Chapter 8 "Blind date"

79 3 3
                                    

(Zodiac’s POV)

“Ma, alis na po ako”

“sige nak ingat ka dun ha”

----

Habang naglalakad ako papunta sa gym kung saan may flag ceremony ay unti unti akong kinakabahan hindi ko alam kung bakit. Pagpasok ko palang sa gym andami na agad booth na nakaayos, siguro ay tapos na ang Flag Ceremony, haaayyss Late na naman ako. Habang pinagmamasdan ko ang mga booth ay may bigla namang tumawag sakin

“Zodiac” isang malambing na boses

“oh ikaw pala Mika” wika ko nang may ngiti sa labi.

“tapos na ang Flag ceremony, kanina pa din kita hinihintay at oo nga pala malapit na mag open ang mga booth “ nakangiti nyang sabi sakin. At teka, tama ba rinig ko kanina? Ako? Kanina nya pang hinihintay? Parang baliktad ata, diba ako dapat yung naghihintay.

20 minutes ago…

Mag-isa ako ngayong nakaupo sa may gilid ng gym habang hinihintay na bumalik si mika. Nagpaalam kasi sya na may bibilhin lang daw sya, at kanina pa din nag open ang mga booth.

“Zodiac arevalo?” tanong ng babaeng lumapit sakin at nag- nod lang naman ako.perooo

“uy teka bakit nyo ko piniringan”wika ko habang pilit na inaalis ang piring sa mata ko. “wala akong pambayad kung sa jail booth nyo ko dadalhin” dagdag ko pa. At narinig ko nman magtawanan yung dalawang babae nag piring sakin

“hindi ka naman talaga namin sa Jail booth dadalhin kuya hahahaha”

“ha? E saan naman?”

“basta wag ka na lang makulit kuya hahaha malapit na tayo “

Pagdating nga namin sa booth na pinagdalhan nila hindi pa din nila inaalis yung piring sa mata ko

“kuya upo ka muna”wika nung isang babae, at umupo naman ako. Ramdam ko na ang daming tao sa paligid. Pero teka sang booth ba ako

“anong booth ba to?” tanong ko

“blind date po kuya “

“ha? Bakit? Paano?” teka si mika ba may pakana nito kung oo aysya tatahimik na lang ako

“oh ito na kuya ka blind date mo, pero hep bawal pa din tanggalin ang piring mamaya pa. Mag holding hands muna kayo habang nag uusap “

“HA!/Ha?” sabay naming sabi nung babae na katapat ko. Pero wala na din kaming nagawa kundi ang hawakan ang kamay ng isat isa kasi pinaghawak na nila. Pero bakit parang iba yung feeling ko, bakit parang hindi si mika?

“mga ate at kuya, hindi namin kayo papalabasin hanggat di kayo nag uusap at wait sa last pa po ang tanungan ng pangalan pag wala na ang piring “

Para makalabas na ako dito, ako na una nagtanong dun sa babaeng kaharap ko,ang lambot ng kamay nya

“hi” wika ko ng nakangiti kahit di nya kita haha

“lo” yan lang sagot nya, at wala pang gana tsk

“kamusta?”

“badtrip, kasi dapat kakain na ako ng may biglang magpiring sakin” alam kong gusto nya isigaw yan pero nagawa nya pa din sabihin ng malumanay. Sabi ko naman kasi wag nyo gagalitin ang babaeng gutom hahaha

“ah eh--”

“i, o, u,” putol ng babaeng katapat ko, gusto ko sana tumawa kasi mukhang nagjojoke sya kaya lng baka naman lalo mabadtrip hahahaha kaya napangiti na lang ako “ano? Pwede na ba kami lumabas, kasi gutom na gutom na ako” dagdag pa nya, mukhang gutom na nga sya kasi medyo pasigaw na yon

“ah ate pwede nyo na po ba tanggalin ang piring? May gagawin pa din po kasi ako” wika ko pero ang totoo wala akong gagawin kundi hanapin si mika, kasi sure ako na hindi to si mika, taray kasi.

At yun nga tinanggal na nila ang piring, tama ako na madaming tao

“IKAW?” sigaw ng babaeng katapat ko

“Ki-kisses?” nagulat ako,kasi sya pala yung babaeng kahawakn ko kanina ng kamay, pero bakit? Hindi ko alam na dito pala sya pumapasok, ganun ba ako kawalang kwentang manliligaw nya noon kasi hindi ko manlang nalaman ang school nya?

“oo ako nga”wika nya sabay ngisi

“Zodiac!” magsasalita pa sana ako kaya lang bigla namang may tumawag sakin at sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na yon. Si mika at kumakaway pa sakin habang papalapit. “nandito ka lang pala, hi! Sya naka blind date mo?” bati nya kay kisses at tanong nya sakin habang nakangiti.tiningnan ko si kisses pero wala syang expression, di manlang nag hi kay mika. Sa halip ay nag smirk lang sya atsaka umalis.

“oh bat umalis yon? Naabala ko ba kayo? Tawagin ko lang ulit a---”

“wag na, gutom na daw kasi sya kaya ganun, hayaan mo na lang “ nakangiti kong sabi at ngimiti lang din sya sakin.

---

“mika?”

“bakit zodiac?” nakangiti nyang sabi.

“kilala mo ba yung babaeng nakalind date ko?” seryoso kong tanong, kaya naman napatigil naman sya sa paglalakad at saka humarap sakin. Pagkaalis din kanina ni kisses sa gym ay nagyaya si mika papunta sa may lobby.

“sa mukha oo, pero sa pangalan hindi. Lagi ko syang nakikita, bakit ?”

(niligawan ko sya dati, at parang nagsisisi ako na iniwan ko sya)“a wala naman, akala ko kasi kilala mo, di kasi sya nagpakilala sakin kanina bigla na lang umalis” wika ko, atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

“nagandahan ka no? Hahahhaa “ pang aasar nya

“ha? Hindi a hahaha, mas maganda ka dun”

“sus nambola pa”

“pero may alam ka ba tungkol dun, kahit nanliligaw ngayon ? “

“para namang wala, atsaka di naman sya ganun kakilala dito sa school kaya wala ako masyadong alam sa kanya, at isa lang alam ko ---”

“ano?” putol ko sa pagsasalita nya

“mataray sya” nagulat ako sa sinabi nya, aminado ako may pagkamataray nga si kisses pero mas lamang padin ang kabaitan sa kanya

“pano mo naman nasabi mataray si kisses?” wika ko

“naku kung alam mo lang, grabe kaya mga tingin nun, kulang nalang patayin ka sa tingin” dahil lang dun? They judge kisses, hindi ba nila alam na normal look nya yun tsk

“a. okay”

------
To be continue. Hi! Thank you sa mga nagbabasa. Hope you'll enjoy it. God bless!

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon