Habang tinitipa ang unang yugto ng istoryang ginagawa ko ay muli akong humigop ng kape. Samantala, isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kailangan ko agad matapos ito. Kailangan dahil para sa kanya 'to. I'm just wondering right now, kailan kaya niya ko maaalala?Zach POV.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa ng sala namin ng makita ang dalawa kong kaibigan.
"Tsk. I have a problem." saad ko pagkarating na pagkarating ng mga kaibigan ko dito sa bahay. Well, dito kasi ang tambayan namin.
"Haha. Bakit, ano ba yun?" tanong ni Sean sa akin sabay upo sa sofa. Pagkatapos, kinuha niya yung pillow at saka nilagay sa lap niya.
"I need a girlfriend." mabilis na tugon ko sa kanya. Napatayo silang dalawa dahil sa sinabi ko. Nakakagulat ba yun? Tss.
"What?! Are you sleepy or drunk, bro? Haha." pagbibiro pa ni Sean sa sinabi ko.
"You are crazy. Girls are nothing, but a headache to us." masungit na saad naman ni Zeus.
"No, I'm not. But I badly need a girlfriend." sagot ko sa kanila.
Sabay silang lumingon sa direksyon ko at seryoso akong tinitigan. "For real? Teka... Teka. Tiyak na may dahilan yan. Bakit naman?" 'di makapaniwalang sambit ni Sean.
"Well, yeah. Nagkasakit ang lolo ko and he ask me if I already have a girl in my life. You know? Sabi niya pa sa'kin, bago man lang sana siya mawala ay makita man lang sana niya ang babaeng makakasama ko. Kaya I said 'Yes' kahit wala naman talaga. Ilang araw na ang lumipas, pero wala pa akong napapakitang babae sa kanya. Med'yo nakakahalata na nga yata si lolo dahil wala naman akong dinadalang babae sa tuwing dadalaw ako sa kanya." paliwanag ko sa kanila.
Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang gawain kanina. "Oh? Then, why not dating or pick in one of the girls na nahuhumaling sa'yo?" suhestiyon ni Zeus sa akin.
"Are you crazy, Zeus? I'm not going to do that. Lalo na at alam kong they likes me. One more thing, I need a fake girlfriend and not a real one." nandidiri ang tono na tugon ko naman sa kanya.
"Then, why not posting in social media that you need a girlfriend? A girlfriend that will not going to love you?" nakapalumbabang suhestiyon naman ni Sean.
Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. "Stop joking, Sean. You know what will going to happen if I do that. Tss." saad ko.
"Haha. I'm just trying to help you, Zach." tumatawang tugon ni Sean at nagpeace sign pa. Baliw na talaga ang isang 'to!
"Hmm... that's really a big problem." pahayag ni Zeus habang patuloy pa din sa pagbabasa ng kung anong libro.
"Teka... Hey, Zach! Bring us some food para may makain naman tayo." pag-iiba ng topic ni Sean. Tsk! Patay gutom talaga ang isang 'to!
"Tss. Patay-gutom ka talaga, Sean. Ubos na yata ang stock ng pagkain dito dahil sa kakakain mo." sagot ko sa kanya.
"I'm not the only one who eat your foods. You two eat the foods too." nakangusong katwiran niya sa sinabi ko.
"Ano? Bibili kaba, Zach?" tanong ni Zeus.
"Oo. Para may makain naman tayo. Maiwan ko na muna kayo ni Sean dito." sagot ko sa kanya.
Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa may lamesa. Pagkatapos ay lumabas na ko ng bahay para bumili ng pagkain.
Hi. Ako nga pala si Kent Zachary Fontanilla. Yung dalawa kong kausap kanina ay sina Sean Lance Wyddor at Aine Zeus Valdez. Forth year high school na kaming tatlo ngayong pasukan. They are both my friends since when I was a child. Sean is a jolly type and a good boy I think. Haha. He also eats a lot. But, Zeus is a serious type. He only cares about his books and books only. Tss.
Kilala din kami sa school na pinapasukan namin because in our looks. Ang babaw talaga nila. Tss. By the way, habang papunta ako sa mini store ay naisipan kong umakyat sa puno at mahiga muna sa mga sanga nito.
Ito ang hobby ko. Ang matulog. Haha. Yun na nga. Umakyat na nga ako sa puno at humiga sa sanga. Bahala sila na maghintay sa bahay. Haha. Subalit, biglang humangin ng malakas. Kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa sanga ng wala sa oras. Takte! Malalaglag pa yata ako. Karma ko yata ito dahil pinaghihintay ko yung mga kaibigan ko sa bahay. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang napakawalan ko dahil sa naisip.
Nagpasya akong bumaba nalang dahil nararamdaman ko talaga na malalaglag ako sa sobrang lakas ng hangin. Dahan-dahan akong bumaba sa puno hanggang sa nagkamali ako ng naapakan na sanga.
"Waah!" sigaw ko habang napapikit nalang dahil alam kong una mukha ang pagbagsak ko. Wala na! Mababangasan na ang guwapo kong mukha!
Napadilat ako ng maramdamang malambot yata ang binagsakan ko. Agad nanlaki ang aking mata at hindi agad nakapagsalita dahil sa nakita.
Waah! Babae! Babae ang nabagsakan ko! And worst, nagkadikit ang mga labi namin. Hindi pa din ako makagalaw dahil sa gulat, pero yung babae. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nakatitig lang siya sa akin at wala man lang reaksyon at expression ang mukha niya.
Nang maalala kong nasa akward position pala kami ngayon, agad akong tumayo at pinagpag ang nadumihan kong damit. Ganon din ang ginawa ng babae. Tinanggal niya yung headset sa dalawa niyang tenga, pagkatapos ay pinulot niya yung librong nalaglag niya kanina sa lupa dahil sa pagbagsak ko.
Walang expression siyang nagpalipat-lipat ng tingin doon sa taas ng punong binagsakan ko at sa akin. One word to describe her. Weird.
"A... miss. I'm sorry. Hindi ko talaga ginusto yung nangyari kanina. Pasensiya kana talaga." hinging-paumanhin ko sa kanya.
"Okay." mahinang pagsang-ayon niya at saka ako iniwan mag-isa na hindi pa din makapaniwala sa nangyari kanina.
Med'yo mataas ang pinagbagsakan ko. Tiyak na nasaktan at nasugatan siya sa nangyari kanina. Tsk! Baliw ka kasi Zach e! Kailangan mo ngayong hanapin yung babae at makahingi ng tawad ulit. Isang malalim na buntong hininga ulit ang napakawalan ko dahil sa nangyari.
Naglakad nalang akong muli para bumili ng pagkain sa mini store. Tutal yun naman talaga ang dahilan kung bakit lumabas ako ng bahay at kung bakit nangyari ang bagay na 'to. Pagkatapos makabili ay dumiretso na kong umuwi. Pumasok ako ng bahay na nakasimangot ang mukha.
"Bakit ang tagal mo namang bumili ng pagkain?" bungad sa akin ni Sean at saka umupo mula sa pagkakahiga sa sofa.
"Bakit nakabusangot yata yang mukha mo?" tanong naman ni Zeus sa akin ng mapansin ang pagdating ko. Partida, nagbabasa siya ng libro niyan ha?
Inilapag ko muna sa lamesa ang dala kong pagkain. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa at nilingon sila.
"Nalaglag ako sa puno." saad ko. Wala pang isang segundo ay humagalpak na sila ng tawa. Kaibigan ko ba talaga sila? Tsk!
"Hahaha. So, ano? Marami bang nakakita kaya nakasimangot ka? Bakit wala ka yatang sugat?" tumatawa pang tanong ni Sean.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, Zach. Tigil-tigilan mo na ang pag-akyat sa puno. Hahaha." tumatawang sambit naman ni Zeus.
"Hindi naman yun ang ikinasimangot ko e. Kasi... nalaglag ako sa ibabaw mismo ng babae. Pagkatapos nagkadikit pa yung... yung mga labi namin." nahihiyang kuwento ko sa kanila.
"What?!" magkasabay na saad ng dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/147691436-288-k950210.jpg)
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Teen FictionI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .