Chapter 3

314 15 4
                                    

Dedicated to pink_neutral 💕💕

[Sheki's POV]

HuhuhuT_T namamawis nako dito. Kinakabahan na talaga ko! Di pako ready eh

"Hey what's with you?" Tanong ni Diah sakin. Buti naman at napansin niya na

"Ah eh kinakabahan ako Diah" sabi ko tsaka kumapit sa braso niya. Bahala nang isipin niyang fc ako eh sa nakakatakot na eh

"Di ka sanay makakita ng mga abilities?" Kunot noo niyang tanong. Umiling naman ako
"Tsk. Bat ba kasi di ka ininform ng mga magulang mo? Nang di ka mukhang tangang nakakapit sakin diyan." Sabi niya at inirapan ako. Huhuhu mukha na ba kong tanga? Bumitaw na lang ako sa pagkakakapit sa kanya at umayos ng lakad.

"Basta wag mong ipahalata na takot ka at di ka sanay. Baka maging target ka ng mga students dito." Sabi niya at tumingin sakin ng diretso. Tumango naman ako and I composed myself. Lumiko kami sa isang pasilyo at bumungad samin ang isang napakalaking double door.

"Nandito na tayo. Get ready." Sabi niya at binuksan na ang pinto. Woohh

Bumungad agad sakin ang maraming estudyante na agad napatingin sa gawi namin o sa akin? I think sakin! Pano ba to? Anong ginawa ko bat ganyan sila makatingin? Yung iba iniirapan ako, may mga tinitingnan ako mula ulo hanggang paa at may ibang nginingisihan ako. Just why?

Di ko namalayan na natuod na pala ako dito sa kinatatayuan ko. Mukha kong timang! Agad naman akong hinila ni Diah dun sa may pila. Marami pa kong nadaanan na mga estudyante na kung makatingin sakin eh nakakakilabot. Buti na lang yung iba di na tumitingin.

"Dun ka na lang muna maghintay. Ako nang pipila. Behave ka dun ah." Sabi niya at itinuro yung bakanteng table sa may glass wall. Tumango naman ako at agad na nagtungo dun.

Tinatapik ko lang yung daliri ko sa table habang naghihintay kay Diah. Di ko na lang rin pinapansin yung mga nakikita kong ginagawa ng mga students. Iba' ibang abilities kasi ang nakikita ko eh. Natatakot pa rin ako pero di ko na pinahalata. Meron pa nga dun sa gilid ng cafeteria na nagsusuntukan. Medyo malayo naman yun dito sa pwesto ko. Malaki kasi tong cafeteria. Nakapagtataka nga na walang umaawat sa kanila. Iniiwas ko nalang ang tingin ko dun. Nakakaawa na kasi eh wala naman akong magawa.
Ay pansin ko may mahabang table na bakante dun sa gitna at all black yung kulay niya. Weird. May pitong upuan dun. Bakit yun lang ang naiiba?

"Oh kain na tayo." Nandito na pala si Diah at inilapag na yung mga pagkain. Ang dami ah! Tatlong rice, sausages, bacons, pancakes at juice. May tinapay rin.

"Ang dami naman yata Diah? Atsaka yung bayad ko nga pala sayo!"

"Darating si Tamara. At libre ko na lang to sayo." Sagot niya at nagsimula ng kumain
"Ahh salamat ah! Ay teka wala nga rin pala akong pambayad hehe" sabi ko at napakamot sa batok. Naalala ko kasi na di pala ako binigyan nila mama ng pera

"Nasa ID mo ang pambili mo. Parang credit card mo rin yan." Sabi niya. Nagulat naman ako at tahimik na nagpasalamat. Nagsimula na rin akong kumain.

"Ahh magkano ba ang laman nito?"
"Depende sa section mo. Sa lowersection 1000Jules lang kada week gaya sakin. Sa average class naman 2000Jules. Upperclass 4000Jules at sa Extreme class naman eh unlimited." Sabi niya. So by section pala dito. Ano kayang section ko? Ayy wait! Unlimited yung sa extreme class? Wow unfair naman. At Jules ba yung pera?

"Jules ba tawag sa pera dito?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Ah matanong ko lang. Bakit naiiba yung table dun sa gitna?" Sabay nguso ko dun sa table sa gitna. Nacurious kasi ako eh

Sin Academy [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon