Nakikinig ako ngayon sa anime theme song music na pinaparinig sa akin ng seatmate ko. Recess namin ngayon at hindi siya nagrecess katulad ko. Well, hindi naman kasi uso recess sa akin e. Kaya naman nakaupo lang kaming pareho ngayon sa aming upuan at nag-uusap tungkol sa anime. Haha.
Katulad nga ng sabi ko kanina, may pinaparinig siya sa aking kanta at masasabi kong maganda naman talaga ito. Napapakanta na nga ako e dahil may lyrics din naman kasi ito sa baba.
"Korre tte, kazze tte. Watashi yori jiyou kana... tsubasa gani nara hashi tekuwa ekitai tokoro made dekiru yone... Going, going, going, going on!" kanta ko. Maganda boses ko kaya hindi ako nahihiyang kumanta sa kanya. Haha. Tumatawa nga lang siya sa akin at napapakanta na din.
"Ganda naman pala ng boses mo e." nakangiti kong papuri sa kanya ng marinig ko siyang kumanta. Ngumiti lamang siya sa akin bilang tugon.
Habang nag-uusap kami, hindi ko mawari kung bakit hindi ko siya matitigan sa mata. Natatakot kaya ko na baka mabasa niya at malaman ang tunay na sinasabi ng isip at tinitibok ng puso ko?
Zach POV.
Kasalukuyan akong nagpapaturo ngayon kung paano ang paggawa ng chocolate sa aking mommy sa kabilang linya.
"Mom, 'Tapos ano ng susunod na gagawin ko?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hmm... Sandali nga lang, anak. Bakit ba desidido kang makagawa ng chocolate ngayon ha? Ang alam ko ay hindi ka naman mahilig diyan at isa pa, hindi ka din naman mahilig magluto. Malayo pa din naman ang valentines day para bigyan mo ko. Hindi ko din naman birthday para gumawa ka niyan at mas lalong malayo pa ang mother's day. Hindi kaya..." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni mommy sa kabilang linya. Dapat kasi sa iba nalang ako nagpaturo gumawa ng chocolate e. Ang dami pang sinasabi ni mommy bago sabihin kung anong susunod kong gagawin pagkatapos ng isang steps. Tsk!
"Mom, tuturuan mo po ba ko o hindi na? Ibababa ko na po ito..." bored na tugon ko sa kabilang linya.
Kung iniisip niyo na puwede akong matulungan ng dalawa kong kaibigan, diyan kayo nagkakamali. Dahil kagaya ko, wala ding alam ang mga yun pagdating sa pagluluto. Lalo na si Sean. He eats a lot, but he really doesn't know how to cook. Kung bakit naman desidido talaga akong gumawa ng chocolate ngayon, balak ko kasing bigyan ng chocolate si Melody. I know she rejected my flower and chocolates that I gave to her before, but I think she will appreciate more when I am the one who will make the food for her. Like she did before, right? So, that's why I decided to make a chocolates for her.
"I'm sorry, dear. I'm just wondering here, you know? Hihi." saad pa ni mom sa kabilang linya.
Muli nalang ako napabuntong hininga sa kabilang linya. Subalit, hindi ko talaga sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit gumagawa ako ng chocolate ngayon. After a few minutes of nonsense talking with her, sinabi niya na din sa akin kung anong susunod kong gagawin.
Then, after a couple of hour ay natapos na din ako sa paggawa ng chocolate. This time, tumikim muna ako dito para masiguro ko kung masarap ba ang pagkakagawa ko. Baka kasi maulit na naman ang nangyari noong nakaraang araw. Its taste good naman kaya nakapante na ko. Dati kasi nang magluto ako, hindi ako nagpatulong sa kahit kanino. Kaya naman pangit talaga ang kinalabasan niya.
Oo nga pala, half day lang kami ngayon at pang hapon lang kami dahil may meeting na naman ang mga teachers. Kaya naman nagkaroon ako pa ko ng mas mahabang oras para gumawa ng chocolate. Back to reality. Habang pinapalamig sa ref ang ginawa kong chocolate, nag-ayos na din ako at naghanda na para pumasok. Pagkatapos mag-ayos ay agad na kong umalis ng bahay dala ang chocolate na ginawa ko para pumunta na sa apartment na tinitirhan ni Melody.
I knock three times already bago tuluyang buksan ni Melody ang pinto ng apartment niya. Lumabas siya ng hindi pa din naka uniform.
"Oh? You're early today." bati niya sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Siguradong mal-late na naman kami nito.
"Really? I think, in thirty minutes ay late na tayo." tugon ko sa kanya.
Nagbuntong hininga siya at saka muling nagwika. "Wait me here." pahayag niya.
Pagkatapos ay muli niyang sinirado ang pinto ng apartment na tinitirhan niya. Tsk! Nakakangalay kayang tumayo dito sa labas ng apartment ng ilang minuto.
After twenty-five minutes ay lumabas na din sa wakas si Melody and without looking at my direction ay agad niyang sinirado ang pinto ng kanyang apartment.
"Let's go." yaya ko ng matapos niyang ilock ang pinto.
Nauna na siyang naglakad sa akin pababa ng apartment habang ako ay sumunod na din sa kanya. Mukhang hindi yata niya napansin ang dala kong chocolate, kaya siguro ay sa recess ko nalang ito ibibigay sa kanya. Baka kakakain niya lang din kasi e.
Pagkadating namin sa campus ay wala pa ding sawa ang pagtingin sa amin ng mga ka-schoolmate namin ni Melody sa amin. Tsk! Hindi na ba talaga sila maka move on na may kasama akong babae at kasabay pumasok? Pero katulad pa din ng dati, wala pa ding pakialam si Melody sa paligid niya.
••••
Ito na ang oras na hinihintay ko kanina pa. Recess na namin ngayon at katulad ng dati, dito kami nakaupo sa rooftop. Medyo kabado nga ko kasi baka hindi niya ito tanggapin at nadala na siya sa pagkaing binigay ko sa kanya dati. Muli na naman akong napabuntong hininga ng malalim. Why do I feel this way? I hate this feeling, but I at the same time I can't bear with it.
"Zach, marami kang baon ngayon? Penge ako. Hihi." sambit ni Sean.
"Didn't you bring your own?" tanong naman ni Zeus dito. Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ng dalawa at nagkunwari nalang na hindi ko sila naririnig.
"A, Melody..." tawag ko. Lumingon si Melody sa akin habang kinakain ang dala niyang baon.
"What? I'm eating right now." tugon niya.
Napakamot ako sa batok ko at nahihiyang nagwika. "A, sige. Kumain kana muna. Hehe." sagot ko.
Tumango siya at pinagpatuloy ang pagkain. Bumuntong hininga nalang ako at nagsimula na ding kumain. Habang tumatagal ay parang mas lalo lang akong kinakabahan.
Nang matapos na siyang kumain ay agad ko ng nilabas ang chocolate na ginawa ko at inabot sa kanya.
"A, Melody... Here. Chocolate. Ako ang gumawa niyan para sa'yo." saad ko sabay abot sa kanya ng chocolate. Napansin kong bahagyang nagulat ang dalawang kaibigan ko, pero binalewala ko na lamang sila.
"Oh? Didn't I told you before? I'm not the kind of girl like you think." wika niya.
Ngumiti ako at muling nagwika. "Yeah, I know. But I thought-"
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niyang kuhanin sa akin ang chocolate at kinain ito.
"Tss. You really wants me to eat this, right?" You really wants me to get fat." saad niya habang patuloy pa din sa pagkain ng chocolate.
Ngumiti nalang ulit ako sa kanya bilang tugon. Right now, I wonder... I wonder kung tama pa ba ang ginagawa ko... Ang ginagawa ko ngayon. Kung Tama pa bang ipagpatuloy ko pa ang bagay na ito? O kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko?

BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Teen FictionI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .