Chapter 25 "Mr. Donut"

12 0 0
                                    


Ano na naman kayang ganap ngayong araw. Parang araw araw na lang laging may sumisira ng araw ko.

Sa bawat paghakbang na ginagawa ko dito sa hallway, hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano.Like, pano kung di ko noon tinapos yung friendship naming ni Justin, ano kaya kami ngayon? Still friends or lovers na ?

“kisses” nagulat ako ng biglang bumungad sa harap ko si Justin na hingal na hingal

“tabi nga Justin” wika ko. Pano kaya ako makakadaan kung hinaharangan nya ako

“I can explain everything kisses, all you need to do is to listen”

“late na ako” kahit hindi hahaha

“alam ko sched mo at alam kong 10:00 pa ang klase mo” wow ha, saulado?

“I have many things to do”

“please kisses, wag mo naman akong iwasan”hindi na ako nagsalita dahil alam kong hindi ito matatapos,  nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad. Bahala ka dyan maghabol tsk

“ALAM NYO BANG SOBRANG T*NGA KO DAHIL NATAKOT AKONG IPAGLABAN ANG BABAENG MAHAL KO! KISSES VASQUEZ GIVE ME ANOTHER CHANCE PLEASE” napahinto ako sa paglalakad dahil sa eksenang ginawa ni Justin. “Please Kisses” wika nya atsaka lumuhod. Agad naman akong lumapit sa kanya
“tumayo ka nga Justin, ano bang ginagawa mo “

“Give me another chance kisses “ nagmamakaawa nyang sabi “hindi hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Sorry kung sa donut ko lang napakita na mahalaga ka”

“donut?”

“sorry kasi hanggang sticky notes lang ako noon”

“teka, tumayo ka nga dyan” agad ko naman syang inalalayan. “ikaw yong nagbibigay ng donut sakin?” tumango lang sya. “g*go ka pala talaga no?”

“look, alam kong sobra kita nasaktan noon---“

“tapos papaldahan mo ako ng donut with sticky notes na ang nakalagay, ‘be okay’ naka drugs ka?”

“pinangunahan kasi ako ng takot”

“sa tingin mo ako hindi? Sana alam mo yung feeling na naiwan kang naka t*nga sa gitna ng campus, tapos yong tanong kong oo at hindi lang  ang sagot ay hindi pa nabigyan ng kasagutan.  Ang dali dali namang sabihing ‘Hindi’ hindi na pwedeng ibalik yong dati, hindi yong iiwan mo ko sa gitna !”

“sising sisi ako kisses. Kaya sige naiintindihan ko kung galit ka, saktan mo ako pero please wag mo akong iwasan at bigyan mo ako ng second chance please kisses I’m begging you “

“pag sinaktan ba kita mawawala yong mga sakit at sugat dito sa puso ko? Pag ba hindi kita iniwasan at binigyan kita ng another chance magiging okay na ako? Sana bago ka nagdesisyon dapat inisip mo muna kung tama ba at hindi ka magsisisi sa magiging resulta nito”

“another chance please” kitang kita ko ang mga luhang nangingilid sa mata ni Justin at ako? Ito kanina pang nag uunahan ang mga luha ko

“atsaka diba masaya naman kayo ni Mika?”

“hindi ko sya gusto”

“then bakit mo ako kinausap para tigilan sya even though sya lagi yong nagsisimula ng away”

“dahil ng mommy nya, at ni mommy gusto nila ako para kay Mika”

“oh yon naman pala then go to her”

“ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA IKAW ANG GUSTO KO!” pinagtitinginan Na kami ng mga tao ngayon kaya di na ako nagsalita.

Aalis n asana ako ng bigla syang nagsalita “I will do everything para lang mahalin mo ulit ako”

--
Pagpasok ko sa gate bawat madaanan ko may nag bibigay sakin ng mga letters at pagdating sa room ko isang box ng donut at bouquet of flowers ang nasa upuan ko. Then nang i-arrange ko ang mga salita
“hindi ako mapapagod na suyuin ka dahil alam kong worth it kang ipaglaban” at nang tingnan ko ang box, it’s from Justin 

Kilig na kilig yong mga kaklase samantalang ako hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon