[Shekainah's POV]"Sheki anak, maghanda ka na para sa pag-alis mo. Maaga tayo babyahe bukas." Sambit ni mama sa pinto. Tumungo naman ako sa pinto para pagbuksan siya.
"Ma pasok ka muna." Sabi ko at pinapasok na si mama
Umupo kami sa kama ko.
"Ma saan ho ba talaga yung academy na lilipatan ko? Ano ho bang pangalan para ma research ko naman?" Agad kong tanong kay mama. Lilipat na kasi ako ng school at bukas nako aalis. May dorm daw dun kaya dun daw ako tutuloy.
"Basta anak. Malayo yun." Sagot naman ni mama
"Ma naman eh di mo talaga sinasabi sakin!" Maktol ko sabay nguso
"Ayaw mo nun anak? Masusurprise ka hahaha" tawa ni mama sabay gulo sa buhok ko
"Psh surprise ka dyan ma" nguso ko pa rin at inirapan siyaTumawa lang si mama at tumayo na. Pagkatayo niya ay ako naman ang pinatayo niya at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Sheki anak basta mag-iingat ka dun ah? Magpakabait ka. Huwag kang padadala sa kanila. Pairalin mo ang kabutihan sa puso mo at huwag kang gagawa ng kasalanan. May mahalaga kang gagampanan at tuklasin mo ang pagkatao mo." Seryosong sabi ni mama at niyakap ako.
"Mahal na mahal kita anak. Di ka man nanggaling sa sinapupunan ko ay anak pa rin kita. Tandaan mo ang bilin ko sa iyo ha?" Huling sabi ni mama at bumitaw na sa pagkakayakap sakin. Ngumiti naman siya bago tumalikod at lumabas na ng kwarto ko.
Natulala na lang ako habang pinoproseso ang mga sinabi ni mama. I don't understand. She's acting weird. Nacreepyhan ako sa mga pinagsasabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako at humiga na sa kama. Kinakabahan na rin ako bukas sa pagpasok ko sa bago kong school. Hindi ko nga alam kung bakit nila ko ililipat eh. Okay lang naman ako sa dati kong school kahit parati akong nabubully dun. Nakakaya ko pa rin naman. Oo, binubully ako dun. Wala naman akong magawa kung tingin nila sakin ay weird, freak at kung ano ano pa. Bakit? Is it my fault na ganito ang itsura ko? Na naiiba ako sa kanila?
Bumangon ako sa pagkakahiga at nagtungo sa salamin dito sa kwarto ko.
Tiningnan ko ang kabuuang itsura ko.
Weird ang buhok ko. Kulay rainbow. Since birth naman na to. Bagay rin naman sakin eh. May pagkawavy rin ang buhok ko.
Maputi ang balat ko na parang kumikinang kapag gabi. Kulay gray ang mata ko. Minsan nga eh nagiging kulay silver sya at may isang beses na naging kulay ginto ito. Akala nga lang ng iba eh contact lens lang to. May matangos na ilong at mapupulang labi.
Honestly, nawiwirduhan ako sa itsura ko. Lalo na sa mata ko. Normal ba naman kasi ang magkaroon ng ganitong klaseng mata? Di ko naman malagyan ng contact lens kasi natutunaw lang sa mga mata ko. Yung buhok ko naman di ko makulayan ng purong itim. Di umeepekto. Gustong gusto kong itago ang itsura kong to para makapamuhay ng normal pero may parating sinasabi sakin si mama.
"Hindi mo dapat itago ang tunay na ikaw anak. Natatangi ka at di ka dapat nahihiya. Makikitid lang talaga ang mga utak ng ibang tao. Huwag mong ikatakot ang itsura mo dahil iyan ay ikaw."
Yan ang parati niyang sinasabi sakin na nagpapalakas ng loob ko. Mahal na mahal ko si mama at tsaka si papa. Hanga ako sa pagpapalaki nila sakin kahit di nila ko tunay na anak. Di naman nila ipinagkait sakin ang katotohanan. Di rin nila alam kung sino ang tunay kong mga magulang. Tinuruan naman din nila ako ng mabubuting asal at pinalaki akong mabuti kaya wala akong tanim na galit para sa mga tunay kong magulang.
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...