Chapter 12: Courting her

27 5 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatingin ngayon sa pinto ng classroom namin at tila may hinihintay. Well, mayroon naman talaga. Haha. Valentines day ngayon at may color coding ang mga damit na kailangan naming suotin sa school. Hindi ko nga alam ang ibang mga kulay na sinabi, basta ang alam ko lang ay bawal daw ang black. Tsk! Favorite color ko pa naman yun. Dami kasing alam ng SSG officers namin e. Huhu. Kaya naman nagkulay puti nalang ako, stands for 'study first' Haha. Yun lang din naman kasi ang alam kong puwede kong suotin.

Ngayon, hinihintay ko naman dumating yung seatmate ko. Ano kayang kulay ng damit ang susuotin niya? Hihi. Oo nga pala, ito na ang pangalawang araw simula ng pumasok na ulit siya. Hindi ko maitatanggi na masaya talaga ako ng makitang ayos lang naman siya at hindi siya masiyadong nagmukmok sa bahay nila ng mamatayan sila.

By the way, sa kakahintay ko sa kanya ay naisipan kong magsulat nalang muli ng panibagong yugto sa istoryang ginagawa ko habang hinihintay ko siya.

Zach POV.

Six o'clock pa lang ng maaga ay nasa tapat na agad ako ng pinto ng apartment ni Melody. Dala-dala ko ang isang piging ng rosas at isang box ng chocolate. Napatayo ako ng diretso ng biglang bumukas ang pinto ng apartment ni Melody. Humihikab na lumabas si Melody sa apartment niya at nang magawi ang tingin niya sa akin ay agad napakunot ang noo niya.

"What's that?" walang gana niyang tanong sabay turo sa dala kong bulaklak at chocolate.

"A, this is for you." kinakabahan kong tugon sa kanya. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang dala kong bulaklak at chocolate.

"I... I'm not the kind of girl like you think." wika niya at naglakad na ng hindi kinukuha ang mga bulaklak at chocolate.

Wala akong nagawa kundi sundan nalang siya at sabayan sa paglalakad. Itinapon ko nalang din ang binili kong bulaklak. Tinabi ko naman yung chocolate para ibigay nalang sa matakaw kong kaibigan.

"Pasensiya kana. Alam ko naman na hindi ka mahilig sa mga bulaklak at... " Napatigil ako sa pagsasalita ng makitang nakasuot pala ang headset niya sa kanyang dalawang tenga. Napabuntong hininga nalang ako at tumahimik hanggang sa makarating kami sa classroom.

Nabigla pa ang buong klase nang makita kaming sabay pumasok. Alam kasi nilang matagal-tagal na din simula ng hindi kami nagpapansinan. Pero, wala pang nakakaalam tungkol sa fake relationship naming dalawa noon. Kaya ang akala nila, nag cool off lang kami ni Melody. Wala din naman kasi silang nababalitaan na nag break kami.

"Wow! Congrats sa inyong dalawa!"

"Congrats sa pagababalik ng love team niyo!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko ngayon. Tsk! At siyempre, mawawala ba sa eksena ang dalawang baliw kong kaibigan?

"Wow! Nice development. Haha." sambit ni Sean.

"Hmm... As I thought and predicted." pahayag naman ni Zeus. Yan agad ang sinabi nila pagkaupo na pagkaupo namin ni Melody sa upuan namin. Ngumiti nalang ako sa kanila at hinayaan sila. Habang si Melody naman, as usual, walang pakialam sa mundo. Hahaha. Tss.

Maya-maya at dumating na din ang teacher namin. A, yes. Hindi nga kami nalate ni Melody ngayon. Ewan ko kung anong mayroon sa babaeng 'to ngayon at maaga silang nagising at nakapasok. Dahil sa ingay at topic ng mga kaklase namin tungkol sa aming dalawa ni Melody, napatingin na din ang teacher namin sa direksyon naming dalawa ni Melody at maloko pang ngumiti sa amin. "Nice! Nagbabalik na ang favorite love team ko. Hihi. Stay strong kahit walang forever. Always remember that struggles are there to make you two stronger than before. Hihi." wika pa ng guro namin.

Tss. Hindi ko alam kung talagang masaya siya para sa amin ni Melody o binabalaan niya kaming dalawa na maghihiwalay din kami kasi nga walang forever. Palibhasa kasi hanggang ngayon wala pa din siyang asawa.

"So, let's move to our next topic..." at nagsimula na nga siyang magturo sa amin.

••••

Oras na ng recess ngayon at paakyat kaming apat ngayon sa favorite place namin para kumain. Sa rooftop. Oo, apat talaga. Dahil kasama din namin ngayon ni Melody, nakabuntot- I mean, sina Sean at Zeus. Sino pa nga ba? Tsk! Ayaw nalang kaming bigyan ng happy moments.

"Melody, nagdala din pala ko ng baon para sa'yo. Sana kainin mo dahil ako mismo ang gumawa niyan para sa'yo. Don't worry, masarap naman yan." wika ko.

"No, thanks. I have my own foods." malamig ang tinig na tugon niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya at saka nagwika. "Ay, sabi ko nga e. Dapat pala sinabi ko muna sa'yo bago ako nagdala. Haha." tugon ko.

Nang makarating na kami sa rooftop ay kanya-kanya na kaming nagsiupo at naglabas ng pagkain na dala-dala namin. Napasimangot ako ng makitang nagpipigil ng tawa yung dalawa. Nagbalik sa isip ko ang nangyari kanina ng mapatitig ako sa aking mga daliri na ang ilan ay may bandage pa.

Ngayon ko lang nalaman na mahirap pala magluto. Actually, hindi naman talaga ako nagluluto kahit wala pa sila mommy and daddy. Kumakain lang ako lagi sa labas o hindi kaya ay bumibili ng luto para ibaon. Kaya nga minsan talaga ay umuuwi si mommy para lang ipagluto ako. Tsk!

"Ito ba yung niluto mo para sa akin? I will eat this now." Natigilan ako at ang dalawa kong kaibigan ng biglang kuhanin ni Melody ang dala kong lunch box at kainin ang pagkain na niluto ko.

Napatingin ako sa nilabas niyang lunch box kanina at wala ng laman iyon. Hindi pa ko nakakasubo ng akin ng makitang ubos niya na agad ang pagkaing niluto ko para sa kanya.

"Here. Its good." saad niya sabay abot sa akin ng lunch box.

Pagkatapos ay agad niyang nilabas ang librong dala niya at agad itong binasa. Abnormal na naman yata ang tibok ng puso ko ngayon. Tsk! Nagsimula na din akong kumain at nakakailang subo pa lang ako ay agad na kong napainom ng tubig dahil sa pangit ng lasa ng niluto ko. Hindi na napigilang mapatawa ng dalawa kong kaibigan dahil sa nangyayari.

How could this be good? Its taste is so disgusting. She's a good liar. But... I know na nakita niya lang ang paghihirap ko sa paggawa ng pagkain na ito. Nakita niya siguro yung bandage ko sa kamay. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang napakawalan ko. Samantala, kahit sobrang pangit ng lasa ay kinain ko nalang ang niluto kong pagkain. Nakakahiya naman kung siya lang ang kumain ng pagkaing dala ko, ako naman ang gumawa. Kaya lang, Hindi kaya sumakit ang tiyan namin dito?

"Dude, Are you still okay? Haha." pang-aasar na naman sa akin ni Sean. Anak ng-! Andito pa pala sila. Tsaka, ang ganda ng tanong niya ha. Like nagtanong pa siya, hindi ba?

"Shut up, Sean." masungit kong sagot sa kanya.

"Well, well. Alam ko na ang kalalabasan ng love story na 'to. Haha." tumatawang sambit naman ni Zeus. Isa pa 'to. Pag-untugin ko sila eh. Pero...

"This girl, she never failed to made me smile."

✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon