Chapter 27

19 0 0
                                    



Justin’s POV
Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Kisses. And nagi- guilty ako kasi lalo ko lang dinagdagan ang sakit na yon. Alam kong alam na nya ang about sa engagement naming ni Mika. Sobrang nasasaktan din ako sa tuwing makikita ko syang naiyak at feeling ko sobra kong gago kasi ako yung dahilan ng pag iyak nya.
“mom”
“yes”
“pwede po bang di na lang ituloy yung about samin ni Mika?”
“ano na naman pumasok dyan sa isip mo?! Pwede ba Justin umayos ka!”
“ayaw kong matulad din satin ang magiging pamilya kop ag si Mika ang pinakasalan ko. Ayaw ko pakasalan ang babaeng di ko gusto kasi pag nangyare yon baka maging kagaya din ako ni Daddy na gago na iniwan tayo dahil lang din sa iba ang gusto nya.” Paliwanag ko, alam kong dahil lang din to sa business at kilala din ni mommy ang mommy ni Mika. They’re bestfriends since elem kaya siguro ganon na lang kagusto ni mommy si Mika for me.

“then how about the business?”
“look mommy I can manage that without the help of Marasigan’s family “
“so kung maipapangako mo yan okay” bigla akong sumigla nang marinig kong sumang-ayon si Mommy
“talaga mommy?”
“yes, gaya nga ng sabi moa yaw ko din mangyare sa magiging pamilya mo ang nangyare satin. Sobrang proud ako sayo anak at hand among ipaglaban ang babaeng mahal mo” bigla akong nalungkot kasi baka huli na ang lahat
“but what if huli na ang lahat mommy? Galit sakin yung taong mahal ko “
“then don’t give up, kung talagang mahal mo sya di ka titigil hanggang bumalik sya sayo”
“then bakit di nyo pinaglaban si daddy?”
“di ko din gusto ang daddy mo, di naming gusto ang isa’t isa. Actually, sayo tiningnan ko lang kung talagang papayag ka na ipakasal ka sa babaeng di mo mahal, tinitingnan ko lang kung gano ka katatag pagdating sa mahal mo. Naalala ko sayo ang daddy mo, hinayaan ko syang umalis dahil gustong gusto nya talagang ipaglaban ang babaeng mahal nya. So ano magagawa ko? Mahal nya yon eh kaya hinayaan ko na”
“eh bakit di nyo pinaglaban ang mahal nyo?”
“nandyan na kayo eh atsaka hindi ganon katapang yung taong mahal ko kaya ayon pumayag din syang ipakasal sa babaeng di nya mahal. Kaya kung ako sayo anak, ipaglaban mo sya hangga’t di pa huli ang lahat. “ wika sakin ni mommy sabay ngiti, kaya naman niyakap ko. Di ko akalain na papaya talaga si mommy at ngayon lang sya nagkwento about kay Daddy—sa kanila ni Daddy.
---
Handa na akong ipaglaban si Kisses. Na canceled na ni mommy yung kasal namin, at for sure galit na galit si Mika. Wag nya lang gagalawin si kisses at ako ang makakalaban nya.

Kisses’ POV
“oh well nandito na pala ang may dahilan kung bakit di na ako papakasalan ni Justin. Alam nyo bang nagmakaawa sya para lang di ako pakasalan ni Justin” yan agad ang bumungad sakin pagdating ko sa may hallway. Lahat ng estudyante ang sama ng tingin sakin.
“mika ano na naman ba sinasabi mo?” tanong ko .
“ops, kunware di alam” saad nya habang hinahawakan ang buhok ko
“stop mika!” napatigil naman sya at napatingin kami sa nagsalita –it’s Justin
“wag na wag mo syang hahawakan” nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante sa hallway
“ oh the prince sige Justin sabihin mon a nagmakaawa yang babaeng yan para lang di kita pakasalan”
“PWEDE BA KUNG MAG KAAWAY KAYO WAG NYO NA AKONG IDAMAY PLEASE LANG “ sigaw ko at aalis n asana ako kaya lang bigla akong pinigilan ni Justin
“wait I have something to tell you at sa mga taong nandito “
“go ahead Justin sabihin mong yang babaeng ya-“
“mika pwedeng tumahimik ka muna?” inis na sabi ni Justin. At muli, nagbulungan na naman ang mga estudyante

“alam kong alam nyo na ang tungkol sa engagement naming ni Mika (bigla ngumiti si Mika na para bang nanalo sya sa lotto) hindi na ‘yon matutuloy dahil napagdesisyunan kong ipaglaban ang babaeng mahal ko”
“Justin!” galit na saad ni Mika, at ako? Ito naguguluhan pa din
“Mika alam mong simula pa lang di na kita gusto, oo naging friends tayo pero hanggang doon lang. at si Kisses? Wala syang ginawa para lang di ko ituloy ang pagpapakasal sayo dahil ako mismo ang may gusto nito. Gusto kong itama lahat ng mga mali ko. So Kisses will you give me another chance? Please” saad ni Justin atsaka lumuhod sa harap natahimik naman ako bigla dahil nagtataka ako, kasi parang kahapon lang sabi nya di nya alam kung pano nya ako ipaglalaban tapos ngayon? Nandito sya sa harap ko at nahingi ng second chance?
“kisses please?” saad nya. Nawala na si mika dahil siguro sag alit o sa hiya
“matitiis ko ba naman ang taong mahal ko, yes I will give you another chance” agad naman tumayo si Justin at agad akong niykap
“salamat kisses  ! “
“salamat din sa pagbalik mo sakin”
--
Nandito kami ngayon ni Justin sa park para pag usapan lahat.
“pano nangyare yon?” saad ko
“alin? Yung hindi na matutuloy ang kasal?”
“yep”
“syempre mahal kita diba? Gagawin ko lahat para maipaglaban kita”
“pero kasasabi mo lang na di moa lam kung pano mo a—“
“napag isip isip kong minsan na lang ako makatagpo ng kagaya mo papakawalan ko pa ba? Syempre hindi na.”
“pano mommy mo?”
“okay naman kay Mommy”
“eh diba gusto nya si Mika for you?”
“pero mas gusto nya sakin yung babaeng mahal ko at ikaw yon , sorry kung pinaiyak kita at nasaktan kitaa. Ngayon sisiguraduhin kong di ka na ulit masasaktan dahil sakin “
“talaga lang ha? Hahahah”
“aba oo, sobrang swerte ko kaya sayo tapos sasaktan pa kita? Parang ang gago ko naman ata tingnan pag ganon “ biglang nag ring yung phone nya at saglit na umalis at pagbalik nya …

“katatawag lang ni Mommy” bigla akong kinabahan sa sinabi ni Justin at di ko alam kung bakit. “isama daw kita sa bahay, gusto ka daw nya makilala lalo na ng kapatid ko “  omg? Kibahan ako bigla

“hala? Di ako handa “
“ano k aba medyo kilala ka na din non nakwekwento din kita kay Mommy minsan atsaka sa kapatid eh “wika nya, na medyo kinilig naman ako hehe.

--
At Justin’s House
“hi po Tita” bati ko sabay kuha ng kamay nya para mag mano.
“don’t call me tita” hala nagulat kaming lahat sa sinabi ng mommy ni Justin, kasi ang taas ng boses parang galit? “call me mommy instead” dagdag nya at biglang huminahon yung boses. Napatawa naman kami hahaha
“sige po mommy” nahihiya kong sabi.
“oy Ate!” bati nung lalakeng kapatid ni Justin “ang ganda mop ala talaga ate, dati sa mga stolen pics lang kita nakikita pero ngayon in person na. tama pala si kuya ang ganda mo hihi “ halatang hiyang hiya si Justin sa sinabi ng kapatid nya
“stolen pics?” tanong ko ng nakangiti
“ah eh, wala kasi akong lakas ng loob para makapag papicture sayo e nahihiya kasi ako”
“then kung ganon, lapit kayong dalawa, kunan ko kayo ng picture” wika ng mommy ni Justin.

Grabe lang sobrang bait ng Mommy ni Justin pati yung kapatid nya. Feel na feel ko talagang welcome ako sa Family nila.

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon