28 NR

426 14 5
                                    

Jeno/ Chun-Hee

Jeno's POV

Nagmadali akong magbihis. Kahit na disoras ng gabi ay pupuntahan ko siya. Hindi na ako nag-abala pang magpa-alam sa Hyungs at Dongsaengs kasi baka tulog na sila.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakapunta na ako. Nakakotse ako. Tinanong ko at hinanap ko ang private room niya at nakita ko siya na sinasalinan ng dugong pula.

"Jeno."

Nasasaktan ako habang naririnig ko ang boses niya. Medyo pagod siya at namumutla. Nagkapasa na rin siya sa braso at binti niya.

"Ano bang ginawa mo?"

"Nagtrabaho kasi ako. Wala pa akong tulog. Nag-full ship ako kahapon."

"Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo Chun?"

"Wala lang to."

"Wag mo na ulit gagawin yon ha?"

Tumango lang siya at ngumiti. Hindi ko maiwasan na malungkot sa nakikita kong lagay niya. Meron kasi siyang sakit na Leukemia. Natuklasan ko last year lang. Stage 2 na at kasalukuyang ginagamot ito. Ang pamilya ni Seo-Yun ang tumutulong sa kanya upang mapagamot ito dahil doktor ang mga magulang ni Seo-Yun. Pero dahil nahihiya rin siya, gusto niya na yung ibang gamot ay siya na lang ang bibili. Ako, si Min-Jee at si Seo-Yun lang ang may alam nito.

"Sana kasi hindi ka na nagpapakapagod."

"Akin ka na lang kasi, hindi ka na masasaktan at hinding-hindi kita hahayaan na masaktan."

Sabay sabi ko habang tulog siya at hinawi ko ang buhok niya sa kanyang mukha at marahan ko siyang hinalikan sa noo.

Bus | l.mkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon