Chapter 23 "move on kahit walang naging tayo"

16 0 0
                                    


Ako mahalaga? Patawa ba sya? Barilin ko kaya sya tapos sasabihin kong mahal ko sya. Maniniwala ba sya? Syempre hindi!

Hindi pa din ako maka get over sa nangyari kahapon.
Kapal nyang patigilin ako sa ginagawa ko. Kung yung girlfriend nyang tipaklong na desperada ang pinagsasabihan nya. Nananahimik ako dito tapos bigla guguluhin nila. Patapon ko sila sa mars. Jk sa pluto na lang pala, para wala na din. Wala ng toxic sa buhay ko.

“hi miss” bati sakin ng isang estudyante sa may hallway. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay. “arte mo!”

“aware ako! Ikaw ? aware ka bang ang panget mo!” oooppsss nadulas. Sorry. Akma namang lalapit sya sakin ng may biglang humarang “oh bro babae yan” si Zodiac

“tara na nnga, mapapaaway ka na naman ng dahil dyan sa katarayan mo”

“bitawan mo nga ako!” may paghawak pa sa kamay ko. Chansing to.

“ano bang nangyayare sayo”

“WALA!”para kaming ewan na patigil tigil sa paglalakad.

“wala? Pero kung makapagtaray ka doble noon”

“Strategy ko yan para wala ng makadurog nitong puso ko” wika ko sabay taas kilay “may problema?” dagdag ko atsaka tuluyang maglakad

“di ko naman dudurugin yang puso mo”
“kasi nadurog mo na*fake smile*”

“forgive me kisses, hayaan mong itama ko yung mga mali ko noon”
“wag mo akong igaya sa isang exam na pagnalaman mong mali ang sagot mo ay itatama mo. Kahit naman itama mo nandun pa din yung maling nagawa mo, natakpan lang pero yung sakit hindi nawawala”

“but I love you” iloveyou mo muka mo, basagin ko yang muka mo. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kesa masayang ang oras ko sa walang kwentang bagay.

Okay self, bawal ma inlove kundi ako na ang babasag dyan sa pusong kasalukuyang binubuo mo ng mag isa. Ang hirap kaya buuin ng puso lalo na kung mag isa ka lang. Pero dahil alam kong babasagin lang  din nila ulit pagkabuo nila nito, its better na ako na lang bumuo mag isa.

---

Ang peaceful lang ng maghapon ko dahil hindi sumulpot sa harap ko si Mika.
Si Justin naman pagmakakasalubong ko---- ako na yung umiiwas. Yes Ako na A-K-O . I just realized nothing will happen kung paulit ulit kong babalikan ang nakaraan na ako na lang ang nakakaalala. Paulit ulit ko lang iiyakan yon kahit na walang pag asang mabalik pa.  sayang yung mga luha koooo. Ganda ng mata ko tapos iiyak ako? T*nga ko kasi ngayon ko lang narealized yon HAHAHAHA

Hinarap ko ang salamin sa kwarto ko at saka kinausap ang sarili.
Alam mo self, matuto din mag ayos kaya ata iniiwan ka dahil sa itsurs mong mala bruha.
Tingnan mo nga yang buhok mo pwede magpugad ang ibon.
Yang damit mo
Yang mukha mo ang oily!

Pero kung talagang mahal ka ng isang tao, kahit na wala kang mukha di ka nyan iiwan kasi nga mahal kaaaa.

--
Bulong-bulungan agad ng mga estudyante ang bumungad sakin pagpasok na pagpasok ko sa gate.
“Si kisses yan?” girl 1
“hala ang ganda, blooming nya” girl 2

Oh well ganyan talaga pag nag move on kahit walang kayo HAHAHAHA *flips hair*

“magkano pa derma ?”agad ko naming tinaasan ng kilay ‘tong si Mika. May balak na naman atang sirain ang araw ko .

“di ko na kailangan nyan, pero sa tingin sa case ng mukha mo aabot siguro ng hundred thousand . you know sobrang kapal”wika ko sabay smirked.

“how dare you”

“yes I dare “

“desperada”

“ka!—aray !ano ba Mika bitawan mo nga yang buhok ko !”

“Mika stop it!”

“J-Justin hindi ako ang nagsimula sya!” wika nya sabay turo sakin

“again? Me again? Wow Mika. “

“wag ka---“

“Mika I said Stop!” oh ano ka ngayon sinigawan ka nitong si Justin.”Kisses wait” wika ni Justin ng aalis na sana ako

“oh?” saad ko habang inaayos ang buhok ko

“apologize to her” Justin said to Mika

“me? no way Justin!”

“or else I’ll leave you “

“then do it, never ako mag a-apologize sa babaeng yan! I’m going to tell—“

“Stop Mika! Hidi kita mahal! Alam mo namang kaya ko lang nagagawa to dahil sa gusto nina mommy!” nagulat ako ng biglang itapon ni Justin ang phone ni Mika ng tatawagan sana nito ang mommy ni Justin.

“hindi mo ako mahal? Then why did you waste your f*cking time to me? huh!” mangiyak-ngiyak na si Mika. Naaawa ako sa kanya, ang sakit kaya masabihan ng ganung salita, kahit naman ganun ka mean to sakin may puso pa din ako no.

“kasi gusto nina mommy!”

“kisses lets go” zodiac again? Ano baaaa. Kabute ang peg?


“Alam mo na sa simula palang si Kisses na ang mahal ko!” napahinto ako sa paglalakad ng marinig ako ang sinabi ni Justin.
Paulit ulit na nag echo sakin ang sinabi nyang “si kisses ang mahal ko”

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon