[Shekainah's POV]
"You rainbow girl! Ikaw naman ang sumubok! Bilis!"
Uh-oh. Hin-hindi maaari!
Ayoko!"N-no. I can't miss." Matapang kong tanggi. Hindi ako makakapayag na magkaroon ng bahid ng kasalanan ang pagkatao ko. Naalala ko rin yung bilin sakin ni mama na huwag ako padadala sa mga tao rito.
"And what do you mean that you can't?! Sinusuway mo ba ko?!" Galit na sigaw niya. Wala na akong pakialam sa galit niya dahil alam kong hindi tama ang ginagawa niya. I can't let her manipilate and control me.
"I'm sorry miss but I am not a killer. I won't kill. It is a sin miss." Mahinahon kong sabi. Walang mangyayari kung hindi ko aayusin ang pagsagot ko.
Humalakhak siya.
"It is a sin? Wahahaha! Ang kasalanan ang patuloy na bumubuhay sa academy my dear rainbow girl." Sabi niya tsaka naglakad papunta sakin at hinawakan ang ilang hibla ng buhok ko. Aaminin ko . Kinilabutan ako sa sinabi niya.
Kung ganon ngang ang mg kasalanan ang bumubuhay sa academy, pwes kailangan puksain ang mga kasalanan dito.
Hindi na ako sumagot.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Nagbabakasakaling may maglalakas loob na tumulong.
Ngunit bigo ako. May lakas ng loob man sila ay wala pa ring kwenta. Hindi sapat na lakas ng loob lang ang meron. Kundi kabutihan. Goodness and willingness to help. Ito ang nagbibigay ng lakas ng loob.Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang buhok ko ng mahigpit tsaka hinila. Napatingala naman ako sa pagkakahila niya.
"Hindi mo ba talaga ko susundin bata ka?! Ha?! Don't make yourself suffer!" Galit na galit na sabi niya. Namumula na rin ang mukha niya sa galit. Sa kabila ng sinabi at ginawa niya ay hindi pa rin ako bibigay.
"Hi-hindi ako papatay!" Medyo hirap na sabi ko. Masakit na ang anit ko dahil sa sabunot niya.
Hindi ko akalain na ito ang sasapitin ko rito.
But I know that being good means being hurt.
Tinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako. Umuusok na ang ilong niya at itinaas niya yung hawak niyang stick. Bigla naman itong umilaw. Anong gagawin niya sakin?
May naisip ako.
Dali dali akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas. Napalingon naman ako dahil sa narinig ko. Munti na akong tamaan ni miss ng ewan kung ano yun basta galing yun sa stick niya. Mukhang ginamitan niya ako ng ability niya.
Nagtatakbo pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi lang si Miss Pasencia ang gusto kong takbuhan at takasan. Kundi pati na rin ang makasalanang mundong ito.
Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako dito napunta? Hindi ko kayang sikmurain ang mga nakikita at natutuklasan ko dito. Pangalawang araw ko pa nga lang dito eh. Pano pa kaya sa mga susunod na araw?
Napatigil ako ng takbo at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Miss Pasencia na nakatayo sa harap ko. Pano siya napunta diyan?
"To the headmistress' office now!" Galit niyang sigaw. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa paglalakad. Pinapanatili ko ang ilang pulgadang distansya ko sa kanya.
Ano na kayang mangyayari sakin nito?
Diyos ko po. Ikaw na pong bahala sakin.
Nakarating na kami sa harap ng office at agad na pumasok si Miss Pasencia. Nanginginig naman akong sumunod sa kanya papasok.
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...