Chapter 24 "Minahal kita"

16 0 0
                                    


“oo kisses tama ang narinig mo, I still love you mahal pa rin kita. Sobrang tanga ko dahil hindi ko nagawang ipaglaban ka” hindi ako makakilos at hindi ako makapagsalita.

Si mika naman nag simula ng umiyak. At saka lumapit sakin

“mas higit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang mararanasan mo kisses. You don’t deserve to be happy” gaga everybody deserve to be happy.

“kisses”

“wait justin “ saad ko sa kanya. Ako si Zodiac at Justin na lang ang natira dito. Isama mo na din ang mga estudyanteng chismosa

“let’s go kisses “

“bitiwan mo nga ako Zodiac, alam nyo di ko na alam kung dapat pa ba akong maniwala, magtiwala dyan sa mga pinagsasabi nyo.  Ano bang trip nyo? Ano ba tingin nyo sakin? Hindi ako laruan just so you know ! may damdamin ako. May feelings ako! Nasasaktan ! alam nyo di ko na---“

“wait kisses let me explain” Justin

“patapusin mo sya pre” Zodiac

“wag ka---“ Justin

“can you just shut up the both of you?”putol ko sa sasabihin ni Justin

“sorry “ Justin/zodiac

“di ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi mahal ako ng taong minahal ko noon. OO MINAHAL. Past tense. Kasi noon ko lang kayo mahal, ngayon? Hindi na.  sobrang laking sugat ang iniwan nyo dito sa puso ko alam nyo yon? After nyo akong saktan, babalik kayo na parang walang nangyare?  Alam nyo ba kung ano pinagdaanan ko ng mga panahong tuwang tuwa kayo dahil nasasaktan ako”

“hindi ako naging masaya ng nawala ka” Justin

“then bakit mo ako hinayaan?”

“kasi akala kong magiging okay ang lahat pag hinayaan kita”

“magiging okay? Di mo manlang ba naisip kung anong magiging epekto sakin? Atsaka kung pwede ba? Tigilan nyo na ako. Ayaw ko na ulit masaktan “

“hindi naman kita sasaktan “ Zodiac

“iiwan lang” Justin

“TAHIMIK SABI! Alam nyo kayong dalawa humanap kayo ng lolokohin nyo kasi ako? Wala na akong time dyan sa mga kagaguhan nyo “ saad ko atsaka ko sila iniwan. Kitang kita ko ang mga estudyanteng di maalis ang tingin sakin. The hell I care.  

---
Hindi ko na alam kung anong dapat na maramdaman ko. Should I be happy kasi ang haba ng hair ko. Dalawa yon oh! HAHAHA or dapat ba akong mainis kasi ngayong lang nila na realized na mahalaga pala ako kung kelan umuusad na ako.

Kay Zodiac, wala na talaga. Pero kay Justin? Yung puso ko parang nabuhayan ulit ng marinig na mahal pa ako ng taong may dahilan kung bakit puro band aid tong puso ko ngayon.

But then, si mika ang mas pinoproblema ko, dahil alam kong hindi ako titigilan ng babaeng yon.

---
“Kisses!” patay na naman nito kay Ariel. Nakangiti ako habang lumalapit sa kanya.

“haba ng hair mo today” so alam na pala nya. Hahah
Pero syempre pa inosente tayo “ sadya naming mahaba ang hair ko ano ba hahaha” wika ko sabay hampas
Agad din naman nya akong hinampas, at malakas yon ha “baliw ka! Pakunware ka pa dyan. I mean yong kay Zodiac at Justin “

“aaa yon?”

“yup”

“wala yon hahah”

“gusto mo mabatukan ulit?”

“oh chill, ito na nga magkwekwento na”

Matapos ang medyo mahabang kwentuhan, kilig na kilig ang ate nyo. Tsk

“buti nga sa Mikang yon, epal epal. Sabi na nga ba mahal ka ni Justin. Atsaka si Zodiac sabihin mo get lost !”

“oy grabe ka naman sa tao”

“at bakit? Mahal mo ?” wika nya atsaka humawak sa bewang at pinagtaasan ako ng kilay


“hindi no! “

“oh yon naman pala , kaya sabihin mo wag na eepal sa inyo ni Justin”

I rolled my eyes” duh walang kami ni Justin”

“oh edi soon”

“duh wala non”

“mahal ka nya diba?”

“at minahal ko sya. Magkaiba yon. MAG-KA-I-BA”

“sus mamahalin mo ulit yan, kasi ang past pwedeng maging present ulit”

“At ang present ay magiging past. Cycle lang !”

“gaga! Kung hahayaan mong maging past! Pwede namang maging future yong present!” at dahil alam kong hindi magpapatalo itong si Ariel, ako na lang ang tumigil.

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon