Chapter 6

254 9 2
                                    

Nakapag update na rin sa wakas! Kahit feeling ko wala nang nagbabasa eh continue ko pa rin toh hehe. Sorry for the typos sa mga previous chaps hehe.
——————

[Shekainah's POV]

Uh-oh na talaga dahil lagot na talaga! Sus maryosep! Ang takaw ko naman ata sa gulo?

"I haven't forgave you yet, dear." Malambing ang boses na saad niya.  Psh eeww

Sunod sunod na yung paglunok ka habang nakatalikod pa rin sa kanya. Ano na ko ngayon?!

"Humarap ka nga sakin!"  Napapikit ako sa sigaw niya. Ay teka! Kulelat ba siya? Pano ako makakaharap sa kanya eh di nga makagalaw yung paa ko dahil sa parang baging niya eh.  Psh.

Naglakas loob na kong sumagot. Ayokong ipakita sa kanila na natatakot ako. I won't let them know that they got into me. Hooh! Kaya ko to!
"Pakawalan mo muna yung paa ko para makaharap ako sayo." Mahina kong sabi sa kanya. Nakarinig naman ako ng mga pagsinghap. Marami na pala kaming audience.

Pinakawalan naman niya yung paa ko kaya humarap na ko sa kanya.  Ang talim ng titig niya sakin. Yung mga kasama naman niya ay nakatingin rin sakin habang kumakain na parang wala lang. Para lang nanonood ng sine.  Mga walang pakialam.

"Ang galing mo yata sumagot?!" Sarkastikong tugon niya at nag cross arms.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo? Ayaw ko ng gulo." Mahinahon kung sabi.  Sa totoo lang eh nagpapanic na talaga ko sa kaloob-looban ko. Baka lumabas na yung puso ko.  Sanay na man na akong binubully eh pero iba to! May mga abilities sila! Tapos ako? Waley.  Edi kawawa ako pag nagkataon.

Nagsmirk naman siya.
"Ikaw ang kailangan ko. I will make you suffer." Mariin niyang sabi at humakbang patungo sakin. Di pa rin nawawala ang tingin niya sakin. Bawat hakbang niya papalapit ay paatras naman ako.

Anong gagawin niya? At anong gagawin ko? Kailangan kong makatakas!

Aish bahala na si catman! Este batman!

"S-sandali! T-tae ba yang nasa paa mo?" Sabay turo ko sa paa niya. Yumuko naman siya para tingnan ito kaya...

"TAKBOOO!"  Sigaw ko sa sarili ko at dali-daling tumakbo papalabas ng cafeteria.  Wala na kong pakialam kung muka akong tanga kanina sa pagsigaw ko. Basta ang importante eh makalayo ako! Importante ang buhay ko noh! Di ko nga alam kung anong pwede niyang gawin sakin eh. All I need to do now is to flee!

Patuloy lang ako sa pagtakbo ko nang hindi lumilingon.

Takbo.

Liko.

Diretso.

Liko na naman.

Diretso ulit.

Hinto.

"*hah!* d-di ko *hah!* na kaya! *hah! *"

Hingal na hingal na ako. Napaupo ako dahil sa sobrang pagod. Mabilis pa naman akong hingalin kaya ngayon, para na kong nag-aagaw buhay.

Hayy pero okay na rin yung parang kaysa mag-agaw buhay na talaga ako.

Nang makabawi na ako ng hininga ng ay unti-unti na kong tumayo. Agad naman akong napahawak sa tuhod ko. Nanghihina pa rin yung tuhod ko eh. Pinilit ko pa ring makatayo ng maayos at nagtagumpay naman ako. Inilibot ko ang paningin ko at napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Hindi ko alam ang lugar na to! Napakalawak na damuhan ang nakikita ko at ang layo na nung mga buildings. Di ko nga alam kung saan ang daan pabalik. Kinakabahan na tuloy ako.

Sin Academy [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon