Dedicated to daidaii27 and kenaisa21----
ENVY
"A heart at peace gives life to the body, but envy rots the bones."
-Proverbs 14: 30[Shekainah's POV]
Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Pagdilat ko ay isang puting kisame ang bumungad sakin. Bumangon ako at umupo sa kinahihigaan ko ay tiningnan ang paligid. Puros puti yung dingding at walang ibang gamit kundi upuan lang at mga higaan. Sakto namang bumukas yung pinto at pumasok si Diah at si Tamara.
"Hey how are you?" Tanong ni Tamara at lumapit sila sakin
"I'm fine. Asan ako at bakit akk nandito?" Takang tanong ko sa kanila
"Nasa clinic ka at nahimatay ka kanina remember?" Si Diah
"Huh? Nahimatay ako? Bakit? Pano?" Hysterical kong tanong. Eh sa hindi ko alam na nahimatay ako eh.
"You don't remember?" Si Diah ulit
"Bakit? Ano bang dapat ko kasing maalala?" Tanong ko. Di naman kasi ako agad diretsuhin eh
"Hinimatay ka kanina sa cafeteria matapos yung nangyari sa inyo ni Envy." Si Tamara. Hala? Sinong Envy? At anong pangalan yun? Envy?
"Sinong Envy? At ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ko. Naguguluhan na talaga ako
"Si Envy o Azucena Mortel yung nakaaway mo kanina. Envy ang tawag sa kanya dito dahil isa siya sa 7DS." Si Diah.
"S-sigurado ka? Di ka nagbibiro?" Paninigurado ko"Sa tingin mo marunong akong magbiro?" Si Diah sabay irap sakin. Napatakip naman ako sa bibig ko at napasinghap
May nakaaway ako? Waah sabi pa naman ni mama na magpakabait ako tapos first day ko pa nga dito may nakaaway na ako agad?! Tapos sa 7DS pa talaga? Ang malas ko naman ata? Wala naman akong balat sa pwet. Sa likod oo pero sa pwet wala noh.
"Hala! Ah teka! Bakit Envy tawag sa kanya? At pakiexplain naman yung 7DS oh?" Sabi ko at hinawakan yung braso niya
"Sa dorm nalang. Mahirap na baka may makarinig satin dito." Si Tamara. Tumango naman ako at inaya na nila akong lumabas total pwede naman na daw.
Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa dorm namin kaya nagtingin-tingin muna ako sa paligid. Maganda talaga yung school. Maaliwalas tingnan at maganda yung struvtures ng mga building. May nadaanan din kaming fountain sa gitna ng field at mga statue. Di ko lang alam kung among statue yun. Maganda rin ang atmosphere dito. Hindi mainit at hindi rin masyadong malamig. Pero nandito pa rin talaga yung mabigat na pakiramdam ko. Di pa rin nawawala pero di naman na ako masyadong naaapektuhan. Hanggang ngayon medyo di pa rin natatanggap ng buo ng sistema ko na nandito talaga ko at super dami ko pang mga katanungan tungkol sa academy na to.
Nakarating na kami sa harap ng pinto namin. Nag swipe naman si Diah ng ID niya dun sa pinto. Ngayon ko lang yun napansin ah. Pagbukas ay pumasok na kaming tatlo. Dumiretso naman sila sa sala at umupo dun kaya umupo na rin ako. Magkatabi sila sa isang sofa at ako naman sa isang sofa na kaharap nila.
"So ano na?" Basag ko sa katahimikan. Kating kati na kong maliwanagan eh
"Okay. Ang 7DS ay binubuo ng pitong tao. Limang lalaki at dalawang babae." Si Diah at huminto muna.
"7DS o 7 Deadly Sin. Familiar ka naman siguro dun diba? Yung pitong kasalanan?" Patuloy niya. Tumango naman ako. Siniko naman niya si Tamara at sinenyasan na siya naman ang magsalita
"So yun nga. Wrath, sloth, lust, pride, envy, gluttony, and greed. Yan ang pitong mortal na kasalanan na kinakatawanan at isinasabuhay ng 7DS. Yan din ang tawag sa kanila. Hindi sila tinatawag sa totoo nilang pangalan." Patuloy lang ako sa pakikinig sa sinasabi ni Tamara at napapatango
"Nasabi ko na nga sayo kanina sa cafeteria na sila ang pinakamakapangyarihan dito at kinakatakutan." Patuloy niya
"Sino-sino ba yan sila at bakit nabuo ang grupo na yan?" Kunot noo kong tanong at umayos ng upo
BINABASA MO ANG
Sin Academy [ON HOLD]
FantasyKAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na m...