Pilit akong ngumiti sa kanya habang nagkukuwento siya tungkol sa nagugustuhan niyang babae ngayon.
"So, paano mo ba siya nagustuhan?" tanong ko.
Tumawa siya sa akin at saka siya muling nagwika. "Mahirap kasi ipaliwanag e. Basta. Nagising nalang ako isang araw na may gusto na ko sa kanya. Cute niya kasi at ang ganda pa. Haha." saad niya.
Tumango-tango ako sa kanya. "Naligawan mo na?" muli kong tanong sa kanya.
Umiwas muna siya ng tingin at saka muling sinagot ang tanong ko. "Binibigyan ko na siya ng mga love letters. Hehe. Kaya lang, hindi pa ko nakakaamin at nakakaligaw sa kanya ng harapan." sagot niya.
"Torpe mo pala. Hahaha." tumatawang asar ko sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagsusulat.
Pagkalaan ng ilang minuto ay bigla akong natahimik at napasimangot. Alam kong hindi niya nahalata yun dahil hindi na naman din siya nakatingin sa akin. Ang suwerte naman ng babaeng nagugustuhan niya. Ako kaya, kailan kaya niya maaalala ang pangako niya sa akin noon?
Zach POV.
Ilang buwan na muli ang nakakalipas simula ng mangyari ang araw na yun. Bumalik sa ordinaryo at normal ang takbo ng pamumuhay ko. Siyempre, sinabi ko na din sa dalawa ang nangyari sa amin ni Melody at no comment lang sila sa akin.
Paminsan-minsan ay sumasama ako sa lakad ng dalawa kong kaibigan. Minsan naman ay nasa bahay lang ako, balik sa dati kong hobby. Ang matulog. Haha. Pero, madalas... madalas kong itinatanggi sa puso ko na wala na kong gusto sa kanya. Na walang napadaan na babae sa buhay ko. Na wala akong nakilalang Melody.
Everything is really fine now. I really do everything para malibang at hindi ko siya maisip. I know It's my fault, but this is all I can do to forget her. Para mawala na siya ng tuluyan sa buhay ko.
"Zach, Nood tayo sine sa linggo. Hihi." pag-yaya sa akin ni Sean. Aba! Mukhang hindi yata tungkol sa pagkain ang bukang bibig niya ngayon? Hmm...
"Ikaw, Zeus? Sasama ka ba?" tanong ko sabay baling ng tingin kay Zeus. Tumango lang siya sa akin bilang tugon. Busy kasi siya ngayon magbasa ng libro kaya pagbigyan niyo na. Haha.
"Sasama nalang din siguro ako. Pero, anong mayroon at nagyaya kang manood ng sine ngayon, Sean?" pagpayag at nagtataka kong tanong sabay tingin naman kay Sean.
"Hihi. Basta. Sasabihin ko nalang sa sunday." nakangiti naman niyang tugon sa akin. Tsk! Pasuspense pa ang isang 'to. Nakakalimutan niya yata ang genre ng story na ito.
"Well, mukhang may binabalak ka na naman, Sean. Haha." tumatawang tugon ni Zeus dito.
Hanep din ang isang ito e. Paano kaya niya napagsasabay ang pakikinig sa amin at pagbabasa ng libro? Well, well... huwag na natin pag-usapan ang tungkol sa libro. Haha. May bad memories ako d'yan e. Haha.
"Yeah. You're right, Zeus. Smell something fishy here." tugon ko naman sa dalawa.
Oo nga pala, bago ang lahat at hindi huli. Recess nga pala namin ngayon and as usual, nasa rooftop pa din kaming tatlo. Surprise? Hindi ko naman kasi kailangang baguhin ang pamumuhay ko at iwasan ang nakaugalian ko para lang makalimot, hindi ba? Sabi nga ng ilan, moving on doesn't mean that you need to forget about things. It means that you need to accept what was happened and continue living. Okay, nagiging corny na ko.
Pero totoo naman kasi yun, hindi ba? Hindi ka makaka move forward hangga't hindi mo inaaccept ang katotohanan. Hangga't nakakulong ka sa nakaraan, hinding-hindi ka mabubuhay sa kasalukuyan. Kaya ngayon ay nagpapasalamat din ako kay Melody dahil tinuro niya sa akin ang bagay na ito. Pero, back to reality na tayo. Haha. Natigilan kaming tatlong magkakaibigan ng may marinig kaming yabag paakyat sa rooftop. Nagkatinginan pa kaming tatlo dahil sa narinig.
"Bro, pareho kaya tayo ng iniisip ngayon?" tanong pa ni Sean.
Tinitigan muna namin siya ng ilang sandali at maya-maya ay nagpipigil na kami ng tawa ni Zeus.
"Hindi, Sean. You wanna know why? Wala ka kasing isip. Pfft." pang-aasar na tugon dito ni Zeus.
Lalo akong nagpigil ng tawa dahil sa sinabi ni Zeus. Habang si Sean naman ay napanguso nalang dahil sa pang-aasar namin sa kanya. Haha. Ngunit tuluyan na kaming natigilan at natahimik ng bumungad na sa aming harapan ang taong naririnig namin ang yabag kanina pa.
"Mr. Fontanilla..." saad niya. Yes. Si Melody nga ngayon ang nasa harap naming tatlo.
"A, yes?" tanong ko sa kanya at nagkunwari na tila walang nangyari dati.
"Ma'am is calling us. She said that she need something." pahayag niya. Hanggang ngayon ay wala pa ding pinagbago ang expression ng mukha niya. Parang no one nga lang talaga ko sa kanya. Haha.
"Oh? I see. A, Sean and Zeus. Dito na muna ako." paalam ko sa dalawa sabay baling sa kanilang direksyon.
Nanliit na naman ang dalawang mata ko ng makitang nagpipigil na naman sila ng tawa. Tsk! Lagot kayo sa akin mamaya. Makikita niyo! Tsk! Sumabay na ko kay Melody pababa ng rooftop. Habang naglalakad ay hindi kami nag-uusap. Medyo malayo din ang distansya naming dalawa.
"A, ms. Canister. Do you know where is ma'am Sevilla?" tanong ko para mawala ang akward feeling sa pagitan namin. Mabilis naman siyang sumagot sa akin.
"Yeah and that's why she ask me to call you." sagot niya.
Oo nga naman. Baliw ka talaga, Zach! Magtatanong ka na nga lang 'tapos yung obvious pa ang sagot. Maya-maya ay huminto kami sa principal's office. Hala? Bakit kami nandito?
"A, principal's office 'to, hindi ba? Why are we here?" tanong ko sabay turo sa pangalan ng office na nakalagay sa bandang itaas ng pinto.
"Yeah, so? Nandyan si ma'am. Let's go." walang gana niyang sagot sa akin. Nauna na siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako sa kanya. Nanliit ang mata naming dalawa ng madatnan namin si ma'am na nagm-model sa harap ng malaking salamin. Napatingin siya sa direksyon namin at tumawa ng malakas. Tsk! Nababaliw na naman si ma'am.
"Pinapatawag mo daw po kami?" tanong ko nalang sa kanya. Wala ng greetings. Tutal parang wala naman sa sarili ngayon si ma'am. Tsk!
"Yes, mr. Kent Zachary Fontanilla. Maupo muna kayong dalawa. Hihi." tugon niya.
"No need. I'm in a hurry right now. So, what's the point of getting a call here from you?" sagot ni Melody dito. Tsk! Wala talaga siyang galang kay ma'am. Si ma'am din naman kasi e, isip-bata. Tsk!
"You are really cold to me, ms. Melody Scarlet Canister. Well, I did called you here because I have a favor to ask. Hihi. Can you check this test paper for me? Kayo kasi ang nakakuha ng pinaka mataas na marka. So, yun. Hehe." pahayag ni ma'am Sevilla.
"Oh? Yun lang- ha?" gulat at kunot noo kong napatanong kay ma'am.
Anak ng tinapa, tokwa't baboy naman e. Hindi niya ba alam na ginawa ko ang lahat para makalimutan si Melody at pagkatapos ay ito? Pagsasamahin niya kami sa isang iglap lang? Oh, come on na may kasamang mamon. Tsk!

BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Fiksi RemajaI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .