[Shekainah's POV]
"Oh no! Oh noo!" Waahh! Late na naman ako! Napahaba kasi yung tulog ko ehh! Kainis naman oh! Panibagong sermon na naman siguro to huhu.
Nagtatakbo na ako papuntang potion room. Potion making kasi ang next subject eh. Ewan ko ba sa subject na yan. Ang weird. Nadaanan ko naman na yung potion room noon kaya alam ko na kung saan. Nasa iisang building lang naman kasi eto kasama nung sa room nung history subject ko.
Hinihingal na ko. Takbuhan part 2 na talaga to.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ay agad ko na itong binuksan ng hinihingal. Napalakas yung pagbukas ko kaya napapikit na lang ako sa kahihiyan at kaba. Ayokong sa pagdilat ko ay ang mukha ng galit naming teacher ang makita ko huhu.
Dumilat na ako ng paunti unti at wala namang teacher sa harapan. Hooh baka late yung teacher. Buti naman. Nakahinga na man ako ng maluwag at nagtungo sa isang bakanteng table.
Nakita ko naman si Diah at Tam sa table sa may bandang dulo.
Malawak ang room na to. Kakaiba rin ang itsura. Yung mga walls parang wooden pero semento naman. Yung kulay kasi niya parang kahoy. Walang mga bintana pero di naman mainit. Wala rin akong makitang aircon. Hindi rin kulay puti yung ilaw. Dilaw siya pero nakakakita pa rin naman ng maayos. Di masakit sa mata. Marami ding nga table didto na para lqng sa isang tao. Medyo mahaba yung table. Wala ring upuan. Sa bawat table may mga parang kawa na katamtaman lang ang laki. May mga bote, isang librong parang luma na yung design at kung ano ano pa ang nakapatong sa lamesa. May nakikita pa nga akong mga putol na dila dun sa may bote eh, tapos may mga mata rin tapos mga daliri! Waaah ano ba to? Sa tao ba to? Mga cannibal ba sila?! Iniwas ko na lang yung tingin kobsa mga bagay na yun. Kinikilabutan ako. Itinuon ko na lang yung pansin ko dun sa bote na may bagay na kumikinang sa loob. Ano kaya to? Inilapit ko pa yung mukha ko dun sa bote para makita ko ng maayos.
Halos mapasigaw naman ako ng may biglang may tunog na nabagsak. Pagtingin ko ay may nakatayo na dun sa harapan na medyo may katandaan na babae na may suot na salamin. May nakapatong din na makapal na libro sa lamesa. Siguro yun yung pabagsak na nilagay. Galit lang si maam eh?
"Sorry not sorry for being late! Kung may mga estudyante na walang pakialam na malate, pwes meron ding teachers na gaya ko who doesn't care to be late!" Mataray na sabi nung teacher tsaka sinuyod ng tingin ang buong klase. Mukhang ang terror ng teacher na to ah.
"I'm Ms. Pasencia Demolitia. Your new potion making teacher." Halos matawa ako sa pangalan niya. Buti na lang napigilan ko kaya di halata sa mukha ko. Tsaka masama yung pagtawanan yung iba diba?
Tiningnan ko yung mga kaklase ko. Marami sa kanila ang iniirapan lang si Ms. Pasencia. May nakacross arms rin. Meron ding di nagpapakita ng interes. Mukhang di sila natatakot kay Ms. Pasencia ah. Eh ako nga medyo takot. Terror pa naman yan.
"Okay let's start! You all better pay attention or else I'll send you to detention!" Sigaw niya tsaka naka cross arms na naglalakad sa harap. Bat siya parati nakasigaw?
"I don't care kung first day of class pa lang ngayon at tinatamad kayo! Basta we will make a poison to easily kill your opponent."
Napasinghap ako sa tinuran niya. Poison to kill your opponent? Papatayin? Lalasunin? Jusko.
Nagliwanag naman yung mga mukha ng mga kaklase ko. Inexpect ko na same sila ng reaction ng sakin pero hindi eh. Bat nasasayahan pa sila?
Itinaas ko ang kamay ko.
"Yes rainbow girl?" Nakataas ang kilay niya at nakacross arms pa rin. Ang taray ng dating. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko sa sinabi niya. Di ko na lang yun pinansin
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...