55 NR

345 9 13
                                    

Chun-Hee's POV

Sunday, a day of family. Kaso wala akong family. Putangina. Yung pamilya na tinuturing ko wala ehh. Sabi nila papa dati, may kapatid daw ako. Kaya lang hindi ko nakita kasi nawala daw yung Ate ko at hindi na nakita. 2 yrs. lang daw ang agwat namin. Pero wala akong picture niya. Baka nga patay na siya. Pero ayoko. Anyway, 8:30 am na. Maliligo na ako at maghahanda sa date namin. Sinabihan ko sila Min-Jee at tinulungan nila ako na mag-ayos. Hindi talaga ako sanay magsuot ng bistida. Pinasuot nila ako ng bistida. Huhu. Di ako sanay. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko. Ako parin ba ito? Kaso hindi ako sanay. Huhuhu. (Dress and sandals only)

"Bagay ba? Feeling ko ang pangit ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bagay ba? Feeling ko ang pangit ko. Hindi ako sanay. Huhuhu." -Ako

"Bagay na bagay sayo Chun. Lalo na at maputi ka pa. Okay lang yan." -Seo-Yun

"Okay lang yan. Ang ganda-ganda mo nga ehh. Yieeee."

Maya-maya ay may narinig ako na kumakatok.

"Hala, andiyan na siya. Kinakabahan ako." -Ako

"Wag ka kabahan gaga. Ang ganda-ganda mo ehh. Ohh sige na. Go, go. Enjoy your date!" - Min-Jee and Seo-Yun

Nagpaalam na ako sa kanila at binuksan ang pinto. Nagpunta sila sa apartment ko at dun daw muna sila. Bahala sila. Kinakabahan talaga ako. Pagbukas ko ng pinto ay nag-aantay si Mark sa gilid ng pinto. Nakasandal siya at may hawak na flowers and chocolates.

"For you." Mark

"Salamat."

Hindi ko siya matignan. Namumula na siguro ako. Nakikinis, ang akward. Pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at sinabing "Tara na." Sheeeeet.

Nagpunta muna kami sa isang restaurant at naupo kami. Dumating ang mga pagkain. Umorder ako ng soup. Hehe. Syempre hindi lang yan.

"Susubuan kita dali." Mark

"Ano ba nakakahiyaaa." Ako

"Dali na. Ahhhhh....."

Dahil wala na rin akong choice ngumanga ako at nilapit yung bibig ko sa kutsara pero pilit niyang nilalayo. Magsasalita na sana ako ng halikan niya ako sa noo. Sabay ngiti.

"Ano ba?" Ako

Tinawanan lang ako ng ugok. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa Nami Island. Wahhhh. Ang gandaa dito. Pero medyo mahangin. Kaya hindi ako komportable. Napansin kong napapansin ni Mark na hindi maayos yung lakas ko.

"Ang ganda dito no?" Pag-iiba ko ng topic.

"Tsk." Mark

"Anong prob--" Ako

Nagulat kasi ako. Dahan-dahan niyang tinanggal ang jacket niya. Itinali niya sa bewang ko.

"Bakit ka ba nagdress?" Mark

Hindi ako sumagot.

"Alam mo, hindi mo naman kailangan na magsuot ng mga bistida kasi kahit anong damit ang suotin mo, maganda ka parin. Kahit hindi ka man magmake-up, maganda ka parin."

Naspeechless ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

---

Dumaan ang mga oras at nandito kami sa amusement park. Mayroong building dito na may roof top. Kaming dalawa lang ang nandito. Nakaupo ako sa mga pasimano habang nakatayo siya sa may tapat ng inuupuan ko at nakatingin sakin.

"Alam mo ba kung gaano ka kaganda?" Mark

"Hindi ako maganda ano." Ako

"Kasing ganda mo ang mga bituin. Mas maganda ka pa nga ata ehh."

"Gusto kita Chun. Liligawan na kita. Kahit nagtatrabaho ka man sa kung ano o kahit ano, tanggap kita at gusto kita."

"Pero Mark bakit ako? Hindi naman ako maganda. Hindi ako mayaman. Ako ang nagpapa-aral sa sarili ko at pang huli may sa-." Natigilan ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Ang tungkol sa sakit ko.

"May ano ka?" Mark

"Wala." Ako

Hindi na kami kumibo. Binaba niya ako sa pasimano at nagsimula na ang fireworks. Habang nanonood, hinawakan niya ang kamay ko at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Sana wala na akong sakit. Sana hindi na ito matapos. Ito ang pinakamasayang araw na naranasan ko. Sana gumaling ako.

"Chun? Chun? Chun ayos ka lang?"

"Chun! Tulong! Tulong!"

Bus | l.mkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon