Chapter 4"Dummy account"

124 3 5
                                    

(Kisses’ Pov)

Pagkatapos ng nangyare sa amin ni Zodiac, pagkatapos nya akong lokohin, hindi ko na alam ang aking gagawin *sigh* ni hindi ko na din alam kug paano lumimot at maging masaya ulit. Ang tanging alam ko lang ngayon ay umiyak ng umiyak dahil sa sakit na dulot ni Zodiac sa aking puso. Akala ko seryoso sya, akala ko sya na, yon pala akala ko lang.

*tok tok*
“kisses anak” hala si mama, ayos ng buhok, punas ng luha at ngiti

“po? Bukas po yan”

“oh? Bakit pugto yang mata mo? May problema ba?”

“po? Wa-wala po” pagkasabi ko nun bigla pumatak ang luha ko “ ma”

“oh bakit ka naiyak? Halika nga dito” niyakap ako ni mama

“ mama wala na” sabi ko kay mama habang patuloy pa din sa pagpatak ang aking mga luha

“ha? Sino?”

“si Zodiac po, wala na iniwan na nya ako” lalong bumilis ang pagpatak ng luha ko, iniharap naman ako ni mama sa kanya

“kaya ka umiiyak? “ nag nod lang ako “tama na , ssssshhh ang mga ganyan hindi iniiyakan, iniwan ka na? Edi hayaan mo , ibig sabihin lang nun hindi nya deserve ang pagmamahal mo kaya iniwan ka nya tama na ang iyak , hindi pa sya patay para iyakan okay? Atsaka madami ka pang makikilala, maganda ka naman at matalino kaya tigilan mo na ang pag iyak sige ka pumangit ka nyan” wika ni mama habang pinupunasan ang luha ko, kaya mahal na mahal ko to e.

“ I love you ma” at niyakap ko sya kasabay ng huling patak ng luha ko.

“ I loveyoutoo baby, next time wag ng iiyak ha?always Know your worth baby okay?”

“yes po “ sabay ngiti.

“osya bababa muna ako ha? Ayusin mo sarili mo wag ng iiyak, smile na” sabi nya kaya nag smile ako .

I’m so lucky because I have a mother like her, she’s my mother at the same time a bestfriend for me. She’s always here whenever I need friend. That’s why I love her so much.

*sigh* pero masakit pa din, sabi ko naman kasi sayo kisses, MAHAL LANG hindi MAHAL NA MAHAL , oh ano ka ngayon? Ikaw tong sobrang nasasaktan tsk.

Sandali akong natahimik ng may naisip akong paraan para malaman kung bakit nya ako biglang iniwan at ipinagpalit ng ganun. Ilang minuto lang ang nakakalipas at tapos na din akong mag gawa ng dummy account HAHAHHAHA mabilis ang internet e.

So in-add ko na sya, syempre di ko in-add yung real account ko. Only him, at the rest the friends ko ay taga Quezon. Naghihintay lang ako na I-accept nya ako saka ko sya imemessage, makikipag friends muna hehez. Sa browser sya naka online while yung real account ko ay sa fb apps. So habang hinihintay kong I-accept nya FR. Ko hihiga muna ako dito. Sure akong ia-accept nya ako este yung dummy account ko, sa ganda ba naman ng profile *smirked*

After 5 minutes *toot*

Yan na! In-accept na nya akoooooo.so nag message na ako. Pangalan nga pala ng dummy account ko ay Aileen Marquez

A= Aileen while Z= Zodiac

A: hi ^_____^
Z: hello *heart emoticon*
Ay may papuso hahahaha gago to a may babe na to e HAHAHAH

A: pwede po makipag friends?
Z:oo naman hahaha *heart emoticon*
A:Baka po may magalit? *sad emoticon*
Z: wala break na kami hahahha
A: hala bakit po

Masaya pa talaga sya *smirked*

Z: lagi nya kasi akong inaaway dahil lang dun sa niligawan ko ay hindi ko naman yon mahal at minahal

‘hindi ko naman yon mahal at minahal’ paulit ulit na nag echo sa utak ko, luha tama na wag ng papatak hindi sya worth it. Nakakagigil lang e

Z: oy!
A:ay sorry po may ginawa lang po, pero bakit nyo po niligawan kung hindi nyo po pala mahal at minahal?

Ano? Gago ka ganun? Edi sana hinamon mo na lang ako ng suntukan para parehas tayong nasaktan. Landi din e, kitams? Komportable na syang kausap tong dummy account ko *smirked*

Z: mamahalin ko naman sya kung sinagot nya lang ako, hindi kasi ako yung tipo ng lalake na mahal ko na agad pag niligawan.
A: a ganun po

E GAGO KA PALA TALAGA E. WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN PAPATAYIN KITA SA TINGIN  hindi ko na kinaya kaya nag out na ako. Gusto ko sana mag post e, baka lang mag isip sya at makahalata kaya sa twitter ako magwawala.

‘gagohan pala ang gusto hindi agad sinabi’

‘gusto pala’y sasagutin agad kung sinabi mo edi sana di na kita pinayagan na guluhin ang tahimik kong mundo’

‘dapat nagsuntukan na lang tayo para kahit ikaw yung manalo at least parehas tayong nasaktan’

Sunod sunod na post ko sa twitter, na trigger ako e, GIGIL NYA SI AKO. Alam nyo yung feeling na nagmukha akong t*nga, pinagmukha nya akong t*nga! Yung feelings ko totoong totoo tapos yung sa kanya Hindi! WOW HA JUST WOW! MADAPA SANA SYA MAUNA MUKHA GAGO SYA. Hindi ko naman sinabi sa kanya na ligawan nya ako, so ano? Bored lang sya that time? Trip nya lang ganun? Bat di nya sinabi agad edi sana aware ako na ganun pala yon. 

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon