Spoken Poetry #12

182 14 1
                                    

Sorry?

Sorry sa pagdedemand kahit di naman dapat,
Sorry kung iniisip ko na di pa ba 'ko sapat.
Ang dami kong ginawang kalat,
Sorry sa lahat-lahat.

Ayoko ng umastang may tayo,
Alam ko namang meron lang ikaw at ako.
Ayoko ng makaistorbo sa'yo,
Ayoko ng pakialaman ang buhay mo.

Wala naman kasi akong karapatan,
Ayokong sabihing "sa'kin ka lang".
Kaya kung may nahanap ka ng iba dyan,
Ayos lang,hindi naman kita pipigilan.
Iinform mo lang ako ng itigil ko na ang aking kahibangan.

Kung pinagtitripan mo lang ako,
Sige sasabayan kita sa trip mo.
Sabihin mo lang kung tapos na ang laro,
Handa akong magpatalo para sa'yo.

Mag-aral ka ng mabuti ah?
Mas gumaling ka pa sanang balebolista.
Sana maging masaya ka,
Sa tamang tao ka sana mapunta.
Wag sa taong tulad kong may tama.

Sorry kung hindi ako 'yong babaeng magpagmamalaki,
Wala eh kinulang sa height ih.
Hindi na bale,
Marami pa dyang ibang babae.
Ingat nalang sa pagpili,
Baka ika'y magkamali.

Salamat sa pag-iintindi,
Sorry kung ako'y nakakarindi.
Sorry din dahil kahit anong gawin,
Hindi ko mabago ang katotohanang ikaw parin.

Sabihin mo lang na tama na,
Titigil ako kahit ayaw ko pa.
Sabihin mo lang sumuko ka na,
Susuko na 'ko kahit kaya ko pa.

🌟Vote
✉Comment
❤Follow

HUGOT POETRY (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon