Chapter 5 "Born to be Gago"

111 3 2
                                    

Kisses’ Pov

Hindi ko pa din akalain na may ganun palang lalake. Ang unfair mo naman tadhana, nagmahal ako ng tama tapos yung ibibigay mo sakin maling pagmamahal. Ano? May galit sakin? Sabihin mo lang

Habang naghihintay ako na mag bell, binuksan ko muna ang messenger ko .
Yung dummy acc. Ko nga pala naka online dito

*ting ting* (tunog po ng messenger HAHAHAHA)

“Kisses ano yan! “sigaw ng teacher namin, nakalimutan ko nga palang I-silent to

“cellphone po sir, ay este wala po” sir kasi ,masama akong ginugulat

“come here in front” he said

“why sir?”

“Pick a question then answer it.” ano na naman trip nito.

So sinunod ko sya, kumuha ako ng question mula sa fish bowl(yung kinakain, ay djk iba pala yon hahaha) then the question that I’ve got is

“kung babalik sya, ano gagawin mo?” so ano? Ha sir? Nananadya?

“okay answer it”

*take a deep breath*
“amhhfttt kung babalik sya, ang gagawin ko lang ay tatanungin ko sya kung minahal nya ba talaga ako at ano ang dahilan nya para saktan ako ng ganito.” sabi ko ng mangiyakngiyak pa HAHAHAH

“awwwww”- tugon ng mga kaklase ko

“hindi ka nakikinig” nagulat ako sa sinabi ni sir at bigla napadilat mata ko

“huh?”

“kung babalik sya, ano gagawin mo? Ibig sabihin dun sa kwento na pinabasa ko sa inyo kahapon! Kung ikaw yung babae sa kwento ano ang gagawin mo pagbumalik ang magulang mo matapos kang iwan “ shyt may pinapabasa nga pala si sir patay na, pero kaya ko ilusot to HAHAHAHA

“yon nga po sagot ko sir, tatanungin ko sila kung minahal ba talaga ni ako matapos ang 9 months na pagdadalang tao sakin ng nanay ko at ano ang dahilan nila para iwan ako, sir naman pag ibig nasa isip”

He nod and he said “ hmm tama, okay pwede kana umupo “ booom! Lusot HAHAHAHAH. Buti na lang mabilis ngayon mag function utak ko .

Pag upo ko agad kong tiningnan ang message at ang gago kong manliligaw dati si Zodiac

“good morning *heart emoticon*” 3 hours ago. May papuso na namn kuya nyo, di nya alam ako kachat nya HAHAHAHA

“Good morning din  “ reply ko
At dahil online sya, typing na AHAHAHHA ano ? inaabangan ako mag online?

“kamusta haha kumain kana?” sweet ng gago

“okay lang , oo kumain na ako , ikaw?”

“ganda mo hehe” landi mo gago!

“ay thank you hahaha”

“pwede ba kita ligawan?” kapal talaga! Gago ka!

“a hahaha, pano ako papayag di pa naman kita nakikita baka mamaya serial killer ka “ HAHAHAHHAAH

“ow grabe naman haha good boy ako , sige meet tayo? San mo gusto ?”

“malandi”  ay shyt nagsend

“ha?”

“wala wala, inagaw ng kapatid ko phone ko hahahahaah, sige meet tayo”

“sige sa mall? “ sabi nya, sa mall talaga? Gago kaaaaaaaaa malandiiiiiii

“okay hahahah ano bukas? “ HAHAHA BUKAS AGAD PARA MASAYA

“ sige, 9:00 am dun na din tayo mag lunch :) “ sureeeeee HAHAHAHAHAHAHA

“sya sige out muna ako, may klase pa kami” at nag out na ako hindi ko na hinintay reply nya HAHAHAHA. I’m so excited HAHAHAHAHAH kala mo ha. Well Good luck sayo HAHAHAHAHHA

*kinabukasan*

Kanina pa akong nasa mall, at hinihintay ko ang magaling kong manliligaw HAHAHAHA so he chat me that he is on his way now.

“nandito na ako nasan ka?” chat nya , ow kita ko na sya HAHAHAH kumakain ako ngayon sa food court

“ nasa biyahe palang ako, wait mo ko dyan” reply ko, hahahhaha well ang saya nya panoorin,yung natingin sya sa bawat nadaan.

“okay nandito lang ako, chat ka pag malapit kana” reply nya, at pagka reply nya nag out na ako HAHAHAH

4 hours ago.

Nandito pa din ako sa mall, at sya? nandun pa din sa kinauupuan nya hahahahaha kaya naman nag online ulit ako pag ka online ko sunod sunod ang chat nya na

“oy nasan kana?” HAHAHAHAH kaya naman nereplyan ko sya ng

“oy sorry nagka emergency sa bahay, kaya kailangan ko bumalik samin sorry ngayon lang ako nakapag online next time na lang tayo magkita *sad emoticon* “ nakatingin ako sa kanya habang binabasa nya yung message ko, malapit lang kasi ako sa kanya.

At bigla syang tumayo, di na sya nag reply sakin este sa dummy acc ko. So papunta sya sa food court, kaya ako? sasalubungin ko sya at may dala akong ice cream. medyo siksikan din and….

“ay shyt” wika ko ng mabunggo ko sya, napatingin naman ako sa damit ko pero wala naman ice cream yung kanya madami hahahaa

“sorry miss” wika nya na hinawakan pa braso ko, gago ako to, ay naka Cap nga pala ako , so tinanggal ko sya

“Okay lang “ I said with a big smile

“kisses?” gulat na gulat sya

“zodiac?” kunware di ko alam HAHAHHAH

“ano ginagawa mo dito?” wow ha.

“nagpapalamig lang bakit? Atsaka may bibilhin ako sa bookstore, e ikaw? Ba’t ka nandito? Sa pagkakaalam ko di ka naman mahilig pumunta sa mall?” alam ko yan kasi sinabi nya yan sakin , so medyo natahimik sya hahahaha

“oy zodiac ano? Tatahimik na lang hahahaha “ sabi ko

“a wala ano ka--”

“ay nakalimutan ko, malapit na nga pala si Ace “ putol ko sa pagsasalita nya, btw imaginary lang yung ace. “Sige Zodiac una na ako, baka nasa labas na si Ace babyeee” dadag ko pa.

Hay naku zodiac look what you’ve done to me, di ko naman ugali manloko pero wala tinuruan mo ko. Well sorry ka mas magaling na ako HAHAHAHAHAyyyssss. Pakabusog ka dyan sa Food court mahal ka ni Aileen HAHAHAHA

-----
Sorry for the lame update. Sorry din po sa mga wrong grammar and typo.  Feel free to comment po if may suggestion po kayo. Positive and negative comments are accepted. At kung may tanong din po kayo just comment at itatry ko pong sagutin. :) God bless ^_^

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon