14 NR

518 11 4
                                    

Bold - Mark, Normal - Chun-Hee

Mark's POV

Uwian na naman. Medyo nakakamove-on na ako kay Min-Jee. Tanggap ko ng mahal niya si Lucas. Maybe there's another girl that is waiting for me. Nag-aantay na naman ako ng bus pauwi. May huminto ng isa at sumakay na ako ulit. Medyo gabi na nga ehh. May babae na naman akong nakita. Anyway, naupo na lang ako at nagpasak ng earphones sa tenga. Maya-maya may naririnig akong kumakanta. Para siyang tanga. Sintunado pa.

"AKIIIIIINGGGGG SINTWWWWAAAA!"

"IKAW NA ANG TAHANAN AT MUNDO!!!"

Mundo pa talaga ng IV of Spades binanatan. Taena sakit sa tenga. Pinuntahan ko siya at tinanggal ang earphones niya.

"Excuse me lang Miss, pwede pakihinaan? O kaya wag ka nang kumanta kasi hindi naman maganda ang boses mo."

"Wow ha. Sorry rin ahh kasi hindi kagandahan ang boses ko ahh?"

Napatahimik ako. Sus. Siya pa galit ehh ako nga dapat magalit kasi nakakaistorbo siya sa mga tao.

"Bababa na ako manong. Bwisit kasi yung isang pasahero dito."

Bago siya bumaba tinaas niya ang middle finger niya at tinapat sakin.

Aba. Napakalakas ata ng loob ng babaeng to. Kung hindi lang ito babae masasapak ko to.

Bus | l.mkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon