Nakabusangot ang aking mukha habang naghihintay sa aking mga kaklase. Ang tagal kasi nila e. Nasasayang tuloy ang oras ko. May group activity kasi kami ngayon at nandito ako ngayon sa waiting shed dahil hinihintay ko ang mga kagrupo ko. Hindi talaga ko maghihintay dito kung hindi ko lang siya kagrupo. Hehe. Sinong 'Siya'? Si seatmate lang naman. Haha. Kaya lang, mukhang wala din balak umattend yun. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.
"Isang malaking tanga kasi ako e. Umaasa pa din ako sa kanya kahit alam kong wala akong pag-asa. Kahit na alam ko na hindi na niya ko naaalala pa..."
Zach POV.
Mga ilang minuto na ang lumipas ng bumukas ulit ang pinto ng apartment at lumabas doon si Melody na nakauniform na, dala ang bag niya. Napabuntong hininga tuloy ako. Hindi niya ba alam na malapit na kaming malate?
"A, dalhin ko na ang bag mo." sambit ko. Lumingon siya sa akin habang nil-lock yung pinto ng apartment na tinitirhan niya.
"No, thanks. Mind your own business." sagot niya. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad pababa ng apartment. Ako naman ay sumunod nalang sa kanya. Oo nga pala, dahil nga sa deal ay napagpasiyahan naming sabihin ang location ng bahay na tinitirhan naming dalawa pagkatapos ay nag exchange number kami para maayos naming magawa ang pagpapanggap bilang fake girlfriend-boyfriend.
Kaya naman maaga akong gumising para masundo siya sa apartment na tinitirhan niya. Kaya lang, naalala ko. Late na pala siya pumapasok lagi at mukhang madadamay niya na ko ngayon sa hobby niyang yun. Napag-alaman ko din pala sa kanya na katulad ko ay only child lang din siya. Ganunpaman, hindi pa din naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Katulad ng iba, wala pa din emosyon ang mukha niya sa tuwing kausap niya ko. Well, I think It's fine.
"A, may gagawin ka ba sa linggo?" tanong ko sa kanya.
Patuloy lang kaming naglalakad at hindi man lang siya lumingon sa akin para sagutin ang tanong ko.
"Nothing. I'm usually sleeping in my apartment that time." sagot niya sa akin ng hindi lumilingon sa direksyon ko. Teka, kailangan ko ba talagang gawin 'to? Tsk! Bahala na nga!
"Then, wanna go out with me? Narinig ko sa dalawa kong kaibigan na masarap daw ang pagkain sa bagong bukas na shop." pag-yaya ko sa kanya.
"A, kasi hindi ba? Ang weird naman kung hindi tayo aalis paminsan-minsan even if we're only have a fake relationship." dugtong ko pa.
"Okay." walang gana niyang tugon sa akin at saka humikab. Sabi ko nga, okay lang sa kanya e. Kulit mo kasi, Zach!
"A, tanong ko lang. Nagkaroon kana ba ng kaibigan?" tanong ko sa kanya.
Alam kong napakalayo ng tanong ko sa pinag-uusapan namin kanina, pero hayaan niyo nalang. Hindi ko nga din alam kung bakit naitanong ko nalang bigla ito sa kanya.
"Yeah, I have. But, I don't know if I can call it a friendship." sagot niya.
"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Kahit ang nakaraan niya ang pinag-uusapan, hindi pa din nagbago ang expression ng mukha niya. Kaya naman hindi ko pa din alam kung ano bang nararamdaman niya ngayon.
"Well, she and my ex tricked me. They have a secret relationship." tugon niya.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Akalain mo yun? Nainlove din pala siya dati? Talo pa pala niya ko kung ganon. Hahaha.
"What?" tanong niya ng mapansing napahinto ako sa paglalakad.
Dali-dali naman akong naglakad ulit at sumabay sa kanya at saka muling nagwika. "It's nothing. I never thought that you already have a boyfriend before." tugon ko naman sa kanya.
Nahinto ang pag-uusap naming dalawa ng makarating na kami sa mismong classroom namin. Kaninang papasok palang kami sa loob ng campus ay pinagtitinginan na kaming dalawa, lalo na ngayon sa classroom. Napabuntong hininga nalang ako. Inaasahan ko na ang ganitong eksena.
"Ang love team of the year natin!"
"Yiee!"
Hindi ko alam kung sinong kaklase namin ang sumigaw ng tuluyan na kaming makapasok sa classroom. Napa poker face ako ng makitang nasa loob na din ang teacher namin habang yung dalawa ko namang kaibigan ay mapang-asar na nakatingin sa amin ni Melody habang kumakaway pa sa amin.
Hindi nalang namin sila pinansin at umupo nalang sa upuan namin. Muntikan ko ng makalimutan. Pati sa loob pala ng classroom ay magkasama din pala kami ni Melody dahil magkatabi din kami ng upuan. Well, wala namang problema dun.
"Congrats sa inyong dalawa. Hihi. Pero, pumasok kayo ng maaga sa susunod. Lalo kana, Canister. Lagi kana lang late pumasok. Okay ba?" nakangiti pang saad sa amin ng adviser namin. Tumango kami ni Melody sa kanya bilang tugon.
"♪Unang araw palang minahal na kita... Bakit ba ganito ang aking nadama...♪" kanta ni Sean.
"Hindi man kita lubusan pang kilala, e ano naman? Basta mahal kita.♪" kanta din naman ni Zeus.
Hindi ko alam na mahilig din palang kumanta ang dalawang 'to? Tsk! Dahil sa inis ay pasimple kong sinipa ang mga paa nila. Napa-aray sila ng mahina sa ginawa ko. Ano? Kakanta pa kayo?
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sumapit na ang recess.
"A, Melody! Saan ka pupunta? Sabay na tayo kumain." wika ko at nagmamadaling kinuha ang dala kong baon na pagkain at saka sumabay sa kanya palabas ng classroom.
Napalingon naman si Melody sa gawi ko at nagtataka ang mukhang napatingin sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi niya yata ako narinig dahil may headset sa tenga niya. Maya-maya ay tinanggal niya yung dalawang headset sa tenga niya at saka walang emosyong nagwika. "What again?" tanong ni Melody.
"C-Can we eat together?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.
"A, okay." walang ganang tugon niya at saka muling naglakad.
Tsk! Kahit kailan talaga, ang babaeng 'to! Hindi kami muling nag-usap hanggang sa makarating kami sa rooftop. Teka, rooftop? Dito talaga kami kakain? This girl is really weird and unique.
"Wow! Ang sarap naman ng hangin dito!" sambit ni Sean.
"Yeah. Maganda nga kung dito nalang ako magbabasa ng libro." usal naman ni Zeus.
Ha? Anong ginagawa nila dito? Sinundan ba nila kami?
"Tsk! What are you doing here?" bored na tanong ko sa dalawa.
Napalingon sila sa gawi ko at mapang-asar na ngumiti sa akin. "Hihi. We are buddy, right?" nakangising tanong ni Sean.
Obviously, ang layo talaga ng sagot niya sa tanong ko. Napalingon naman si Melody sa gawi ng dalawa pagkatapos ay lumingon naman siya sa akin.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo. They are my friend. Sean Lance Wyddor and Aine Zeus Valdez." saad ko sabay turo doon sa dalawa.
Ngumiti yung dalawa kay Melody, pero si Melody ay walang ginawa kundi ibalik ang headset sa kanyang tenga at humiga sa rooftop. Hindi ba siya kakain? Oras kaya ng recess ngayon. Napatawa naman ako ng mahina nang mapansing nakasimangot pala yung dalawa dahil sa ginawa ni Melody. Hahaha. Bagay lang sa kanila yan!
Someone's POV.
"Hey, guys! Did you heard the news? Prince Kent Zachary already have a girlfriend and worst, it's the transferee girl." Napatayo ako bigla sa upuan ko dahil sa balitang narinig.
"What?! Are you idiot? That can't be happened!" asar na sigaw ko sa kanya.
"E? But, I'm just saying the truth. What should we do then?" tugon niya.
This can't be! I will do everything para mag break sila. Because... Because Kent Zachary is our prince at walang dapat na magmay-ari sa kanya!
![](https://img.wattpad.com/cover/147691436-288-k950210.jpg)
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Teen FictionI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .