[📷⬆Nicholas]
After many Weeks...
[Alarm clock ringing..]
Anica's POV
Hayzz. Pinatay ko ang maingay na alarm. Tiningnan ko kung anong oras na. 5:00am.Natulog ulit ako. Maaga pa naman eh.[Alarmclock ringing...]
Nagising ako. Tiningnan ko kung ano na oras. Ommayyygaaadddd!!!!!! 6:30am na. Huhuhu late nako!!!
[Tok! Tok! Tok! ]
Rinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko.Nagulat ako sa kanila bihis na bihis na.
"Dyuskopo! Bat di kapa nakaligo't nakapag bihis? Malelate na tayo!" Sigaw sakin ni Kiara.
"Hayyz nako. Kung ano-ano siguro pinang gagawa neto kagabi.." Sabi naman ni Ashlyn.
"Sensya na po. Natulog kasi ako ulit. Mauna nalang kayo sa school. Ayokong pagantayin pa kayo."
"Bait naman neto, bagal mo pa naman kumilos." Sabi ni Kiara.
"Onga. Ewan ko sayo, bahala ka. Mauna na nga kami.".. Sabi ni Ashlyn sabay kunot noo.
Tawa naman si Kiara. Sabay babay.Tumango lang ako tapos kumaway ng babay sa kanila. Saka sila umalis.
Pagka alis nila kumilos agad ako. Naligo, nag bihis at nag toothbrush di nako nakapag almusal. Wala nang oras eh. 7:18 nako nakadating sa school. Late ng 18 mins. Nakasirado na yung gate ng school.Nakita ko ung mga late na istyudyante sa labas ng gate . Yung iba naka tayo ,yung iba nakaupo sa gilid, yung iba patambay tambay kahit saan. Hayyz ba naman 1st time Kong malate. Ginawa ko umupo sa backride ng nakaparadang tricycle. Anong oras bubuksan ng Guard yung gate? Bubuksan paba yung gate para sa mga late?
Maya- maya may lalaking istyudyante dirediretso sa gate ng school. Kala niya siguro papapasukin siya. Kinatok nya yung gate. Binuksan naman ng Guard. Aba! Ang tindi ah. Pinapasok yung isa samantalang kami naghihirap dito. Sino ba yun? Gangster ba yun? Loko yun ah. Kainis naman gusto kona pumasok.8am na. Naabsent kona yung unang subject. Saka rin sinabi ng Guard na mag sulat ng pangalan sa papel, Full name daw, section, pati adviser tapos date. Hayzz may record nako being late. Tapos pinapasok na kami sa loob. Nag dali-dali akong umakyat. Nakita ko yung pinapasok nang guard kanina. Nasa labas ng room nila naka upo. Para tuloy akong natatawa. Kasi pinapasok nga siya sa gate, di naman siya pinapasok sa room nila XD. Magkatabi lang kami ng room so .. 9-A siya. Hahahaha mukha siyang pulubi. Narealize ko kanina pako nakatingin sa kanya. Nakakahiya..nakatingin din sha sakin.. tuloy na curious sakin XD . Pumasok nako sa room buti nalang wala yung first Subject teacher namin. So lusot ako sa teacher pero sa records hinde. -_-
Naki chika agad sakin si Lizzie natural. Kami mag katabi. Nasa pinaka likod kami .Kawawa naman si Lizzie anliit niya pa naman tapos nasa likod siya.
Ganto kasi seating arrangement namin.Corine|Alexa|Kathlene|Lizzie|Me
Ganurn.
Tinanong niyako bat daw ako nalate . Tawa siya ng tawa nung sinabi ko ang dahilan. Ang babaw ng kaligayahan neto.. Natawa nalang tuloy ako.
Siyempre makalipas ng ilang linggong kasama ko sila. Naging close kona sila lalo na si Lizzie napakaharot eh.
Dumating na yung teacher namin sa A.P si Ma'am Flores.
"Ok class. May announcement ako sa inyo. Para sa gaganaping A.P month natin meron tayong mga activities and programs na pwede ninyong salihan. Tulad nalang ng Mr. and Ms. United Nation, Quiz bee, Bayani Look alike at marami pang iba. So kung gusto niyong sumali pumunta lang kayo sa A.P department at sila na ang bahala sa inyo ok? So umpisahan na natin ang klase. Ano ang napag aralan naten kahapon?"...
BINABASA MO ANG
My School Crush💕
Teen FictionTungkol ito sa buhay ni Anica Jade Villiamor. Sa dinami-dami ba naman ng naging crush niya ay meron siyang mas kinaiinlaban at yun ay ang First Love niya. Umasa siya dahil akala niya may pagasa siya sa first love niya. Ngunit siya'y nabigo't nasakt...