Chapter 5

299 10 2
                                    

So here's the update guys!
—————

[Shekainah's POV]

Nagising ako dahil sa isang napakalakas na yugyog sakin. Nagising talaga yung natutulog kong diwa dahil dun.  Sino ba tong wagas kung makayugyog?

Bumalikwas ako ng bangon at tiningnan ang mukha ng taong to. Jusme si Tamara pala yun! Wagas na wagas siya makayugyog ah?

"Bumangon ka na dyan at maghanda na. Ngayon ang klase natin oi!"

"Oo na! Heto na!" Sabi ko at tumayo na.

"Bilis Shekainah!" Ayy kainis na to si Tamara ah

"Aishh! Oo!" Maktol ko sabay gulo sa buhok ko.  Nagtungo nako sa cr para sa morning rituals ko.  Ngayon na nga pala yung klase. Hooh kinakabahan nako.

Matapos ko sa morning rituals ko ay kinuha ko na yung uniform ko tsaka sinuot. Tamang tama lang to sakin at maganda yung design. Lalo na yung kulay. White yung blouse na may tim na linings sa manggas at tsaka sa kwelyo. May itim na ribbon din ito. Debutones rin ito. Yung palda naman ay kulay itim na above the knee. May knee length sock din na itim na pinaresan ng itim na sapatos. Overall, simple yet elegant. Kinuha ko na rin yung bag ko.

Inayos ko muna yung buhok ko. Nakapa ko yung kwintas na binigay sakin nung bola ng liwanag. Itinago ko ito sa ilalim ng damit ko.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko yung dalawa na nakaupo sa sofa at parang inip na inip na.  Hindi ko inexpect na hihintayin nila ko. Pero mabuti na rin yun para may kasama ako.

"Oh lowersection ka rin pala. Halika na. " sabi ni Diah at nagpatiuna na sa paglabas.  Sumunod naman kami ni Tam.

"Teka, pano mo nalaman na sa lowersection ako?" Tanong ko. 

"Simple. Sa uniform mo." Napa 'huh?' naman ako.

"Iba-iba ang uniforms dito depende sa section mo. Lowerclass yung sa atin, iba naman yung sa average class, upperclass at E-class.  Makikita mo rin yun." Ahh so di pala magkaparehas yung uniform ng lahat.

"Anong room ka? Parehas tayong sa lowersection pero baka di tayo magkaklase. Sa Lowersection Room A kami. Ikaw?"

"Lowersection Room A rin.So classmates tayo.Buti na lang."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Marami na akong nakikitang estudyante sa paligid.  At lahat magaganda at gwapo. Pero naiilang ako habang naglalakad. Pano eh maraming nakatingin sakin pero di ako sure kung sakin ba talaga. Ang sasama ng titig ng iba at may nagbubulungan pa.  Ano ba kasing meron? Ako ba yung pinagbubulungan nila?

Lumapit ako kila Diah at Tam at nagtanong.

"Bakit tingin sila ng tingin sakin?"

"Di mo sila masisisi kung pag-usapan ka nila. Just don't mind them. Let's hurry up." Sagot ni Diah sakin. Di ko talaga maintindihan. Bakit naman nila ko pag-uusapan?
Napakunot ang noo ko nang may mahagip ang aking pandinig na bulungan.

"Diba siya yung nakabangga ni Envy sa cafeteria at dahilan kung bakit ito nawalan ng malay?"

"Oo sya nga yun. Di ako makapaniwala na napatumba niya si Envy. She looks like a  weakling kasi but ang ganda ng hair niya!"

Oh. Yun pala ang rason kung bakit nila ko pinagtitinginan. Hayss di ko pa rin talaga maalala yung nangyari eh. Pero gusto kong magpasalamat sa compliment niya sa buhok ko haha pero wag na lang. Baka di lang weakling ang matawag nila sakin, baka feeler din.

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.  Ngayon ko lang napansin na iba-iba pala yung uniform na suot ng mga estudyanteng nakikita ko.  May nakita akong kulay gray yung palda at meron ding maroon. May nakita rin akong kagaya ng uniform ko.

Sin Academy [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon