Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Isa o dalawang linggo nalang ay magbabakasyon na. Ilang linggo ko nalang pala siya makakatabi at makakasama sa iisang classroom. Well, sino bang nagsabi na hindi pa ko nakakamove-on sa kanya? Nagawa ko na kaya. Hmmp!
Kaya lang, bakit kaya ganon? Bakit nalulungkot pa din ako sa tuwing iniisip ko ang bagay na yun? Bakit... bakit para yatang siya pa din ang iniisip ko hanggang ngayon?
"Uy, ayos ka lang?" Natigilan at nagulat ako ng biglang magsalita ang katabi ko.
"O-oo. Maybe. Haha." sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi, hindi ba? Pero, bakit niya pa ko kailangang tanungin?
"Hala. Bakit naman? What's the problem?" tanong niya. Umiling lang ako sa kanya bilang tugon.
"Wala. Hahaha." sagot ko. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pagsusulat. Kung alam niya lang sana ang dahilan...
Melody's POV.
Ilang buwan na ang lumipas simula ng mangayari ang bagay na yun. Honestly, nakaramdam ako ng pagbabago sa sarili ko. Bigla-bigla ko nalang din naaalala yung araw na huling nagkausap kami. By the way, malapit na ding magbakasyon ngayon at hanggang ngayon ay muli ko ulit nararamdamn ang bagay na matagal ko ng kinalimutan noon.
*FLASHBACK*
"Oh? Yes. You're right. But it doesn't matter anymore. You said it before, right? 'It's not wrong to try and give your best to someone you love. But, it's not right to force someone to love you back. Because, in the end, you will end up hurting yourselves.' Maybe... It's time already. Its time to end this stupid game. Its time to wake up myself from my own dream. I know its too early to say this. But, thank you for everything and I'm sorry, but I give up." mahabang wika niya at tuluyan na kong iniwan.
Habang naglalakad siya palayo, binibilang ko kung ilang hakbang ang nagagawa niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Masiyado akong nagulat dahil sa mga nasabi ko sa kanya at sa bilis ng pangyayari. Pero, mas nagulat ako sa sinabi niya. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at ininom ang drink na inorder niya para sa akin. Maybe its still not time para sabihin ko sa kanya ang bagay na yun.
*END OF FLASHBACK*
Tss. I don't know when is the right time to tell him about us before. He doesn't remember it now naman. Wala na din naman akong pakealam tungkol dun. Kung sino ba ang tinutukoy ko? Yun ang lalaking nahulog sa puno at inistorbo ang pagbabasa ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nang mangyari ang araw na yun ay para akong bumabalik sa nakaraan ko. Tss.
*FLASHBACK*
Ten years ago...
Tuwang-tuwa ako habang nagbabasa ng fairy tale story sa park habang nakaupo sa bench. Patuloy lang akong nagbabasa habang hinihintay sila mommy and daddy. Nasa exciting part na ko ng bigla nalang may nalaglag na bata dito mismo sa puwesto ko. Kaya ang ending, pareho kaming bumagsak sa sahig. Agad ko namang pinulot ang fairytale book ko at tumayo mula sa pagkakabagsak.
"Tss. What are you doing, kiddo? Are you trying to kill yourself?" nakasimangot kong tanong sa kanya habang nakapamewang pa. Tumayo na din siya at pinagpag ang kanyang damit.
"Tsk! Don't call me kiddo like you are not a kiddo too. Anyway, Sorry. Natutulog kasi ako sa puno at pagkatapos ay humangin ng malakas kaya ako nalaglag." paliwanag niya sa akin.
Napatingin ako sa punong pinagbagsakan niya. E? Natutulog talaga siya sa puno?
"Tss. Don't talk to me nalang. Naiinis ako sa'yo." saad ko nalang sa kanya.
"Hala? Bakit naman? A! Alam ko na! Para hindi kana mainis, sumama kana lang sa akin." saad niya.
Pagkatapos ay hinila niya ko patungo sa wishing fountain. E? Ano namang ginagawa namin dito? Alam ko pang adults to e.
"Hey, bata. Anong-"
"Sssh. Basta. Maghintay kana lang. May papakita ako sa'yo. Hihi." saad niya.
Lumipas ang ilang oras at medyo kinakabahan na ko ngayon. Medyo nagw-worry na ko at parang gusto ko ng umiyak dahil gabi na, pero wala pa din sila mommy and daddy. Hanggang ngayon ay nandito pa din kami ng bata sa wishing fountain, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya.
"Time na!" sigaw ng bata at nagsimula na siyang magbilang. Habang ako ay tahimik lang sa tabi niya.
"7... 6... 5..." Clueless akong nakatingin sa wishing fountain ngayon.
"3... 2... 1!" sigaw ng bata.
Nanlaki ang mata ko at natulala ng biglang tumaas ang tubig sa paligid ng pinagbabagsakan din mismo ng fountain. Pagkatapos, sa pinakagitna kung saan lumalabas ang tubig ay may rainbow light. Kaya ang ending, yung light na yun ay napapaligiran na ng pataas na tubig. Nakangiti lang ang batang lalaki habang nakatingin sa fountain habang ako ay namamangha pa din dahil sa nakita.
*END OF FLASHBACK*
Oo, tama. Nagkasalubong na nga ang mga landas namin dati. Nagkakilala na kami noong bata palang kami, pero naghiwalay kami ng hindi man lang nakikilala ang pangalan ng isa't-isa. Well, isa nalang naman yun sa mga child memories ko.
Back to reality. Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa apartment na tinitirhan ko. Bumili kasi ako ng makakain ko para habang nagbabasa ay may makain naman ako. Habang naglalakad ay nags-soundtrip ako. Siyempre, mawawala ba ang headset sa akin? Yung libro naman ay iniwan ko muna sa bahay para mabitbit ko ng maayos ang mga pagkaing pinamili ko.
"So, ano? Magka-schoolmate naman pala tayo. Kaya madalas talaga tayong magkikita. Hahaha."
"Oo nga e. Hindi ko nga akalain na malapit ka lang pala sa akin. Naisip ko lang, why not travelling around the world naman tayo? Maganda yun, hindi ba? Hahaha."
Ito na naman. Nakita ko na naman siya kasama ang hindi ko kilalang babae. As if I care? Yan lagi ang sinasabi at binubulong ng isipan ko. Pero, ang puso ko... parang may sarili siyang mundo. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Parang may gustong isigaw ang puso ko, pero hindi yun marinig ng isip ko. Tss!
"Kung may pera lang sana tayo e. Magagawa natin yun. Hahaha."
"By the way, you know? I am wondering right now. If only we met each other earlier, we don't need to suffer like we are right now. Kung tayo lang sana ang naunang nagkakilala... sana hindi natin naranasan ang mga bagay na maaaring makakapagpabago sa atin ngayon."
Napahakbang ako ng ilang steps mula sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Then suddenly, napahawak ako sa aking pisngi.
"Tears?"
BINABASA MO ANG
✓HER PRISON HEART (SELF-PUBLISHED UNDER BSP PUBLISHING)
Teen FictionI am Melody Scarlet Canister. Long ago, I regrets all the things I've done. I run, I hide and at the same time, I tried and tired. That is why I prison my own heart. . .