Character's Facts

19 1 0
                                    

Anica Jade Villiamor

Family Background:
Ang Mama niya nangasawa ulit which is Step Father niya na. Dalawa lang silang magkapatid sa tatay niya. Isa naman Ang kapatid niya sa Stepfather niya. Ang mama niya nag Abroad sa America kaya sila umalis ng Ate niya sa puder ng Step father nila dahil hindi nila gusto ang pagtrato sa kanila ng stepfather nila. Ginagawa silang alipin. Ang Nanay nila walang inintindi kundi ang anak sa stepfather nila. Nakapagtapos ng pag aaral si Amber at may trabaho bilang isang Manager ng isang hotel and restaurant kung kayat siya na ang nagpapa aral sa kanyang kapatid na si Anica. (Sensha na. Yan lang muna sa family background di naman kasi masyadong kasali yan sa kwento eh. Mas kosentrado ako sa bida.)

Sa lahat ng naging crush niya ito ang mga ilan sa di niya makalimutang moments niya with crush niya. Oh diba? May moments sila nang mga crush niya. eh... wala eh.. walang forever..Charoot.XD
Di naman sila nag kakatuluyan.

PS: Lahat ng moment na yan di alam ng mga yan na crush sila ni Anica. XD swerte netong babaeng toh.

Classmate Crush (Grade 5 - 8  naka shuffle yan)

Crush Classmate Sam moment.
-Nanunuklay ng buhok si Anica. Nakayuko si Anica.(Natatabunan ng buhok niya ang mukha niya parang sadako) Tapos biglang tinabihan siya ng crush niyang si Sam. Kinuha ang suklay sa kanya. Hiniram, ginamit ang suklay niya. Tinitigan ni Anica yung crush niya habang nanunuklay gamit ang suklay ni Anica.(Kahit natatabunan mukha niya nakikita parin yun ng onti.) Nag bablush si Anica. Tapos binalik yung suklay niya. "Salamat". Tapos kinindatan siya... (Ayiieee. XD)

Crush Classmate Luke Moment
-Naglalakad pauwi si Anica galing School. Nakisabay si Luke na crush niya. Tapos biglang kunuha ang tubigan niya.Sa gilid ng bag niya. Sa tangkad ba naman ni Luke. Di abot ni Anica yung tubigan niya. " Bigay mona kasi. Kulet naman neto." Pag mamakaawa ni Anica. "Ayoko nga. Kunin mo. Abutin mo." Pagmamayabang ni Luke.Lumapit si Luke sa kasintangkad niyang sanga ng puno inaakmang isasabit ang tubigan ni Anica.Habang inaabot niya ang tubigan nyang naka tiyad. Napansin niyang tinititigan siya ni Luke halos ang lapit na ng mga mukha nila . Mga 1 min. Siguro sila nag titigan. Hanggang sa may tumahol na aso tapos sinabit ng tuluyan ni Luke yung tubigan niya sa puno. Saka tumakbo papalayo si Luke. "Hayzz nakakainis ka talaga Luke!!!. Humanda ka sakin sa susunod!!" Sigaw ni Anica.

Crush Classmate Jason moment.
-Friday cleaners sila Anica at crush niyang si Jason. Nagtangkang tumakas sila Jason kasama ang iba pang cleaners. Kaya hinabol sila nang mga girls na cleaners kasama na dun si Anica. Siyempre ang hinabol ni Anica Crush niyang si Jason. Nadapa si Jason nang mahuli.. Siyempre hawak hawak nya yung kamay ni Jason inalalayan papasok sa room pagod na pagod kaka habol magkatabi sila. "Huy ..Jason? OK kalang?" Nagaalalang tanong ni Anica. "Oo, medyo masakit lang." Sabi ni Jason. "Yan kase. Takbo pa more. Maglilinis na ngalang papahabol pa. Patingin nga.? May sugat bah?".. Tinitingnan ni Anica yung siko tsaka tuhod ni Jason kung may sugat. Si Jason naman nakatingin lang sa kanya. " Parang wala na---." Napatigil si Anica. Kumunot noo  nakita niyang nakatingin sa kanya si Jason. Nilapit ni Jason mukha niya kay Anica. Aakmang hahalikan si Anica.Paaakkkk!!! Sinampal ni Anica si Jason sa mukha. "Hala.!! Sorry... Sorry talaga..." Hinawakan ni Anica yung mukha ni Jason kung saan niya nasampal  agad niya namang inalis yung kamay niya sa mukha ni Jason saka tumakbo paalis mula sa room. "Baliw yung lalakeng yun ah. Hahalikan pako.? Crush ko nga sha pero ambata kopa para makipaghalikan. Huhuhu nakakahiya."... Bulong niya sa sarili...(XD natatawa ako dito sa moment niyang toh)

Crush Classmate James Moment.

- Naglalaro ng piringan sila Anica kasama mga kaklase niya. Si Anica yung Taya. Kaya sya yung may handkerchief sa mata. " Isa,dalawa,tatlo!" Sabi ng kaklase niya habang pinaikot ikot si Anica. " oh sige. Ilan tong nakikita mo?".. "Dalawa? Ewan ko di ko nga makita eh. " sabi ni Anica. Nagsimula na ang laro. Di alam ni Anica kung saan papunta. Walang makita eh. "Diretso sa teachers table!!! May nakaupo.!!" Rinig niyang sigawan ng mga kaklase niya. Dumiretso naman siya . may nakapa siya ng lalakeng nakaupo. Hinawakan niya ang mukha.. "Sino toh??" Sabi ni Anica. " Ayiieee.!!!" Sigawan ng mga kaklase niya. Tapos may biglang nagtulak sa kanya. NapaHug tuloy siya sa lalake. "Ahhh... Omayygaaadd!!" Hiyawan ng mga kaklase niya. Tinanggal niya yung handkerchief sa mata niya. "James? Di ka naman kasali ah." Nakangiti lang si James sa kanya."Ayiieee!!!" Sigaw pa ng mga kaklase niya." Hoy mga baliw..!!!" Nahihiya tuloy si Anica na nagbablush. Pano ba naman kase.. Kalat sa room nila na crush niya si James.

OK yun lang XD kinilig ba kayo? Kase ako Oo eh.^_^

Nicholas Ridge Almirez

Family Background:
Si Nicholas a.k.a Nico/Nick. Ay anak ng Principal sa school nila. Sila rin ang may ari ng school. Ang tatay niya naman ay isang President O.I.C ng isang Company. Oo ,Mayaman sila.Ang Kuya niya naman na si Nathan ay kasama na nagpapatakbo sa company nila. Pero wala silang time sa pamilya. Nakasanayan na ito ni Nico kung kaya't medyo cold siya, gangster kumilos (pero di naman masyado) tahimik at nakatutok sa pag aaral. Gusto niyang magpa impress sa mga magulang niya dahil inaasahan nyang pag napa impress niya ang pamilya niya magkakaroon sila ng pagkakataong makapagbonding manlang.

Lovelife?

-Si Nico may Ex-Girlfriend.. Sophie ang pangalan. 1year rin sila bago nakipag hiwalay si Nico sa kanya. Pinagpalit kasi si Nico sa pageant ni Sophie. Pero may nakilala si Nico, Babaeng magpapabago sa buhay niya. Mukhang nainlab sa isang babaeng kakaiba sa lahat ng babaeng nakilala niya.Dahil gustong gusto si Sophie ng Kanyang Mama wich is their principal. Inaakma parin ni Sophie na balikan si Nico. At gagawin niya ang lahat para lang mabalik ulit si Nico sa kanya.

Toby Vincent Salmona

Family Background:
-Namatay ang papa nila Toby at Troy noong bata pa lamang sila dahil sa Car accident. Ang Nanay nila ang nag tatrabaho at ang nagpalaki sa kanila. Dahil lumaki sila na walang tatay .Di nila maiwasang magisip nang paano kung buhay pa si Papa? Makulit si Toby at masayahin. Sa twing naalala ni Toby ang pag kawala ng Papa niya.Nagmumukmok siya sa isang lugar na walang makakakita sa kanya. Tahimik siyang umiiyak. Ganun din ang ginagawa niya sa twing nag kakabroblema siya o nalulungkot siya.

Love life?

-May gusto siyang babae .... Di pa malaman kung sino,May Kaibigan siyang Babae Faybelle ang pangalan.Dahil sa sobrang close nila mukhang gusto nila ang isa't-isa. Kaso namatay dahil sa sakit na Leukemia. Nalungkot siya dahil sa pagkawala nung kaibigan niyang babae.

Author's Message
Guyss sensha ah. Wala pa yung ibang characters. Pero makikilala niyo naman sila sa story eh. So  kalma lang easy lang. Daghang salamat sa inyong pagbasa sa aku ang istorya😁😘 

My School Crush💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon