ba ang ginawa mo ha?",
"Wala ka nanamang ginawang maganda."

Ilan sa mga katagang nakabisado ko na,
Sino ba naman hindi makakabisa kung lagi mo ito tinatanong sa'yong sarili diba?
Kapag hindi nakahanap ng sagot kung bakit nga ba,
Magsosorry nalang at susuyuin ka.

Ayoko kasing maiwang mag-isa,
Ayoko ng mabaliwala pa.
Kaya ginagawa ko ang lahat magkaayos lang tayong dalawa.
Hindi ko masabayan ang pride mong hindi bumababa.

'Yung sa'kin kasi automatic na ata.
Pride ko parang height ko lang,napakababa.
Sinusubukan ko rin minsan na gayahin ang 'yong ginagawa,
Subalit dahil mahina ako hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ka.

Nanghihina 'ko sa tuwing nandyaan ka na,
Sinusubukan kong huwag pansinin ang 'yong presensya.
Pero tila tinatraydor ako ng aking mga paa,
Di ko namamalayan nakalapit na pala ko't humihingi ng tawad dahil nagalit ka.

Sinusubukan kong maging tigasin,
Ayoko ng maging iyakin.
Gusto ko din naman syempre na suyuin,
Pero kung hihintayin kong gawin mo 'yon mauubos lang ang oras natin.

Subalit tama siguro talaga ang kataga noon,
Na ang lahat ng bagay ay may limitasyon.
Marami ng pinagdaanan sa paglipas ng panahon,
Napapagod na ako maging mahina ngayon.

Para lang akong isang palito na unti-unti ng nauupos,
Marami na masyado ang luhang ibinuhos.
Ang lakas ay mas lalo pang nauubos,
Pagod na ang katawan at utak ko kaya dapat na siguro na ito'y matapos.

Hindi ko naman na siguro kasalanan kung ako'y magbago.
Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa inyo.
Nakakaramdam din ako ng pagod ako din kasi'y tao.
Hindi lang siguro halata sa pagkatao pero totoo po ang sinasabi ko.

Masyado na 'ko naubusan ng baterya,
Kailangan kong magcharge na muna.
Upang lumakas naman na,
Ang dating napakamahina diba?

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon