[Shekainah POV]
Seryoso ba sya?!
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya.
"I know you'll freak out but accept the truth dear." Sabi niya habang umiiling
Ano ba tong eskwelahan na dinalhan nila mama sakin? Hooh pano na to?
"Ah eh may k-kapangyarihan ho ba yung mga estudyante r-rito?" Tanong ko
"Yes. Precisely and I'm pretty sure you have too. Kasi kung wala eh hindi ka mapupunta rito at di ka makakapasok. And it can be seen in your appearance. " Sabi niya sabay tayo
Pinoproseso ko pa talaga yung sinasabi niya.
"So here's your uniform, ID, dorm keys, dorm number and schedules. So go ahead. And welcome to Sin Academy where sin is your weapon." Sabi niya sabay abot sakin nung mga hawak niya.
Lumabas naman nako agad dahil kumakabog yung puso ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Sin Academy? Ano to eskwelahan ng mga kasalanan?! At ang kasalanan pa talaga ang weapon?! At kapangyarihan?! It's too much for me to take!
Naglalakad lang ako ngayon at hinahanap yung dorm ko. Minamasdan ko rin yung paligid. Well, maganda talaga ang paaralang to. Napakalaki. Magaganda rin yung buildings. Kulay puti na may mga outlines na itim. Moderno din ang structure nito. Marami ding halaman sa paligid at mga puno sa gilid ng daan na nilalakaran ko ngayon.
Saan ko ba makikita ang dorm dito? Hays. Wala pa naman akong makitang tao na mapagtatanungan dito. Maaga pa rin kasi. I think 6 palang ng umaga.
Ayun! May babae! Naglakad ako patungo sa kanya na nakaupo sa bench para makapagtanong ako.
"Uhmm excuse me. Pwedeng magtanong?" Sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
"Psh. You're already asking, stupid." Mataray na sagot niya sakin. Nagulat naman ako sa inasal niya. Well, di ko naman papatulan.
"Uh sorry. Nasan ba yung dorm dito? Bago lang kasi ako." Tanong ko naman at ngumiti. Tinitigan naman niya ko mula ulo hanggang paa tapos pabalik. O--kay?
Tumayo naman siya at senenyasan ako na sumunod kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang malaking building na kulay puti at itim din. Mukhang black and white talaga ang motif ng school ah. At gusto ko to. Favorite ko kasing kulay yung black and white."Anong dorm number mo?" Tanong niya sakin nang di man lang ako tinitignan
"Ah sandali" sabi ko at dali-daling tiningnan yung binigay sakin ng headmistress.
"Room 208, 2nd floor." Sagot ko. Nagsimula naman siya ulit maglakad kaya sumunod naman ako ulit sa kanya. Sunod sunuran lang ang peg ko ngayon eh.Huminto kami sa harap ng parang elevator na pabilog at glass yung wall kaya kitang kita ang nasa loob. May pinindot sya dun sa gilid at may bumaba namang platform at bumakas yung glass na pinto. Pumasok naman siya kaya pumasok na din ako. Agad namang sumara ang pinto at may pinindot siya dun. Yung floor yata at gumalaw na pataas yung tinatapakan namin. Kitang kita ko ang baba rito. Ang high tech talaga.
Pagbukas ng pinto ay lumabas na kami at naglakad sa hallway. Tumigil naman siya sa harap ng isang pinto. Pagtingin ko dun ay may nakalagay na room 208. So ito na yung room ko. Lumingon naman ako sa kanya para magpasalamat sana pero nagulat na lang ako nang makaramdam ako ng hapdi sa kanang braso ko. Napadaing naman ako at gulat na tumingin sa kanya."Yan ang kapalit ng tulong ko sa yo." Sabi niya ng nakangiti ng nakakakilabot. Saka niya dinilaan ang dugo ko na nasa punyal niya. Gosh!
"Your blood tastes sweet." Huling sabi niya at humalakhak. Bigla na lang din siyang nawala sa harapan ko. Nagpalinga linga naman ako sa paligid at baka nandito lang siya. Nakakatakot siya! Ano siya bampira at tinikman pa talaga yung dugo ko?! Speaking of dugo, umaagos na yung dugo ko. Mukhang malalim yung pagkakasugat niya sa akin ah at ang hapdi sobra. Tinakpan ko naman ito ng kamay ko at kumatok na sa pinto. Pinulot ko rin yung dala kong mga gamit na nalaglag dahil kanina. Kumatok ulit ako kahit hirap na hirap nako dahil sa hapdi at sa mga bitbit ko. Agad naman itong bumukas at tumambad sakin ang isang babaeng may violet na buhok. Violet talaga? Anong trip nila sa mga buhok nila? Mas weird pa yung sa kanila kaysa sakin eh. Pero bagay rin naman sa kaniya. In fact, maganda siya at maputi kaya lang mukhang mataray. Mahihirapan siguro akong pakisamahan tong dorm mate ko.
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...