Chapter 15 "Paalam?"

35 2 10
                                    



(Kisses’ POV)

Justin: oy maglalaro lang akong dota ha? Bye munaaa
Kisses: sige hahahaha byeee
Justin: byeee

Di naman nya sinabi sakin na literal na paalam pala yun. 3 days na akong naghihintay ng reply nya, lagi nga syang online di naman nag me-message. Ganun ata talaga pag hindi totoong mahal, madali makalimutan no?

3 days na akong 12:00 am natutulog kakahintay ng chat nya. Hindi ko na alam kung san ako lulugar at kung ano ba talaga ang lugar ko. Teka? May lugar nga ba ako sa buhay nya? Baka naman wala kaya ganun.

Hindi ko na kaya ang sakit, di ko na kayang tumahimik na lang habang nasasaktan, hindi ko na kayang titigan yung active now nya tuwing online sya. Siguro kailangan ko na din mag paalam.

*Justin is active now*

Kisses: *sending all the Screenshots of our convo*
Justin: ano yan?
           Oyy ano yan? Puro screenshots? Hahahaha
Kisses: oo, paulit ulit ko yang binabasa tuwing wala ako sa mood, at sa tuwing namimiss kita, pero ngayon wala na,deleted na
Justin: ha? Bakit?
Kisses: deleted na, wala na, sana ganun din kabilis mawala yung sakit no? sa 3 days mong di pagpaparamdam, pagbabasa lang ng convo natin ang ginawa ko, but then  I realized ang tanga ko pala no? pinipilit kong paniwalaan ang mga sinabi mong kahit kelan naman di magkakatotoo. sabi mo mahalaga ako? HAHAHA mahalaga pag wala yung iba, ganun ba yun? Atsaka di mo man lang sinabi sakin na literal na paalam pala yun. Sana naman sinabi mo para naging aware ako, hindi yung parang naghihintay ako ng bus sa train station. Thank you for being part of my life, thank you for Everything.
Justin: nagpapaalam kana?
           Tinatapos mo na to?
Kisses: hindi iba halata?
Justin: sorry may nagawa na naman akong mali, sorry kung di ako nakapagparamdam. Sorry kasi nakilala mo pa ako. Tatanggapin ko lahat ng gagawin mo, iblock mo ko okay lang. sorry kisses 
Kisses: hindi siguro tayo hahantong sa ganito kung nilinaw mo yung lugar ko dyan sa buhay mo, kinamalayan ko bang isa lang pala akong basura dyan sa buhay mo. You’re the first man that I trust the most. The first man that made me cry.Siguro umiyak ako nun kay Zodiac pero iba ngayon , mas dama ko yung sakit, kaya for me ikaw yung lalakeng iniyakan ko ng ganito.  Ikaw yung una ko laging tinatakbuhan kapag may problema ako, but lately, halos lahat sinarili ko, pano ako tatakbo sa taong sya mismo ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I tried to endure all the pain, kaso di ko pala kaya, lalo lang bumibigat. Sorry kasi minahal kita, sorry kasi nasira ko yung friendship natin. Happy 1 year, ang hirap pala magpaalam sa taong ayaw mong bitawan no? pero wala akong magagawa, iloveyou but you don’t love me. di ko to sinasabi para mahalin mo ko pabalik, sinasabi ko to para naman malaman mo na ang mga sagot sa tanong mong “bakit galit kana namn” . Selos na selos ako pag nakikita kong may kausap kang iba, at nakikita kong masaya kang kasama sya. Wala akong magawaa kundi tumahimik kasi naman diba? Wala akong karapatan. So ayan, sorry sa lahat ng katangahan ko, wag mong isipin na nagsisisi akong nakilala kita, kasi kung may pagsisisihan ako, yun ay ang bitawan ka. Salamat Justin Palma I will never forget ko.
Justin: sorry hindi ko alam na nasasaktan na pala kita, sorry kasi naging mahina ako, di ko pinaglaban ang nararamdaman ko. Kisses mahal din kita, natatakot lang ako na baka ayaw mo sakin at layuan mo ako. Sorry kung naging mahina ako, sorry kung nagkaganyan ka dahil sakin, sorry kung pinaiyak kita. Ang sakit lang kasi kung kelan tayo nagkakilala ay dun din pala matatapos ang lahat. Wag kang mag alala ikaw lang yung babaeng minahal ko ng ganito at nagpasaya sakin ng sobra. Sobra kong saya na nakilala kita, kaya lang huli na pala ang lahat, di ko na maipaglalaban ang dapat ay matagal ko ng ipinaglaban. Wag mo din isipin na sasang-ayon ako sa desisyon mong tapusin ang lahat dahil wala akong paki, hahayaan kita kasi ito ang gusto mo, at sa tingin ko mas magiging masaya ka at hindi kana iiyak pag wala na ako sa buhay mo. Wala na mananakit sayo. Thank you sa lahat Kisses Vasquez. Paalam. Be happy , you will find someone better than me. Iloveyou and Goodbye

Sunod sunod na nagpatakan ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang message ni Justin. And now I’m blaming myself, mali ba ako? Dapat ba hindi ko tinapos? Nangangatal na yung mga kamay ko habang nagtatype at yung mga luha ko, patuloy pa din sa pagpatak.

Kisses: Thank you ulit sa lahat  I will missyou
Justin: mamimiss din kita, wala na mangungulit sakin pag maglalaro ako ng dota, wala na magkwekwento sakin. Sobrang mamimiss ko yun
Kisses: tama na, papaiyakin mo na naman ako  haha
Justin: naiiyak na din ako, sige itutulog ko na lang to. Ingat ka palagi
Lalong nadagdagan yung sakit dito sa puso ko, di na ako nagreply kasi nag out na sya. Siguro itutulog ko na lang din to.

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, parang pinupunit yung puso ko, ganito ba talaga kapag ikaw yung unang bumitaw?   hindi pa din tumitigil tong mga luha ko


-----

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon