Chapter 2: Transferee student

45 6 0
                                    


Kasalukuyan akong nagsusulat ngayon sa aking notebook ng bigla akong kausapin ng kaibigan kong bakla.

"Hey, Ice. May assignment kana ba sa math natin?" tanong ng bakla kong kaibigan sa'kin.

Well, hindi naman siya totally bakla. Nagkakagusto din naman siya sa mga babae, at katulad ko, nagsusulat din siya ng istorya. Nagsimula siyang magsulat ng malaman niyang nagsusulat din ako. Napapabuntong hininga nalang tuloy ako dahil dun.

"Yeah, mayroon na. How about you?" tanong ko sabay tingin sa seatmate ko.

Napatigil siya sa pagdrawing at napatingin sa direksyon ko. "Ha?"

Muli akong napabuntong hininga. Lutang na naman ang utak ng isang 'to. Umiling nalang ako sa kanya at nagsimula ng magsulat ng pangalawang yugto para sa istoryang ginagawa ko.

Zach POV.

Nakatulala lamang ako ngayon habang nag-iisip ng kung anu-anong bagay.

"Hey, brad. Okay ka lang ba? Haha. Huwag mong sabihin na iniisip mo pa din hanggang ngayon yung nangyari sa'yo noong isang linggo?" natigilan ako ng bigla akong tanungin ni Sean.

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. "Baliw! Bakit ko naman iisipin ang walang kuwentang pangyayaring yun?" asar na tugon ko sa kanya.

"But, you know? Tulala ka d'yan at halata sa mukha mo na iniisip mo nga ngayon yun." pang-aasar din sa akin ni Zeus.

Ilang linggo na nga pala ang nakalipas at nasa classroom na kami ngayon. Oo nga pala, magkakaklase nga kaming tatlo ngayon. But, we're not seating to each other. Nasa unahan kasi ng upuan ko nakaupo yung dalawa. Well, lagi naman akong nahihiwalay sa kanila e. Tsk.

Okay lang na mang-asar sa akin si Sean, pero si Zeus? Bukod kasi sa hindi ako sanay, talagang malabong mangyari ang mang- asar siya dahil sa sobrang seryoso ng ugali niya. Depende nalang kung totoo ang sinabi niya. Tsk.

"Hindi ko iniisip yun, okay? Tumigil na nga kayo." asar na saad ko sa kanila.

Kaya lang, mukha yatang mas lalo pa nila kong aasarin. Mga baliw talaga. Tss. "Yiiee. Baka naman nainlove kana sa babae? Sabihin mo. Masarap ba sa pakiramdam ang labi niya?" pang-aasar pa ni Sean.

Binatukan ko siya ng malakas dahil sa sinabi niya. Loko talaga ang lalaking 'to!

"Tumahimik kana nga! Kung anu-anong pinagsasabi mo d'yan!" inis na tugon ko sa kanya. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng magiging teacher namin?

"Hmm... Naisip ko lang. Bakit hindi yung babaeng yun ang gawin mong fake girlfriend?" bigla na lamang pahayag ni Zeus.

Napatingin kaming dalawa ni Sean kay Zeus at napaisip sa sinabi niya. "That's impossible." mabilis at walang pag-aalinlangan kong tugon sa kanya.

Sila naman ang napatingin ngayon sa akin dahil sa naging tugon ko. "Why? Katulad din ba siya ng mga babaeng nagkakagusto sa'yo?" tanong ni Sean.

"No, she's different." sagot ko. Lalo silang nagtaka sa naging sagot ko. "Then, why?" naguguluhang tanong ni Zeus.

"Wala kasing expression ang mukha niya at nang magsalita siya, wala talagang emosyon. Hindi ko nga alam kung tao ba talaga yun e." paliwanag ko sa kanila.

"So, you mean nagkausap kayo?" tanong ni Sean.

"No. I only apologize to her and she only said 'okay' then, umalis na siya." paliwanag ko.

Napahinto ang pag-uusap naming tatlo ng biglang pumasok ang magiging adviser namin ngayong year. Katulad ng ginagawa tuwing unang pasukan, she introduce herself at sinabi ang subject na tinuturo niya.

"So, now. We also have a transfer student. She came from Italy at iniwan niya ang mga parents niya upang dito mag-aral sa pilipinas. She living by herself right now." pahayag ni ma'am.

Tumingin siya sa pintuan at sinenyasan yung transferee student na pumasok na. Pumasok na nga yung babae. Natigilan ako ng makita yung transferee. Hala?! She is the girl before!

"I am Melody Scarlet Canister." pakilala niya sa unahan.

Nakatingin lang sa kanya lahat ng mga kaklase ko. Mapababae man o lalaki. Tss.

"You may take your seat to..."

Nilibot ni ma'am ang paningin niya hanggang sa tumigil ito sa katabi kong upuan. What the-!

Tinuro ni ma'am yung katabi kong upuan. "Seat beside him." saad pa ni ma'am sabay turo sa akin.

Natuon naman ang atensyon ng lahat sa gawi ko. Kasama na din ang mga kaibigan ko. Muli akong napatingin sa babae. Nakatingin din pala siya sa akin at muli na naman kaming nagkatinginan.

"Okay." saad ng babae at naglakad na papunta sa magiging upuan niya.

"Psst! Siya ba?" bulong ni Sean habang kunwari ay nakatingin sa unahan.

"Oo." sagot ko sa kanya.

"A, Hi. Ako nga pala-"

"Sorry. Ayokong magkaroon ng kaibigan ngayon." pagputol niya sa sasabihin ko.

Tss. Sabi ko nga e. Yung totoo, tao ba talaga siya? Napansin kong nagpipigil sa pagtawa yung dalawang kaibigan ko. Tsk! Nababaliw na naman sila!

"No. I just want to say sorry again to what happened before." paliwanag ko nalang para hindi medyo pahiya.

"Okay." maikling sagot lang niya. Tsk. Yan na naman siya sa okay niya. Okay na nga lang ang sagot, wala pang emosyon ang pananalita niya. Tsk. Hindi ko nalang siya kinausap ulit kasi alam kong puro okay lang din naman ang isasagot niya. Well, ang totoo talaga, alam kong hindi siya talkative at kung kakausapin ko siya, tiyak na laging ako ang magbibigay ng topic sa kanya. Ayoko nga non! Hindi ako sanay.

Samantala, mabilis na lumipas ang oras hanggang sa sumapit na ang oras ng recess.

"Hahaha. Bro, musta usap niyo ni ms. Melody kanina? Okay ka lang ba?" pang-aasar na naman sa akin nitong si Sean. Muli ko siyang sinamaan ng tingin pagkatapos ay pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

"Sa tingin ko puwede talaga siya para maging fake girlfriend mo." pahayag na naman ni Zeus.

Tss. Hindi ba talaga nila ko titigilan? "Tss. Kung ako sa inyo, kumain nalang kayo." saad ko naman sa kanila.

"Hala? Ang alam ko, ako lang ang matakaw sa pagkain a. Haha." pagpaparinig ni Sean. Buti naman at alam niya. Tsk!

"Bakit? Bawal na bang kumain ng marami paminsan-minsan? Tss." naaasar na sagot ko.

"Haha. Hindi naman. Puwera nalang kung may dahilan. Haha." agad na sagot niya. Kung suntukin ko kaya ang isang 'to para manahimik na?

"Zach, hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko kanina." saad na naman ni Zeus habang nagbabasa. Kumain na kaya ang isang 'to? Laging libro ang hawak e.

"Alin dun? Na bagay siya para maging fake girlfriend ko? Nahihibang kana ba, Zeus? She's acting like not a person. I wonder if she even have a heart. Baka nga wala talagang puso yun e." sagot ko sa kanya.

Umiling-iling muna si Zeus at saka muling nagwika. "No. That's not my reasons. What I mean is, she is really the right girl for your problem. Remember? Its only a FAKE relationship and not the real one. So, what's the problem of having an emotions or none? Isa pa, mas sigurado ka pa dito na wala kang masasaktang tao. Because on the first place, hindi rin naman siya maf-fall sa'yo. Magkaroon nga ng emosyon, zero percent na. Ang ma-fall pa kaya sa'yo? Hindi ba? Think about it, Zach." paliwanag ni Zeus.

Hindi ko akalaing may point siya sa sinabi niya. Pero ang tanong, papayag naman kaya si Melody sa ganong klaseng deal?

✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon