Simula nang huli naming kuwentuhan ay hindi na ulit kami nag-usap. Ewan ko ba. Siguro ay pareho lang talaga kaming walang ganang makipag-usap ngayon. Tsaka... simula una palang talaga alam ko naman na hindi na niya ko naaalala pa. Ayoko ng umasa pa sa wala. Kahit maalala niya din naman ako, wala din namang mababago. May ibang tao na siyang nagugustuhan.
"Ice, okay ka lang? Masiyado kang tahimik diyan e." tanong bigla ng aking baklang kaibigan.
"Oo naman. Haha. Nakakalungkot lang kasi yung istoryang sinusulat ko ngayon. Kaya parang malungkot ako. Haha." paliwanag ko sa kanya.
"Sus! Hahaha. Magsulat kana nga lang diyan." tumatawang sagot niya naman sa akin.
Pinagpatuloy ko na nga lang ang pagsusulat. Sana nga okay lang talaga ko.
Zach POV.
Kasama ko ngayon ang dalawang baliw kong mga kaibigan at kasalukuyan nila akong inaasar ngayon. Tsk!
"Hahaha. Zach, ayos ka lang ba? Mukhang pilit talaga kayong pinagtatagpo ni tadhana e." tumatawang tanong sa akin ni Zeus. Sapakin ko kaya 'to?
"Yeah, yeah. Kamusta naman ang ilang araw na kasama siya ulit? Humingi ba siya ng sorry at sinabing, 'I'm sorry, Zach. Ngayon ko lang napagtantong mahal pala talaga kita.' Hahaha." wika naman ni Sean. Lalo akong napasimangot dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Shut up na nga kayo. Magsisimula na yung palabas e. Tsaka tumigil ka, Sean. Kung hindi kita kaibigan, iisipin ko ngayong bakla ka. Tsk!" asar kong saad sa kanila.
Oo nga pala, Its sunday at nandito kami ngayon sa sinehan. Actually, napaka aga nga naming dumating. Kaya ang ending, kumain muna kami sa kung saan bago bumalik dito. Nasabi din sa akin ng dalawa kung bakit biglaang nagyaya ng sine itong si Sean. Yun ay dahil sa movie mismo. Yung favorite book kasi ni Zeus ay ginawa ng movie, kaya ito kami ngayon at nanonood ng movie na yun. Tsk! Dapat pala hindi nalang ako sumama at natulog nalang sa bahay magdamag.
Back to reality. Natahimik na din sa wakas ang dalawa ng magsimula na ang intro ng movie. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Ang nakakabored pa sa sine na ito, bukod sa love story ang movie ay marami pang couples sa unahan ng upuan na inuupuan namin ngayon.
Nakakaasar, hindi ba? Sila na may love life. Napangiwi akong muli ng maalala yung pamagat ng movie. 'My cactus life' siya. Like pati ba naman yung cactus nahalintulad at nadamay pa sa buhay? Ibang klase na talaga ang mga tao ngayon. Tsk!
"Alam niyo ba yung cactus? Yung matinik at walang may gustong kumapit o humawak man lang sa halaman na yun? Yun ang buhay ko. Pero nagbago ito ng lapitan ako ng taong mala-rosas at matinik din ang dating ng buhay tulad ko..." wika ng narrator sa movie.
Tss. Nadamay pa ngayon ang rosas. Kung sabagay, ganon din ako dati. Parang isang cactus. Nagbago lang ang buhay ko ng may makilala akong rosas. Pero, ngayon ay naunawaan ko na ang cactus at rosas ay hindi talaga nababagay para sa isa't-isa.
"Hey, Kevin. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Biglang natuon ang atensyon ko sa dalawang couple na nasa harap ko ng marinig ang familiar word na sinasabi ng babae sa katabi niyang lalaki.
"What?" sagot naman ng lalaki sa kanya.
Bumuntong hininga muna ang babae bago muling nagwika. "Sinasabi ko na nga ba. Sabi ko kung puwede bang dumaan muna tayo sa mall. You know? May gusto kasi akong bilhin doon e. Hihi." wika ng babae dito sa lalaki.
Hindi ko alam kung bakit parang mas interested pa kong makinig sa pinag-uusapan nila kaysa bumaling sa pinapanood ko ngayon. Tsk!
"Ha? No. I'm tired already. I just wanna go home." sagot ulit ng lalaki sa kanya.
"Hey, tell me. Do you really wants to be with me? Please tell me the truth already." may lungkot sa tinig na tanong ng babae sa kanya. Ewan ko, pero bigla nalang sumakit ang puso ko dahil sa aking mga naririnig. Mga ilang minuto ang lumipas, pero hindi sumasagot yung lalaki sa kanya.
"As I thought... *Sob* I'm sorry. I'm sorry to force you." sa tingin ko ay umiiyak na saad ng babae.
Tumayo siya at nag-excuse sa mga nanonood. Madalim kasi sa loob ng sinehan. Ako naman ay kusang gumalaw ang mga katawan ko. Tumayo ako at nag-excuse din sa mga nanonood at hinabol yung babae kanina. Naabutan ko siya sa entrance mismo ng sinehan. Kinalabit ko siya at inabutan ng dala kong panyo.
"Sino ka?" may crack pa din ang tono ng boses niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at sinagot siya. "I'm Kent Zachary Fontanilla. Everyone calls me Zach, but you can call me Kent, and you are?" nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.
Sa wakas ay inabot niya na din ang panyo ko at saka pinunasan ang luha na malapit ng matuyo sa kanyang magkabilang pisngi. "I'm Joanna Marie. Call me Joan nalang. So, narinig mo kanina no?" malungkot niyang tugon sa akin.
Tumango ako sa kanya bilang tugon at saka nagwika. "You know? Nangyari din sa akin ang nangyari sa'yo at sinabi ko din ang lahat ng sinabi mo kanina sa taong mahal ko." pahayag ko pa. Napapatango naman siya habang nakikinig sa akin.
"So, pareho pala tayo, ha?" wika niya.
"Yeah, right." tugon ko. Napatawa nalang kaming pareho dahil sa mapait na bagay at karanasan na nangyari sa amin. Ngayon lang kami nagkakilala, pero magaan na agad ang loob ko sa kanya. Maybe, because we have the same fate?
Melody's POV.
Mga ilang oras na kong nags-scroll down sa laptop ko habang binabasa ang mga new post ng favorite writer ko ng may mabasa akong nakapagpahinto sa akin. Oh my gosh! Ginawa na pa lang movie ang 'My cactus life' na favorite story ko? And what's really surprise me is, that movie is showing right now!
Dali-dali kong sinirado ang laptop ko at agad-agad na nagbihis para manood ng sine. Hindi puwede na hindi ako makapanood nito no. This is one of my favorite story, anyway. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng apartment ko at nagtungo sa sinehan.
Tsk! Hindi na kasi ako medyo updated dahil sa lalaking yun. Lagi siyang lumalabas sa isip ko at nagpapakita pa sa panaginip ko. Wala naman akong pakealam sa kanya. Kaya in the end, napupuyat tuloy ako. Tsk! Well, by the way. A minutes later ay nandito na ako sa sinehan. Agad akong bumili ng ticket for 'My cactus life'. Hindi ko na nga naabutan ang first show. Pero, ayos lang dahil makakanood pa din naman ako e.
I am about to go to the entrance of sinehan when I saw the familiar face... the familiar face with somebody else. They are laughing to each other as if they're already knew each other... as if they are the two person who exists in this world. Then sunddenly, they stop. They stop laughing, then they stares to each other and smile. A smile that I never see to his face before. But to my surprise, I suddenly feels aching in my heart? Why?
![](https://img.wattpad.com/cover/147691436-288-k950210.jpg)
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Teen FictionI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .