Chapter 22"Tipaklong na hilaw"

11 0 0
                                    


‘Kung mahal ka hahabulin ka nya para di ka mawala’ yan lang naman ang bumungad sakin pagkabukas ko ng Fb.

Napa wow naman ako sa Post ni Mika. As in Wow :0.
Sino ba naman ang hindi mapapa-wow dun sa picture na hawak hawak ni Justin yung braso nya habang nakatalikod tapos ganun pa yung caption.

Feeling kanina to, nung lampasan ako ni Justin. Nilampasan nya ako kasi pinuntahan nya si Mika.

Ito na naman ang luha kong di mapigil pigilan pag usapang Justin.

---
Kung mahal ka hahabulin ka nya para di ka mawala. Duh? Pagbuhulin ko kaya kayo

“aray!”

“sorry miss”

“tsee, matapos nyong gumawa ng kasalanan may gana pa kayo mag sorry! Sayo na yang sorry mo!” atsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Di pa rin mawala mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.

“bitter mo naman” she smirked. Agang aga Mukha agad nitong si mika ang nakita ko.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
“siguro kasi, okay na ulit kami ni Justin “ bakas sa mukha nya yung ngiting tagumpay.
“oh well” napahinto naman sya sa paglalakad. At ito na naman, ramdam ko na yung mga mata ng estudyante na ngayon ay nakatuon samin. “kung mahal ka, hindi ka hahabulin” napakunot naman ang noo nya at may narinig pa akong nagbulong-bulungan. “kasi dapat simula pa lang walang sinuman sa inyo ang may balak na mang iwan. Siguro unti unting nanlamig sayo si Justin, kaya unti unti kang lumayo, at hinabol ka nya kasi naawa sya sayo. Baka daw kasi maligaw ka pa ng landas, edi konsensya pa nya” halatang halata sa mukha nya ang pagka inis.

“HINDI MO LANG MATANGGAP NA AKO ANG MAHAL NYA!” sinigaw nya habang naglalakad ako papalayo sa kanya.

Ipagsigawan mo pa habang di pa nauuntog ‘tong si Justin.

“Kisses” napahinto naman ako sa paglalakad dahil alam kong si Justin yon.

“Justin!” halata mo sa boses ko ang pagkasabik na makausap sya.
“follow me” napakunot naman ang noo ko, atsaka sumunod.

--
Nasa may likod kami ngayon ng isang building  at biglang huminto sa paglalakad si Justin kaya naman napahinto din ako.
“can you please stop?” nagulat ako sa sinabi nya. Stop? Saan? Halata mo din sa boses nya na medyo galit sya
“Ha?” hindi ko kasi maintindihan. Saan ako titigil? Pag aaral? Aba noooo
“tumigil kana sa panggugulo sakin, kay Mika. Samin” hindi agad ako nakapag salita sa sinabi  nya. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiyak dahil nadagdagan na naman ang saksak dito sa puso ko o dapat ba akong magalit kasi si Mika naman lagi ang may kasalanan.
“sana last ko ng makita na nag aaway at nagsasagutan ni Mika, mahalaga kayo sakin parehas”  aalis na sana sya pagkasabi nya nun kaya lang nagsalita ako
“Mahalaga?”
“alam mo yan “
“pwede ba Justin wag mo na akong idamay dyan sa kagaguhan mo dahil kung si Mika naloloko mo, pwes ako hindi!” at ngayon, hindi ko na napigilan ang mga luha kong dapat kanina pa lumabas.

“wag mo akong lapitan” wika ko ng akmang lalapit sya sakin “please” dagdag ko

“I really mean it Kisses. Mahalaga ka sakin “

“naririnig mo ba yang sinasabi mo Justin? Kung mahalaga ako sayo, bat tayo ganto? Atsaka diba okay na? ayaw mo ko makausap ayaw mo ibalik yung dating tayo, kaya please iba na lang lokohin mo, kasi hindi mo na kailanman madudurog ang pusong matagal ng wasak” agad akong umalis, dahil malapit ng magsimula ang first period

Habang tumatakbo ako, bigla akong may nabangga dahilan para matumba ako.

“kisses, okay ka lang” nag nod lang naman ako atsaka tumakbo ulit.
Hindi ko nakita yung nakabunggo sakin pero alam ko na si Zodiac yun.

Ayaw kong Makita na naman nya akong umiiyak.

--
“Kisses! Anong nangyare sayo!”

“okay lang ako ariel”

“bat pugto mata mo?” agad ko namang iniiwas ang mukha ko sa kanya

“napuwing lang”

Buong period lang akong nakatingin sa teacher naming habang yung isip ko naglalakbay.

“magtapat ka nga sakin Kisses, may nangyari ba?”

“wala nga , okay lang ako”

“hindi ka okay, tingnan mo nga yang mga mata mong pugto at ngayon may mga luha na naman na gustong kumawala” wika nya habang tinuturo itong mata ko, kaya naman tinabig ko yung daliri nya

“ano ba, wala nga to” sabay ngiti

“sus peke! Inaway ka ni Mika no! samahan mo ko! Sumusobra na yon!”

“si Justin” agad naman syang natahimik

“ano meron kay Justin”

“mahalaga daw ako”

“T*nga! Naniwala ka naman? Mahalaga ba yung hahayaan kang mawala sa buhay nya! “

“hindi naman ako naniwala “ napayuko naman ako dahil ito na naman ang mga luha ko “at wag ko na daw sila guluhin, tigilan ko na daw sila” dagdag ko

“dapat sinabi mo, yung tipaklong na hilaw na yun ang nauuna” ano daw? Tipaklong na hilaw?

“tipaklong na hilaw?”

“oo, si Mika. Tipaklong yun bigla na lang tumatalon sa relasyon ng may relasyon kaya ayan tuloy nasira kayong dalawa ni Justin “

------

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon