Binuklat ko ang pahina ng bible ko ngayon. Muli ay nakita ko ang isang bulok na bulaklak na napaglipasan na ng panahon. Bulaklak na mula pa sa taong yun. Maliit lang ang bulaklak na ito kaya dito ko ito inipit. Hindi ko nga alam kung itatapon ko na ito o huwag muna na dahil wala na din naman itong halaga pa. Kaya lang, sa tuwing nagpaplano ako na itapon ito ay tila may pumipigil sa akin na huwag nalang ituloy.
Bakit ba kasi ang daya niya? Kinalimutan niya ang lahat ng pinangako niya sa akin. Habang ako, ilang taon na kong naghihintay na tuparin niya ang pangakong binitawan niya. Mabait siyang tao, pero... pero bakit ba ganon? Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin ngayon.
Ganunpaman, nagpapasalamat ako dahil naging parte siya ng buhay ko. Ako si Mary Jane Versoza at ang lalaking lagi kong nababanggit ay si Sean Carl Magallon. Ang iba ay tinatawag akong V, Ice, MJ, o 'di kaya ay Shin dahil yun ang tawag sa akin ng mga readers ko.
Napangiti ako ng malamang ito na pala ang huling yugto ng istoryang sinusulat ko. Parang kailan lang nang sinulat ko ito, noong mga panahon na katabi, kausap at kasama ko pa siya. Pero, ngayon ay tapos na ito kasabay ang paghihiwalay naming dalawa.
"Tears of promise" yan ang naisulat ko sa likod ng notebook. Handa kaya kong isulat at alalahanin muli ang mga nangyari sa amin? Mga pangyayari na sana... sana ay maduktungan pa ng sa ganon ay maamin at masabi ko na din sa kanya ang lahat.
Zach POV.
Nandito kami ngayon sa park ni Melody at nakatambay lang sa paborito naming upuan.
"Melody..." tawag ko sa kanya.
Ang saya talaga ngayong araw dahil ito ang kauna-unahang real date namin ni Melody. Idagdag mo pa na wala ang mga asungot- este, baliw kong mga kaibigan ngayon sa paligid namin. Kaya gusto ko na tuloy maluha ngayon dahil sa wakas ay masosolo ko na din siya. Hehe.
"Mmm..." sa wakas ay sagot din sa akin ni Melody.
Ganunpaman, napasimangot pa din ako ng makita si Melody na may dala-dala palang libro at binabasa niya pa ito ngayon. Wala ngang headset sa tenga niya, yung libro naman. Tsk!
"Sige, kausapin mo yang libro." bulong ko sa isang tabi. Ngunit, mukha yatang narinig niya iyon dahil napalingon siya sa direksyon ko.
Nagulat ako ng bigla niyang isirado ang librong hawak niya at inilapag iyon sa bench na inuupuan namin ngayon.
"What do you want?" malamig pa din ang tonong tanong niya sa akin. Inborn na yata talaga sa kanya ang pagiging malamig. Tsk!
"Wala. Sabi ko kung gusto mo ba ng ice cream dahil bibilhan kita." nakasimangot kong sagot sa kanya.
"No, thanks." mabilis niyang tugon sa akin.
Napatayo ako bigla ng may makita akong cotton candy na tinitinda ngayon dito sa park. Favorite ko kasi yun e. Bakit ba?
"Melody, yun nalang ang bilhin natin!" pahayag ko sa kasama ko sabay turo sa may nagtitinda ng cotton candy.
"What? No way! I'm not a child anymore." sagot niya.
Nakasimangot akong umupo sa tabi niya at hindi na muling nagsalita pa. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng libro habang ako naman ay tumingin na lamang sa paligid. Ngunit, mas lalo akong napasimangot ng makakita ako ng mga couples na sobrang saya ngayon dahil sa kanilang ginagawa. May ilan na nagsasalo sa iisang pagkain, yung iba ay nagkukulitan at yung iba naman ay nagkukuwentuhan habang nakayakap sa isa't-isa. Tsk!
Pagkalaan ng ilang minuto ay isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Buti pa sila... Ano nga ba ang magagawa ko? Sa isang pusong bato ako nainlove e. Natigilan ako ng bigla niya kong hilahin papunta sa nagtitinda ng cotton candy.
"Two cotton candy." wika niya.
"A, one cotton candy lang po." nakangiti kong pahabol sa nagtitinda.
Napalingon si Melody sa akin dahil sinabi ko. Ganunpaman, hindi nalang siya nagsalita at binayaran na ang cotton candy sa nagtitinda. Hala! Bakit pala siya pa ang nagbayad? Tsk! Pagkatapos niya magbayad ay inabot na din niya yung cotton candy at naglakad na kami pabalik sa bench. Magkasabay kaming umupo dito.
"Here." saad niya sabay abot sa akin ng cotton candy. Agad ko naman itong kinuha. "Thank you. Halika at maghati-" Natigilan ako sa pagsasalita ng makitang nagbabasa na pala ulit siya ng libro niya. Kaya imbis na matuwa dahil sa cotton candy na siya ang nagbayad ay muli lang akong napasimangot. Magkasama nga kami, pero hindi ko naman ramdam ang presensiya niya.
Maya-maya ay napalingon ako sa direksyon niya ng bigla niyang isarado ang kanyang aklat na binabasa. Pagkatapos, lumingon siya sa direksyon ko at saka nagwika. "Tss. I really don't know what to do to have a real date with someone like you. You know... you know that I'm not the kind of girl like you think. So, tell me... tell me what I need to do." paliwanag niya. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Yun ba ang dahilan kung bakit ganyan siya kumilos ngayon?
Kinuha niya ang cotton candy sa kamay ko at tinitigan ako sa mata. "Lets eat together." saad niya.
A-Ano daw yun? Naramdaman kong nag-init bigla ang dalawang pisngi at tenga ko. Nakatitig kasi siya sa akin ngayon e. Tsk! Maya-maya ay bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Bakit mukha yatang namumula ang pisngi ni Melody ngayon?
"P-Pero kung ayaw mo, o-okay lang naman." pahayag niya.
Nakangiti kong hinawakan ang cotton candy na hawak niya din ngayon, pagkatapos ay nagsimula na din siyang kumain ngayon. Kaya naman magkahawak-kamay kami ngayon habang kumakain ng cotton candy.
I always needed time on my own
I never thought I need you there when I cry
And the days feel like years when I'm alone
And the bed where you lie is made up on your side
When you walk away, I count the steps that you take
Do you see how much I need you right now?
When your gone, the pieces of my heart are missing you
When your gone, the face I came to know is missing too
When your gone, the words I need to hear is always get me through the day and make it okay...
I miss you
Hala! Sino bang baliw ang magpapatugtog ng sobrang lakas dito pa talaga sa pang- publikong lugar? Pagkatapos naming kumain ni Melody ng cotton candy ay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng kantang, 'When your gone" by Avril Lavigne. Sabay kaming napa-poker face ni Melody nang makita namin sina Sean at Zeus na nakaupo sa bench na kaharap ng inuupuan namin ngayon. Si Sean ay may hawak na speaker na maliit lang habang si Zeus naman ay may hawak na camera na nakatutok ngayon sa amin ni Melody.
"Dude, don't look at us. Just act normal." saad pa ni Sean.
"Yeah, baka sabihin pa ng makakanood na acting lang ang ginagawa niyo. Haha." wika naman ni Zeus.
Mas lalo kaming napa-poker face ni Melody. Ano bang balak nilang gawin ngayon? Sa asar ko ay pumulot ako ng maliit na bato at hinagis iyon sa dalawa. Agad naman silang umiwas at tumatawang tumakbo paalis. Tsk! Baliw talaga ang dalawang yun!
"Hahaha." Napalingon ako sa direksyon ni Melody ng marinig ko ang pagtawa niya. Hala! Sinapian yata siya? O baka naman hindi si Melody ang katabi ko ngayon?
Ganunpaman, napangiti ako bigla. "What?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Umiling ako sa kanya at saka nagwika. "Looks like I release your prison heart."
Love is not all about happiness and such. It is all about the struggles, suffer and challenges that the two people face and how they overcome it all together and learn something from it to made their relationship stronger than before.
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Novela JuvenilI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .
