Chun-Hee's POV
(Ito yung flashback sa 35)
I totaly forgot about sa usapan namin ni Mark. Pakshet. Pero totoo ba talaga na umamin siya? Kinikilig naman ako. Puta. AHAHAHAH. Pero ito, sunday na at nakalabas na ako ng ospital. Pero mas natatakot ako na baka maiwan ko lang siya. Pero mahal ko siya. Ang mahalaga ang ngayon. Napagpasiyahan kong magpunta ng mall at nagdress lang ako saka sandals.
(Dress only)
Namiss ko na rin kasi mamasyal at makapag-isip-isip. Lalo na't parang busy lahat ng tao. Si Min-Jee at Lucas? Ayun, okay naman sila. Si Seo-Yun? Nakikipag-blind date. Ako? Mag-isa. Ayokong magpasama kay Jeno kasi nahihiya rin ako. I went to the boutique first, kahit na wala akong pambili, gusto ko talagang mag-window shopping lang lagi. Kung may mga magulang sana ako, hindi ko na kailangan magtrabaho.
"Anak gusto mo ba 'yan?" Sabi ng nanay sa anak niya. Binibili nila ang pinakamahal na dress dito sa boutique. Nakakainggit kasi hindi ko yan naranasan. My parents? Well my dad is a soldier. Namatay siya sa kasagsagan ng gera. My mom? She died ever since I was born. Ayaw rin akong kupkupin ng mga kamag-anak ko. Hindi ko alam. Dahil ba nanggaling sa ampunan ang nanay ko at kagaya ko siya lang rin ang bumubuhay sa sarili niya noon? Aba't ewan ko. Ang mahalaga ngayon, may stable ako na trabaho at nakakapag-aral ako sa isang private school.
"Opo Mommy. Thank you Mommy." Sabi ng anak niya sabay yakap sa Mommy niya.
"Ahmmm, excuse me po Ma'am, bibilhin ninyo po ba iyan?" Tanong bigla ng Sales Lady sa akin.
"Ayy hindi po, tumitingin lang po." Sabi ko at lumabas na. Nagugutom na talaga ako.
Pumasok ako sa isang fast food at umorder. Pagkatapos kong kumain ay nadaanan ko ang jewerly store. Pero parang natanaw ko si Mark. Tekaaaa. Si Mark?! Tama nga ang nakikita ko. Si Mark na bumibili ng isang kwintas. May pagbibigyan siguro siya niyan. Siguro hindi ako? Hayss. Makauwi na nga.
Papalabas na ako ng mall, maya-maya ay may nadaanan akong eskinita at hinila ako ng dalawang manyak sa loob. Damang-dama ko na hinuhubaran na nila ako sa mga isipan nila. Sa mga titig palang nilang malaswa. Puta. Pero dahil wala akong magawa at nagtitinginan sila sa isa't-isa. Nagmakaawa na lang ako. Tinawagan ko si Jeno at hindi ko alam kung sinagot niya ba.
"Wag niyo kong sasaktan! Lumayo kayo!" Sigaw ko.
"Wag ka mag-alala Miss, mag-eenjoy ka naman kasama namin. Ako sa taas, ikaw sa baba pre." Manyak 1
"Mukhang masasarapan tayo dito. Ganda pa naman pre." Manyak 2
Pero may lalaking biglang sumugod at pinagsusuntok ang mga manyak na lalaki. Napaluhod ako sa takot. Muntik na akong marape. Ohmyghad. Pero maya-maya ay lumuhod siya at hinawi niya ang buhok ko. Niyakap ako at umiiyak parin ako. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya.
Dahan-dahan
.
.
.
.
.
.
Nilalapit niya pa ang mukha ko
.
.
.
.
.
.
.
.
"HYUNGGG? CHUN-HEE?"
Nagulat kami dahil ayun pala si Jeno, nakatayo at nanonood. Umalis siya bigla. Hahabulin ko sana siya pero hinigit ako ni Mark sa braso. Itinayo niya ako at isinuot sa akin ang jacket niya at sinamahan ako pauwi. Pero papasok na sana ako sa apartment ko ng hinawakan niya ako sa palapusuhan at napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.
"Sandali lang."
"Bakit?"
May inilabas siya sa bulsa niya isang kahon na may lamang kwintas. Isinuot niya sa akin ang kwintas. Magtatanong sana ako kaso nagsalita siya.
"Chun-Hee, gusto kita. Lagi mo sanang isuot ang kwintas na ito bilang paalala na nandito ako para protektahan ka at nandito ako na mahal ka. Isuot mo din yan bilang paalala na pag-aari kita." Sabi niya.
"Agad-agad? Ligawan mo muna ako. Kaltukan kita diyan ehh." Sabi ko.
Napatawa siya.
"Oh sige, liligawan na kita ahh?"
"Goodnight, Love you." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Hoy, hokage ka! Love you too!"
BINABASA MO ANG
Bus | l.mk
Fanfiction[NCT E P I S T O L A R Y S E R I E S #2] In which a boy and a girl who always get on the same bus on the way home. "Ako yung babaeng nakakasabay mo sa Bus lagi." Language: English and Tagalog Date started: May 01,2018 Date Ended: June 08,2018 A/N:...