[Shekainah's POV]
Nandito na naman ulit ako sa panaginip ko at kasama ko ulit yung puting liwanag.
"Shekainah,kailangan mong magampanan ang misyon mo. "
"Ano ba kasing misyon yon? "
Tanong ko. Nacucurious na talaga ako sa misyon thingy na yan."You'll find out on your own soon."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi ko kaya sa academy. Hindi ko masikmura ang nangyayari dun. Ni wala nga akong kaibigan dun eh. "
Totoo naman. Hindi ko naman ramdam na kaibigan ang turing nila Diah at Tamara sakin eh. They're too distant and cold. Parang hanggang roommate lang yung samahan namin. Nothing more.
"Kayanin mo. You have to be strong for your mission and for the benefit of all."
Tumango na lang ako saka nagbuntong hininga ulit.
"Be good always Shekainah."
Huling narinig kong sabi niya.Nagising ako dahil sa yugyog sa balikat ko. Pagtingin ko ay si Diah pala.
"Get ready. Tsaka ngayon na din yung punishment mo diba?"
Hala oo nga pala! Dali dali na akong nagtungo sa cr tsaka naligo.
Nag-ayos na rin ako ng sarili pagkatapos tsaka lumabas na. Naabutan ko sa labas si Tamara na nakaupo sa sofa.
"Nandun na si Diah. Pinahintay ka niya sakin."
Sabi niya tsaka nagpatiuna na sa paglalakad.Napabuntong hininga naman ako. Ganito talaga ang pakikisama nila sakin. Napaka cold at parang napipilitan. I'm hoping that someday they could be my friends.
Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Nakaupo na yung dalawa sa table nila habang ako ay naglalakad patungo dun sa counter. Kailangan ko nang gawin yung punishment ko.
Nadismaya ako sa mga naririnig ko sa paligid. Pinag-uusapan nila ko at yung nangyari kahapon. Ang bilis kumalat ng balita. Kung ano ano na rin yung pinagsasabi nila tungkol sakin at meron pang mga exaggerated yung storya.
What's with their attitudes? Don't they have some respect? Nandito lang kaya ako at rinig na rinig ko sila.
Hindi naman ako galit sa kanila eh. I'm just disappointed and honestly, I pity them.
Sumiksik ako sa mga estudyanteng nakapila habang humihingi ng sorry.
"Uh excuse me. Magtatrabaho raw ako rito as a punishment sabi ni headmistress." Sabi ko dun sa babae pagkarating ko dito sa unahan.
Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Uh what's with her? Nakakailang ah.
"Okay pasok ka."
Binuksan niya yung pinto dun sa gilid para makapasok na ako. Binigyan niya ako agad ng apron na agad ko rin namang sinuot.
"Pag dumating na yung 7DS ay pumunta ka agad sa table nila for their order. Ikaw ang magserve sa kanila. " nakapamewang na sabi niya. Nag-aalinlangan naman akong tumango. Ang swerte ko talaga at ako pa ang magsi-serve sa kanila.
"Ngayon habang wala pa sila, ikaw na muna humarap dun sa mga estudyanteng nakapila." Sabi niya tsaka tinalikuran ako. Nagtungo na ako dun sa counter para kunin yung mga order ng mga students. May nakita akong dalawang babae na kumukuha rin ng order nila.
Pagkalapit ko sa counter ay agad akong sinalubong ng mga nangungutyang tingin nila at meron pang bumubungisngis dun sa may likuran. Pinagtatawanan nila ko.
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...