Ito na ang huling araw na makikita ko siya, pero maghahapon na ay hindi pa din kami nag-uusap. Napabuntong hininga tuloy ako ng malalim. Ang laki kong tanga dahil batid ko na hanggang ngayon ay umaasa pa din ako sa kanya. Alam ko naman na wala siyang gusto sa akin. Matagal ko ng alam. Pero, wala e. Ayaw makinig ng puso ko.
Sa mga pinapakita niya at kinikilos sa harapan ko, sa akin... alam ko na. Alam ko na wala talaga akong halaga sa kanya. Na 'di hamak na seatmate niya lang ako, kaklase, ka-schoolmate at kakilala. Yun lang ako sa kanya. Natitiis niya nga kong hindi kausapin e. Kung minsan nga ay dedma pa ko.
Kaya lang, sadyang manhid ang puso ko. Napaka martyr ng utak ko. Ganunpaman, masaya pa din ako para sa kanya. Kasi alam at batid ko na masaya at kuntento siya ngayon sa kung anong mayroon siya. Hanggang ngayon nga ay nagtatalo pa din ang isip ko. Sasabihin ko kaya ang tungkol sa amin noon? O huwag nalang kasi wala na din naman halaga yun?
Melody's POV.
Nandito kami ngayon malapit sa convienence store na binilhan ko kanina kung saan ko naman nakita ang lalaking yun na may kasamang babae. Tss.
"Ms. Melody, sigurado ka ba na dito mo nga sila nakita?" tanong na naman sa akin ni Sean.
Tss. Ilang beses ba silang magpapaulit-ulit ng tanong? Hindi ba obvious? Dadalhin ko ba sila dito kung hindi ko nakita ang lalaking yun dito? Tss.
"Wala na sila dito ngayon." saad ko nalang at hindi na sinagot ang tanong ni Sean na obvious naman ang sagot.
"Maybe, it's much better kung maghihiwalay nalang tayo. Para mas madali natin silang mahanap." Suhestiyon naman ni Zeus. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya at nauna ng naglakad para hanapin ang lalaking yun.
Tss. Sa panahon ngayon, dapat nasa bahay lang ako at nagbabasa ng libro. Pero ito ako ngayon, nagpapaka pagod para lang hanapin ang lalaking yun. Kung wala lang talaga kong gusto sa kanya, kung hindi niya lang binuksan ang puso ko... Tss. Whatever.
Zach POV.
Muli kong tinanong si Joan tungkol sa bagay na pinag-uusapan namin kanina pa.
"Hey, Joan. Sure ka ba talaga sa sinabi mo kanina?" tanong ko na naman sa kanya. Naniniguro lang ako dahil malay ko ba na nagloloko lang pala siya. Haha.
"Yes, Kent. Let's just pretend. Malay natin, baka makalimutan na natin ang mga taong walang ibang ginawa kundi saktan lang tayo." sagot naman sa akin ni Joan. Napaisip ako sa sinabi niya. So, babalik na naman ba ko sa kunwaring relasyon?
"A, don't you think it's a bad idea? I mean, you know? Parang gagawin nating panakip-butas ang isa't-isa para maka move-on lang?" tugon ko sa kanya.
Ngayon ay napa-isip din siya sa sinabi ko at saka muling nagwika. "Mabait ka talagang tao, Kent. I wonder why the girl you love can't love you back." malungkot niyang wika. Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Sa totoo niyan, hindi ko din alam kung bakit.
"So, Kent... Instead offering you a fake relationship. Then, can you be my boy nalang?" seryosong saad niya.
Nabigla at napatingin ako kay Joan dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya para alamin kung nagloloko lang ba siya, pero seryoso ang mga mata niya na naka titig din sa akin.
"I... I'm sorry, Joan. Even if I'll become your boy, ganon pa din ang mangyayari. Magiging panakip-butas lang din kita. At isa pa..." bumuntong hininga ako bago pinagpatuloy ang aking sasabihin. "I'm not planning to forget her after all. I just wanna take a rest and start from the start again." dugtong ko pa.
Magsasalita na din sana si Joan ng mapansin kong bigla siyang natigilan.
"Hi, I don't know who you are. But, sorry. I will get him back now." wika niya. Pagkatapos ay hinila niya ko palayo kay Joan at dinala ako papunta sa park. Kung saan kami unang nagkitang dalawa.
"What... What do you mean?" sa wakas ay nagkaroon na din ako ng boses para itanong yan sa kanya. Nabigla kasi ako sa pagdating niya kanina. Si Melody ang tinutukoy ko kanina pa.
"Tss. What I mean is... I mean." sagot niya.
Muntikan na kong matumba at matawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Dagdagan pa ang itsura ng mukha niyang naghahanap ng masasabing salita.
"Oh. Sorry. But, I don't really gets you right now. Can you sing for me instead to understand you?"nakangiti kong biro sa kanya. Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. Haha. Babawian lang kita ngayon.
"What?! Are you crazy? I will not going to do that." asar na tugon niya.
"Then, I have to go. I don't wanna waste my time to-"
"Tss. Fine. I will sing." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I really don't know what's going on, but I think ay okay na ulit kami.
"♪I don't like being sober. That's when it hits me it's over. Although it was my choice, I can't shake your calm voice...♪" Hala?! Maganda pala boses niya? Nahiya naman ako sa kanya. Haha.
"♪They say you have a new love, I'm happy for you, love... I just don't wanna meet her. Are you gonna keep her? 'Cause I don't wanna see you with her... I don't wanna see her face. Resting in your embrace, her feet standing in my place... I don't wanna see you move-on. I don't think I'm that strong... It hasn't been that long, since I was the one in your arms... I don't wanna see you with her...♪"
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan siyang kumanta. Wow. Ang ganda talaga ng boses niya. Walang-wala yung boses ko ng kumanta ako sa harap niya noon.
"So, do you understand now what I really wants to say?" tanong niya pa sa akin pagkatapos niyang kumanta.
Muli kong inalala ang lyrics ng kanta na kinanta niya at dahil doon ay hindi ko na naiwasang mapangiti. Hindi ko akalaing may gusto din pala sa akin ang taong mahal ko. Ang babaeng una kong minahal.
"But... But, you know? It's just a song. So, you know? Don't get me wrong." dagdag niya pa. Gusto kong matawa ng malakas ngayon hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa hitsura niya. Hahaha.
She doesn't wants to say out loud her feelings for me. But I know, even if that is the case, it's real. This girl... she is the most wonderful and beautiful scene that happened in my life at sana ang pakiramdam na ito at nararamdaman namin para sa isa't-isa ay wala ng hangganan.
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Roman pour AdolescentsI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .
