Chapter 6 "I'm fine"

104 5 2
                                    

(Zodiac’s POV)

“ay nakalimutan ko, malapit na nga pala si Ace “ magsasalita pa sana ako, kaya lang sinabi na agad nya, na may naghihintay sa kanya.

Ace? hindi ko pa narinig ang pangalang iyon sa kanya, kaya sigurado akong hindi nya yon relative. Siguro manliligaw nya.

Haaaaayyyssss akala ko pa naman makikita ko na si Aileen. Ano kaya nangyari sa kanila, ano kaya emergency?

“aileen? Kamusta kana?”

“bat di ka pa din nag oonline?”

“pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako”

Menessage ko sya ng sunod sunod, pero di pa din sya nag oonline. Nag aalala na ako

“reply ka pag nag online ka ha? Nag aalala na ako”

*****

“I’m home” walang gana kong bati sa kanila

“oh anak zodiac? Bat ganyan mukha mo? May problema ba?”tanong ni mama habang tiningnan pa kung lagnat ako.

“okay lang po ako ma. Sige po punta muna ako sa kwarto” pero hindi pa naman ako nakakahakbang bigla na lang tumawa ng malakas ang kapatid ko

“HAHAHAHAHAHA siguro ma basted si kuya” pang aasar nya kaya naman tiningnan ko sya ng masama “oh easy kuya bat kasi di na lang si ate kisses” dagdag nya.

di ko na lang sya ulit tiningnan, at dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Haaayyysss kakapagod. Bat kaya di pa din nag oonline si Aileen. Tiningnan ko ulit ang mga ative friends,at as expected kaunaunahan na naman si Kisses.

(Kisses’ POV)

Haaayyss kakapagod magbiyahe. Pasalamat sya pinag aksayahan ko sya ng oras. Gago syaaaaaa kaasaaaaaaar.

“aileen? Kamusta kana?”

“bat di ka pa din nag oonline?”

“pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako”

“reply ka pag nag online ka ha? Nag aalala na ako”

Pag ka bukas na pagkabukas ko ng acc. Ni Aileen my dummy acc. Yang mga message na yan agad ang nabasa ko. And wait he’s worried? Whoaaaa. Agad agad? TAE MO GAGO!

“zodiac sorry but maybe this is my last message. Nabasa ni mommy lahat ng convo natin and she get mad. She give me an option, to stop chatting with you or going to America for good. And I chose to stop chatting with you, ayaw ko kasi sa America. Sorry. Ingat ka bye and thank you sa lahat <3” and the best actress award goes to *drum rolls* HAHAHAHAHAHAHA

Isipin nyo na gusto nyo isipin kasi wala naman akong pakialam. He deserve that, kaya di ako magreregret na ginawa ko yon sa kanya. After that, I-dineactivate ko na din ang dummy acc. Ko.

----

“kisses!”

“oh!ariel ikaw pala “ bati ko

“aba aba ano meron at abot tenga ang ngiti ha? Meron kang di sinasabi sakin no?” wika nya habang nakaturo sakin yung hintuturo nya kaya naman napaatras at napailing ako

“ako?(turo sa sarili) wala wala hahahahha I’m just happy you know” tugon ko kaya naman ibinaba na nya yung daliri nya.

(Zodiac’s POV)

Pagmulat ko agad akong nasilaw sa araw. Teka? Nakatulog ako?

“Ma!” sigaw ko habang papuntang kusina

“oh nak ano problema?” wika nya habang naghahanda ng almusal

“bat di nyo po ko ginising kagabi?”

“mukha kasing pagod na pagod ka nak kaya hinayaan na kita matulog, halika na kumain ka na at nang makapasok kana sa school. “ at umupo na nga ako.
Habang kumakain ako ay binuksan ko agad ang acc. Ko para tingnan kung may reply na si Aileen. At hindi ako nagkamali ilang sigundo lang ay nag pop-up agad ang chat head nya

“zodiac sorry but maybe this is my last message. Nabasa ni mommy lahat ng convo natin and she get mad. She give me an option, to stop chatting with you or going to America for good. And I chose to stop chatting with you, ayaw ko kasi sa America. Sorry. Ingat ka bye and thank you sa lahat <3” at yan ang nabasa ko. Bigla kong nabitiwan ang kutsarang hawak ko at paulit ulit kong binasa ang message nya and at this time hindi ko na sya mareplyan. Di ko alam kung nag deactivate ba sya o blinock nya ako .

----

“oh pre badtrip?” bati sakin ng katropa ko sabay suntok sa may braso ko

“wala to pre”

“babae ?” hindi ko sya sinagot

“naku babae nya hahaha sino? Si kisses na naman ba ang problema? “

“HINDI PRE” napataas ang boses ko sa kanya na ikinagulat naman nya

“whooaaa oh teka chill lang tayo dude, sige maiwan muna kita” wika nya atsaka nya ulit sinuntok ang braso ko .

Siguro kanina pa kayo nagtataka kung bakit si kisses ang bukang bibig nila. Bukod sya niligawan ko sya, sa lahat kasi nang niligawan ko sya palang yung unang babae na pinakilala ko sa katropa at pamilya ko. Bakit? Simple lang kasi sa lahat ng nakilala ko sya yung pinaka iba, para sakin sya yung tinatawag ng iba na one of a kind. And maybe there’s a question on your mind, why I left her. Kasi na realize ko na hindi ko pala sya mahal. Oo masaya ako noon bat habang tumatagal parang ayaw ko na kaya I decided na iwan sya. Sounds bad pero mas masama siguro kung pinagpatuloy ko lang na ligawan sya kahit na wala naman akong feelings sa kanya.

Besides it seem that she’d already move on siguro dahil nung ace. Masaya ako for them.

Mayroon Ikaw at Ako pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon