Chapter 17 "laban pa? o paalam na?"

38 2 1
                                    



(Kisses’ POV)

Mahigit isang oras ko din hinintay na mag online si Justin. At pag ka online na pagka online nya, nag message ako agad.

Kisses: OYYY!
Justin: oh?
Oh? His reply Supposedly “oy din”
K: hahaha ano kasi
J: ano?
K: ano kasi….
Hindi ko alam kung san ako magsisimula, hiyang hiya ako sa kanya. Miss na miss ko na sya.
J: ano?
K: sorry
J: okay lang yun
K: sorry kung natapos yung friendship natin dahil sakin. Sorry kung naging ganto ako. Sorry sa lahat
J: bat k aba nagso-sorry okay nga lang? binaba mo na naman pride mo
Alam nya kasing hindi ako basta basta nagbababa ng pride. But this time, wala akong paki sa pride na to basta maayos to.
K: wala akong paki ngayong sa pride ko
J: okay. May sasabihin kappa? Lobatt na aksi ako. Atsaka tutulog na din ako
Hindi ko pa nasasabi yung gusto kong sabihin  bat parang ang dali lang sa kanya ng lahat?
K: a. sige tulog kana good night 
J: bye
Siguro dapat sa personal ko na lang sabihin. Baka mas madaling maaayos pag sa personal ko sinabi.

--
“oy babae aga mo ata ngayon?” wika sakin ni Ariel.

“may hinihintay ako, una kana sa room, sabihin mo din kay ma’am male-late ako thank youuuuu” wika ko, habang tinutulak sya palayo. Mabebengga ako nito pag sinabi kong si Justin ang hinihintay ko. And speaking of nandito na sya, nakikita ko na sya

“Justin!” tawag ko sa kanya, and thanks God huminto sya, kaya naman dali dali akong pumunta sa kanya

“bakit?” walang gana nyang sagot, sobrang aga pa kaya kakaunti pa yung mga estudyante

“ natulog kana kasi kagabi, kaya di ko na nasabi yung dapat sasabihin ko “

“ano bay un?” wika nya, halata sa mukha nya ang pagkairita, pero di ko na lang pinansin

“yung friendship kasi natin sayang, baka pwede pa maayos, kahit yung friendship lang” saad ko habang nakayuko, di ko kasi kayang tingnan sya
Ang tagal ko ng nakayuko pero hindi pa din sya nagsasalita, kaya naman I lift my head, after that he smirked at me and then he left.

Mag isa na lang akong nakatayo dito sa gitna na parang ewan. Smirk? Sya? Si Justin? Nag smirk? Lang? yang mga salitang yan lang ang nag lalaro ngayon sa utak ko. Bat ang bilis nya magbago?

“ginagawa mo dyan?” napalingon naman ako sa nagsalita, si Zodiac

“A wala, napatigil lang ako” wika ko at hahakbang n asana ako kaya lang biglang nagsalita si Zodiac

“di mo matanggap na iniwan ka ng gagong yun dito sa gitna ng wala manlang sinasabing salita.” So nakita nya lahat? Napalingon lang ako sa kanya na parang bang sinasabi ng mukha ko na “nakita mo?”

“nakita ko lahat, mula sa pagtakbo mo papunta sa kanya hanggang sa pag alis nya” wala na akong nasabi nun kasi tumulo na naman ang mga luha ko kaya naman tumakbo na ako

“kisses sagliiit!” patuloy pa din ako sa pagtakbo ng may nabangga ako, at pag tingin ko si Justin, tumayo ako sa pagkakatumba ko atsaka ipinagpatuloy ang pagtakbo ko.

Hindi ko ba deserve sumaya? Bakit parang puro lungkot na lang?

Nakalimutan ko na yung araw kung kelan ako huling naging masaya.

--

(Zodiac’s POV)

Sobrang tanga ko para pakawalan ang babaeng seryoso. Napala tanga ko dahil sinaktan ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Kisses imissyou.

Sinubukan kong pigilan kanina si kisses ngunit hindi sya huminto. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita syang umiiyak. Naiinis ako dahil wala akong ibang magawa kundi ang tingnan sya.

Sa pagtakbo ni Kissse nabangga nya si Justin, at habang papalapit ng papalapit si Justin, di ko mapigilan ang sarili ko, di nya manlang natulungan Si kisses sa pagtayo, di nya man lang tinanong kung bakit ito umiiyak.

“Ano problema mo? “ maangas na tanong ko kay Justin pagtapat nya sa harap ko, sandal lang syang tumigil atsaka ipinagpatuloy ang paglalakad

“Gago kaba?” wika ko ulit, at ngayon, humarap sya sakin
Nag smirked lang sya, pinipilit kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong lalong magagalit sakin si Kisses
“eh gago ka pala talaga e, alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon si Kisses” at this time nagsalita na sya

“alam mo din bang iniyakan ka nya?” wika nya, natigilan ako sa sinabi nya.

“Gago na nga ako, ginaya mo pa, edi sana hindi mo sya pinaiyak gaya ng nangyayari ngayon. “

“parehas lang tayong gago dahil parehas natin syang pinaiyak. “ atsaka ulit sya nagpatuloy sa paglalakad, at saktong pag dating naman ni Mika

“mukha seryoso mo ngayon a” bungad nya, na nginitian ko lang

“si Justin ba yung kausap mo kanina?” she asked at nag Nod lang ako atsaka pinagpatuloy ang paglalakad

“bakit? Para san?”

“usapang lalake” wika ko 

“haysss, alam mo lately parang nagbago si Justin, di na nya ako nerereplyan, tapos yung mention ko sa kanya sa fb inaamag na “ wika ni Mika na halata mo sa mukha nya ang lungkot

“hanap ka ng seryoso wag gago” biro ko sa kanya

“oy di naman gago si Justin”

“biro lang hahahhaa”

“diba kilala mo Si kisses?”

“oo, yung mataray? Close nga ‘yon ni Justin. Kita ko din landian nila sa fb e. duh di sila bagay” medyo umakyat dugo ko nagmarinig ko yun. Di ko ugali manakit ng babae kaya, umalis na lang ako.
Hinabol at tinawag nya ako, ngunit hindi ko na lang pinansin.

--
“kisses gising na” naputol ang tulog ko, sa pag gising sakin ni Ariel, hapon na pala at tapos na lahat ng klase namin. Dahil umiyak lang ako ng umiyak, singkit na naman mata ko.

“ano ba nangyayare sayo?” tanong ni ariel habang naglalakad kami palabas

“I tried to fix everything, but I can’t. I give up. “

“Ha?”

“diba sabi ko kanina may hinihintay ako? Si Justin yun. Kasi gusto ko ayusin friendship namin”

“oh tapos ano nangyare”

“sandal, di pa ako tapos e, excited ka”

“oh sige continue”

“nung sinabi ko na gusto kong ayusin yung friendship namin, nag smirk lang sya tapos umalis na. “

“eh gago pala yun e, nasan yun” agad ko naman, pinigilan si Ariel dahil alam kong pupuntahan na naman nito si Justin

“teka lang, kalma lang.tapos na e, ayaw na nya. Edi tumigil”

“kasi gago ka, ano puntahan ko?”

“wag na, ano magagawa ng pagpunta mo? Atsaka if he really meant to stay, he will. Kaso hindi kaya ayon, I tried my best  but nothing’s happen. "
----

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon