[Shekainah's POV]
Ang ganda pala ng ceiling namin dito sa dorm ah. Ganda ng chandelier. Ganda rin talaga ng interior ng room namin. Pag ako nakapagpatayo na ng sarili kong bahay, I want it to look more amazing than this.
Wrath
Teka anong Wrath Psalm? I shouldn't keep on thinking about earlier. Binilhan lang naman niya ako ng napkin eh. No biggie. Right?
No biggie? Arghh yes it is a biggie! The thought of it tickles something inside me. It's just my first time to have someone buy me a napkin voluntarily. It just feels new.
Di ko mapigilan ang pagkurba ng labi ko. I guess may naidulot rin na maganda etong regla ko. I got to see a glimpse of Wrath's good side. He has a silver lining after all.
Patuloy lang ako sa pagngiti sa kabila ng sakit ng puson ko.
"At bakit ka nakahilata diyan? Wala kang planong pumasok? "
Napagawi ang tingin ko sa pinto.
"Oh c'mon Diah! Masakit ang puson koooo" sambit ko tsaka binalik ang tingin sa ceiling.
"Masakit? Then why are you smiling?" said by another voice na hula ko ay si Tam.
"Uh hey Tam!" kumaway ako sa kanya
"What's wrong with you?!" iritadong sabi ni Diah.
"I told you masakit ang puson ko." sagot ko tsaka dumapa at ibinaon ang mukha sa malambot na unan. Nagsisimula nakong mainis sa kanila.
"Eh bat ka nga nakangiti?!" boses ni Tam
"Uh pain makes me happy? This pain is...nice " wala sa sarili kong sagot tsaka tumihaya habang nakabaon pa rin ang mukha sa unan.
"You know what? I'm done here." nawalan na ata ng pasensiya si Tamara at lumabas na ng kwarto. Eh pano ko ba naman mapipigilan ang pagkurba ng labi ko? Kasalanan ko bang may pagkamarupok ako?
"Are you smiling about what happened earlier at the cafeteria?"
Inalis ko ang pagkakabaon ng mukha ko sa unan at sumandal sa headboard.
"Alam mo ang tungkol don?" bilis talaga kumalat ng balita. Umirap siya.
"Duh everyone knows about it. "
"Oh"
Kinuha ko yung unan tsaka niyakap.
"Psalm, don't you ever dare." napalingon ako sa kanya dahil sa pagbabanta sa kaniyang boses.
"Dare what?" kunot noo kong tanong.
"Don't you ever put up with Wrath. Don't you ever like him. Ever. " mapagbanta ang tono ng boses ni Diah
"Wh-why?" medyo kinakabahan kong tanong.
"Just don't do it." binigyan niya ko ng matalas na tingin and then slammed the door shut.
What just happened? Did she just threatened me? Sa anong dahilan? May gusto ba siya kay Wrath or what? Ang gulo naman eh! Ano bang pinagsasabi niya eh wala naman din akong plano no. Lalong lalo na si Wrath. Napapraning lang siguro yung si Diah.
Napagpasyahan kong tumayo nalang at magtungo sa potion class kaysa isipin pa yung kay Diah. Nakapagbihis na rin ako ng bagong palda. Lalabhan ko pa yung isa mamaya at mukang mahihirapan ako. Ang laki ng mantsa eh. Kahit kulay itim yung palda eh klarong klaro pa rin yung tagos.
Matamlay akong naglalakad patungong potion room. May mga nadadaanan akong ilang mga babaeng estudyante na sinusundan ako ng matatalim na titig . Ano ba talagang problema ng mga babae dito? Di nauubusan ng issue. Buti pa tong mga lalake mga walang pakialam. Hindi ako inaabala.
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...